CHAPTER 5

1011 Words
Vanessa Lavender Smith Nakatingin lang ako kay Tito hanggang sa makalabas na ito ng pinto, pagtapak na pagtapak nito sa labas ay narinig ko na ang mga reklamo ng tamad kong ka-groupo. "Kung alam ko lang na babalik tayo dito sa Pilipinas para mag aral, sana hindi n alang ako sumama," iritang sabi ni Peitho na hindi ko binigyang pansin. "Luckily walang uniform ang University na 'yon, masusuot ko lahat ng gusto kong isuot," isip batang sabi ni Aikka habang nakatuon parin ang kanyang tingin sa folder na kanyang hawak hawak. "Talaga? Walang uniform?" gulat na tanong ni Peito kay Aikka. Tumango naman sa kanya si Aikka bilang pag tugon. "Hindi mo ba binasa?as long as suot mo ang I.D ay p'wede kang pumasok kahit mag bikini ka pa," sabi pa ni Aikka. Dali dali namang binuksang muli ni Peitho ang kanyang folder, nanlalaki ang mga mata nito habang binabasa ang impormasyon na 'yon. "Okay naman pala sa school na'to, hahaha, masusuot ko lahat ng gusto ko!" masayang sabi niya habang nakangiting nakakaloko. Napailing na lang ako dahil sa kanyang inasal, parang kanina lang ay naiirita siya dahil babalik siya sa pag aaral pero ngayon ay tila mukang may binabalak siya. Kahit kailan talaga, tsk. Napatingin ako kay Axel na ngayon ay seryosong nakatingin sa labas ng binatana, tulala na naman ito at tila malalim ang iniisip. Dahil sa nabobored na ako sa bahay ay ako'y tumayo, lahat sila ay napatingin sa'kin na may pagtatanong sa kanilang mga mata kung saan ako pupunta. "Mall," maiksi at malamig kong sabi sa kanila. Nakita ko ang pag liwanag ng muka ni Aikka at Peitho at ang sabay nilang pag tayo. "Sama kami!" parang bata na sabi ni Aikka bago sila sabay na tumalikod ni Peitho at sabay na tumakbo papunta sa itaas kung saan naroroon ang aming mga kwarto. Muli akong naupo at kinuha ang aking cellphone. "Hindi ka mag bibihis?" narinig kong tanung ni Axel na naging dahilan para mapatingin ako sa suot ko. Kasalukuyan ako ngayong nakasuot ng plain black jogger pants na medyo baggy at isang over sized shirt na may nakasulat na back off bitches na tenernohan ng simpleng tsenilas. Dahil wala naman akong nakikitang masama o mali sa aking kasuotan ay nag kibit balikat na lang ako bago muling ibinalik ang tingin sa aking cellphone. Ngunit napatingin din agad ako sa kanya at tiningnan ang kanyang kasuotan. "Ikaw?hindi ka ba mag papalit?" tanong ko sa kanya bago tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Nakasuot siya ngayon ng simpleng short at plain black shirt at nakatsenilas din, kahit simple lang ang suot niya ay malakas ang kanyang datingan bilang isang lalaki. Hindi na ako mag tataka kung bakit lagi na lang siyang pinag kakagulohan. "Okay na ako dito, mas kumportable ako sa ganitong suot," nakangiting sabi niya. Nag kibit balikat na lang ako bago muling ibinalik ang tingin sa aking cellphone, kasalukuyan ko kasi ngayong hinahack ang CCTV ng highway para malaman ko ang mga daan kung saan traffic para maiwasan namin. "WE'RE READY!" napatingin ako sa taas ng hagdan at doon ay nakita ko si Aikka at Peitho na nakangiti at magkasunod na nag lalakad pababa. "Pfft-" napatingin ako kay Axel at nakita ko siyang nag pipigil ng tawa. Muli kong ibinalik ang tingin sa dalawa na ngayon ay tila aattend ng cosplay at fashion show. Si Peitho ay nakasuot ng long elegant dress na sobrang haba ng slit, hapit na ahpit sa katawan niya ang dress na kanyang suot suot, bumagay pa dito ang pouch niyang chanel. Habang si Aikka naman ay nakasuot ng mini korean skirt at tila isang uniform ng Japanese school dahil sa blouse nito, nakasuot pa siya ng mahabang medyas at itim na sapatos, agaw pansin din naman ang kanyang bunny ears na head band. "What on earth are yo wearing?" tanong ni Axel habang nakatingin kay Aikka at nag pipigil ng kanyang pag tawa. Napailing na lang ako ng makita ang pag nguso ni Aikka. Minabuti kong mag akit na uapng hindi na humaba pa dahil anong oras na. "Tara na, marami akong kailangang bilhin ngayon," malamig na sabi ko at nauna ng mag lakad palabas. "Your car or mine?" tanong ni Axel sa'kin ng makalabas kami. Agad kong ihinagis ang aking susi sa kanya at sumakay sa passenger seat ng aking sasakyan, wala ako sa mode ngayon para mag drive. Kung may roon lang talaga akong available wig sa bahay ay hindi na ako lalabas pa. Ayaw ko naman itong iutos sa kanila, hanggat hindi pa nakakasunod ang aking Butler ay ako muna ako mamimili ng aking mga kakailanganin. "Dito na lang kasi tayo!ayaw mo lang magasgasan ang kotse mo!" rinig kong sigaw ni Aikka bago ko maisara aang pinto ng passenger seat. "Nagtatalo na naman sila," sabi ni Axel na kapapasok lang at abala sa pag lalagay ng kanyang seat belt. Hindi ko ito pinansin at binuksan muli ang aking cellphone. "Dito tayo dadaan," sabi ko at ibinigay sa kanya ang aking cellphone. Agad niya itong kinuha at inilagay sa lagayan ng cellphone upang maging guide nya sa pag dadrive. Hindi nga pala siya dito lumaki kaya't medyo hindi niya alam ang pasikot sikot dito, maging ang kanyang pnanalita ay halatang laking ibang bansa. Peitho Nakasunod lang kami sa sasakyan ni Queen na ang nag dadrive ay si Axel, gamit namin ngayon ni Aikka ang kanyang sasakyan kaya ako ang nag mamaneho. BROOOOOOOOOOM Napatingin ako sa sasakyang nag over take sa'min, akala ko ay mag isa lang ito ngunit may sumunod pang dalawa. Tila nag papaunahan ang mga ito at napansin ko naman ang bahagyang pag bagal ng sasakyan nila Queen kaya wala akong nagawa kundi ang mag menor na lang din. 'Anong pinaplano niyo...' sabi ko sa aking isipan. Nanlaki ang aking mga mata ng makita ang ginawa nila, hinabol nila ang mga sasakyang nag kakarera. Unti unti akong napangisi at binitawan ang manubela. "Buckle your seat belt, Aiks," sabi ko habang inuunat ang aking kamay at muling hinawakan ang manubela at inapakan ang gas. 'The thrill is here...'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD