Jason "BABE, do you want to come with me?" tanong ko sa asawa ko isang umaga. We're still on our bed, kagigising pa lang naming dalawa. "Saan?" she curiously asked. "I'll visit my nephew," nakangiting sabi ko. "Titingnan ko rin si Zkat sa bahay kung ano nang nangyari sa kaniya. Last week pa nakalabas ng hospital, di ko pa nabibisita." Ilang linggo na rin kasi ang lumipas. Marami-rami na rin ang nangyari. Nakakapagod nang isa-isahin, hindi ko rin alam kung paano ko naitawid ang mga araw na 'yon, pinagsisikapan ko palaging makauwi sa asawa ko, kahit minsan pagkadating ko sa bahay ay tulog na siya, at kinabukasan, kahit hindi pa siya nagigising ang umaalis na ako. Sapat na sa akin na nakikita ko siya, na nakapagpapahinga ako sa tabi niya. "Sorry, Babe. Masama talaga ang pakiramdam ko eh,

