Jason "OH, kumain ka pa," sinubuan ko si Zkat ng pagkain, mabuti na lang agad siyang nagkamalay. "Damihan mo para makabawi ka agad ng lakas." "Ano ba," mahinang sabi niya, naiirita na natatawa. Iniiwas ang mukha sa kutsara. "Parang bakla naman ako, Kuya. Hindi na ako baby, kaya ko na sarili ko." "Bakla? Iyang pagpapakamatay mo, hindi ba kabaklaan 'yan? Kalalaki mong tao, napakaduwag mo," panenermon ko sa kaniya, I need to insult him. Gusto kong matauhan siya para matigil na itong ginagawa niya. He attempted suicide again, napakahirap iproseso sa isip ang nangyayari. Hindi naman kasi siya dating ganito. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa na bumalik ang alaala niya o dapat ba akong magalit dahil 'yon pa ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito. "Umayos-ayos ka, Zkat Aidenry ha. K

