Vanessa Lavender Smith (Queen) Mukang nakita naman ako ni Peitho at Aikka dahil ibinaba ko ang salamin ng passenger seat, wala akong pakialam kung tumatakas ang lamig ng aircon dahil madali naman itong nababalik. Nakita kong kumaway sa akin ang dalawa, nakaupo ang dalawa sa isang lamesa at sa tingin ko ay hinihintay nila ang kanilang order na sa tingin ko ay marami. Ilang sandali pa ay tumayo na ang dalawa at may kinuha, nakita kong may ini- scan si Peitho na sa tingin ko ay QR code gamit ang aking cell phone upang mag bayad. Sa panahon ngayon, kapag mag pupunta ka sa mga ganitong klaseng lugar o mall man yan, hindi mo na kakailanganin pang mag withdraw o mag dala ng cash, basta mo na lang itapat ang cell phone mo sa kanilang QR code upang makapag bayad online. Habang tumatagal ay mas

