Nicole "JASON! Akala ko ba ay aayusin mo na ang buhay mo? Akala ko ba ay susubukan mo nang mag-move on, pero bakit lasing ka na naman?!" napipikon kong tanong sa kaniya habang inaakay ko siya paupo sa sofa. "Jason naman eh! Hanggang kailan ka ba magiging ganito?" "Si Raine…" Panay ang pagsambit niya ng pangalan ni Raine. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito siya katindi magluksa. Mag-iisang linggo na siyang ganito, kasabay ng paglalasing niya ay ang pag-aalala ko dahilan upang hindi ako makapag-concentrate sa school. "G-gusto kong… puntahan si Raine." Tumulo nang sunod-sunod ang luha ko dahil sa sinabi niya. Gaano ba kalaki ang parte ni Raine sa buhay niya? Sinisira niya ang buhay niya dahil kay Raine! Pinapabayaan niya ang buhay niya dahil kay Raine. "OH, wala kang work?" I asked

