Nicole I didn't know what time I exactly fell asleep again. Nagising na lang ako nang hindi alam ang oras hanggang sa tingnan ko ang cellphone ko. Sobrang bigat ng katawan ko. Nahihilo ako. Parang binugbog ang katawan ko lalong-lalo na ang likod ko. My joints felt so weak but I forced myself to get up knowing that I need to cook breakfast for today. May trabaho pa naman sila si Jason, Drick at Brick. Wala na si Jason sa tabi ko nang magising ako, hindi ko alam kung saan siya nagpunta pero ang hula ko ay nandoon siya sa master's bedroom, naliligo at nagbibihis. Pakiramdam ko ay hindi ko halos maigalaw ang kabilang braso ko sa sobrang sakit, ngunit sinasanay kong igalaw. Siguro dahil 'to sa magdamag na pagkakaipit. We obviously couldn't change positions as we were sleeping. Baka kapag si

