Jason "HERE'S the flowers, Sir," nakangiting sabi ng babae na binilhan ko ng bulaklak. "Thank you," nakangiti kong sabi tyaka binayaran ko agad ang bulaklak tyaka ako umalis at nag-drive papunta sa sementeryo upang bisitahin na naman si Raine. Palihim ko na lang itong ginagawa talaga dahil ayaw kong magalit pa si Nicole sa akin. I know her issues about my late best friend, ayaw ko rin na talikuran na lang si Raine nang basta, kaya mas mabuti kung ililihim ko ang minsanang pagdalaw sa kaniya. Inaasahan kong gaya ng mga nauna kong pagbisita kay Raine ay ako lang mag-isa, gaya ng nakasanayan ko. Kaya naman bahagya akong nagulat nang makitang nandoon na naman si Dylan. "Dumalaw ka rin pala," sabi ko at inilapag ang bulaklak na dala ko. "Naging madalas ako dito mula noong malaman kong ika

