Third Person “Hindi umalis si Peitho, nakita ko siya na nag tatago at nag mamasid sa likuran ng isang sasakyan,” Natahimik ang mag kakaibigan, maliban kay King dahil sa sinabi ni Luke. Alam ni King na naroroon si Peitho dahil malakas din ang pakiramdam nito. Ganun pa man, hinayaan lang ito ni Kingdahil inakala nitong nag aalala nga lang ito para kay Zane at sa kanila. Pero ngayon, dahil sa sinabi ni Luke, ano nga ba ang magagawa ni Peitho para tulungan sila kung sakali? “Hayaan n’yo na, huwag na kayong mag isip ng kung ano ano kay Peitho, sadyang nag aalala lang siguro sa akin ‘yon,” kinikilig na sabi ni Zane sa kanila Napatingin naman si Luke kay King, tumango si King dito upang iparatin na hayaan na lang. Napahinga ng malalim si Luke at lumapit kay King bago dahan dahan na hinaplo

