Jason Ang kaninang masayang pag-uwi ko at ang pananabik ko na makita ko ulit ang asawa ko matapaos ang napakahabang araw ay bigla na lang nagbago at nawala. Hindi ko akalain sa isang iglap ay magbabago ang emosyon na nararamdaman ko. Pinlano ko pa naman na bumawi sa asawa ko, dahil nahihiya na ako na hindi ko na siya halos mabigyan ng oras. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa nalaman ko. Hindi ko rin alam kung paano magri-react, masyadong biglaan at mabilis ang pangyayari kaya hindi ko ito napaghandaan. Hindi ko rin inaasahan. Paano siya nabuntis? Paano nangyari 'yon gayong… Hindi! Hindi totoo ito! Hindi ko nagawang maigalaw ang katawan ko, para akong naparalisado habang pilit kong isinisiksik sa isip ko ang nangyayari. Ang asawa ko ay buntis… dapat sana ay magsaya ako pero… imposi

