Peitho
Mabilis kong inapakan ang aking gas pedal, mabilis na umarangkada ang sasakyan na sinasakyan namin ni Aikka. Nakita ko kung paanong lumusot ang sasakyn ni Queen sa gitna ng mga sasakyan na nag over take sa amin, kaya napangisi pa ako at inayos ang aking upo at nag handa para sa pag lusot.
“Wews!” sabi ni Aikka habang nakatingin sa side mirror ng sasakyan.
Nagawa naming lusutan ang mga ito ngunit masasabi naman na sinusundan na kami ng mga ito kaya mas binilisan ko pa. Sumunod lang ako sa sasakyan ni Queen, hanggang sa makita ko na malapit na pala kami sa mall. Imbis na mag park sa unahan ay dire-diretso lang ang sasakyan ni Queen kaya sumunod lang din ako dito. Pumasok siya sa underground parking lot na ipinagawa ng Mall na ito exclusively for employees and owners.
And I forgot to tell na ang mall na ito ay pag aari ni Queen. Ito ang pinakamalaking Mall na nakatayo sa lugra na ito, ang Smith Mall.
Nakarating kami at nakapag park ng maayos sa underground parking lot. Halos sabay sabay kaming bumaba sa aming sasakyan.
“You forgot to wear contact lens, Queen,” sabi ni Aikka.
Napatingin naman ako kay Queen at tama nga si Aikka, mukang nakalimutan nitong mag suot na naman ng contact lens.
“Wala pa naman akong dalang extra,” sangat ko sa kanila.
“You can borrow naman may nerdy glasses, Queen, luckily you didn’t kalimut your wig, hehehehe,” nakangiting sabi ni Aikka.
Ibinigay nito ang kanyang eye glasses kay Queen na may makapal na bubog ngunit walang grado. Mukang sa paraang yun ay maitatago na kahit papaanoa ng kanyang mga mata. Napaka- makakalimutan kasi.
“Don’t call me Queen, we are on public, call me Vanessa,” seryosong sabi ni Que- I mean Vanessa.
Nag umpisa na kaming mag lakad at madali naman kaming nakapasok dahil agad na ipinakita ni Que- Vanessa ang kanyang badge as a owner. Dalawang tao lang ang mayroon ng badge na yun, at yun ay si Vanessa at ang kanyang titoninang lang.
Dire- diretso kaming pumasok, elevator ang bumungad sa amin at sumakay kami agad doon upang makapunta sa itaas. Tahimik lang kaming nakatayo sa loob ng elevator dahil ayaw ni Vanessa ng maingay pero nagagwa naman namin yun ng paraan, kahit mag ingay kami ay wala siyang nagagawa kundia ng makinig ng ingay namin ni Aikka.
Bumukas na ang elevator sa first floor at mukang may sasakay, hindi ako umisod o gumalaw manlang sa aking kinatatayuan. Nakita ko ang mga gwapong lalaki na sasakay ng elevator. Bahagya akong nabangga ng isa kaya napataas ang kilay ko.
“Aba-” naputol ang sasabihin ko ng makita ang isang pamilyar na muka na sasakay din sa elevator at mukang kasama ng lalaking nakasagi sa akin.
Nag tama ang aming paningin, kitang kita ko ang gulat sa kanyang mga mata. Pinilit kong alisin ang akign emosyon at taasan siya ng kilay bago tumingin ng diretso sa pinto ng elevator na pasara na.
“Zane, hindi ka ba sasakay? Bahala ka diyan!” rinig kong sigaw ng isang lalaki na pumasok din sa elevator.
“A-ah, sorry!” sabi agad ni Zane at pumasok na ng elevator bago pa ito sumara ng tuluyan.
Nakita ko na pinindot nila ang 2nd floor button kaya hindi maiwasang mapairap. Napakasisipag naman yata nila para mag elevator makapunta lang sa 2nd floor? Akala ko pa naman ay mag pupunta sila sa 6th floor kung saan naroroon ang maraming sugalan.
Tahimik lang kami sa elevator. Walang nag sasalita habang si Vanessa naman ay kitang kita ko sa malinaw na pinto ng elevator. Nakasandal ito at nakapikit ang mga mata.
Bigla kong naalala na ayaw na ayaw niya nga pala na maraming nakakasabay sa elevator.
Bumukas na ang elevator isang senyales na nasa 2nd floor na kami. Naunang bumaba ang mga kalalakihan at kitang kita ko pa ang ligaw na tingin mula kay Zane.
“Saan ba tayo, Que- Vanessa?” tanong ko kay Queen.
Nag dilat ito ng mga mata at tumingin ng diretso sa akin.
“3rd,” malamig na sagot niya at muling isinara ang kanyang mga mata.
Hindi ko kasi nakita kanina ang kanyang pinindot.
“You looked destructed, Peitho,” nakangising sabi ni Aikka sa akin.
Ngumisi ako sa kanyang pabalik bago nagsalita, “You looked retarded, Aiks!”
Nakita ko kung paanong mapailing si Axel at tumingin kay Vanessa na ngayon ay nakapikit na naman.
“And, Axel? You looked in loved,” nakangising dagdag ko habang nakatingin kay Axel.
Sinamaan niya ang ng tingin, kasabay naman ng pag bukas ng mga mata ni Vanessa ay ang pag bukas ng pinto ng elevator.
Lumabas na kami ng elevator at nakita namin kung paanong mapabaling ang tingin sa amin ng mga tao. Kaya pala sa 3rd floor kami nag tungo ay para bumili ng mga kakailanganin namin sa pag pasok namin sa unibersidad bukas. At imbis na sa first floor at second floor mamili kung saan naroroon ang mga school’s supplies ay dito kaming dumeretso sa Smith technologies store.
“I think it is better if we stay lowkey hanggat hindi pa natin nakikilala ang ugali ng mga estudyante sa paaralang yun?” suhestiyon ni Axel.
“Yeah, kukuha lang akong bagong phone,” sabi naman ni Vanessa.
‘So, that explains why we are here on 3rd floor and not on 2nd floor,’ sabi ko sa aking sarili at inilibot ang tingin.
“Titingin na rin kami, balita ko may bagong labas daw ang smith technologies,” sabi ko habang inililibot ang tingin sa paligid.
Hindi sumagot si Vanessa at dire- diretso lang pumasok sa loob ng opisina ng store. Sigurado akong naroroon na ang cell phone na kanyang napiling ipalit sa kabibili lang niyang cell phone.
Vanessa Lavender Smith (Queen)
Pagpasok sa office store ay sinalubong agad ako ng manager. Mukang baguhan lang ito kaya inaasahan kong hindi niya ako papapasokin.
“May I know your concerns, Ma’am?” nakangiting sabi nito sa akin.
‘Polite, huh?’ sabi ko sa aking sarili.
“Vanessa Smith,” malamig na sabi ko dito at ipinakita ang aking badge.
Kung hindi ko ito maipapakita ay siguradong walang maniniwala. Ang badge na ito ay ginawa para walang mapeke na store tungkol sa aking pagkatao. Dahil sa wala pa halos nakakakita sa akin na ako ang nag mamayari ng Smith Technologies.
“Ma’am, omg,” sabi ng manager at napahawak pa sa kanyang bibig.
Yumuko siya ng sobrang yuko.
“Please accept my apology for my rudeness,” sabi nito bago tumabi sa pinto.
Walang imik akong pumasok sa loob at agad na naupo sa isang upuan. Napatingin ako sa lamesa at nakita ang nakahanay na bagong labas na cell phone ng smith technologies. Tumayo ako para lumapit doon.
“Ito na ba lahat ng bagong labas?” tanong ko sa manager na nakasunod sa akin pagpasok ko ngunit walang imik.
“O-opo, mayroon din pong mga bagong labas na tablets, computers, and laptops, but Mr. Smith called that you only need is phone so I prepared these,” magalang na sabi sa akin ng Manager.
Tumango naman ako at dumampot ng isang cell phone.
“That is Smith S pro the latest version of Smith S, Ma’am,” sabi ng manager.
Binuksan ko ito at dahil hindi naman ako mahilig mag pahaba ng kuko ay nahihirapan akong alisin ang plastik nito.
“Let me help you, Ma’am,” sabi ng Manager.
Tiningnan ko ang name tag niya at nakitang Jean ito.
“Bago ka lang ba dito, Jean?” tanong ko sa kanya.
Tumingin naman siya sa akin at ngumiti.
“Yes po, natanggal po ang unang Manager dahil daw po sa lumaki ang ulo dahil nagign isa sa mga manager ng Smith Store,” magalang na sagot ni Jean sa akin.
Tumango lang ako sa kanya habang hinihintay na mabuksan niya ang bawat box ng cell phone.
Peitho
“Ang tagal naman yata ni Vanessa, okay lang kaya siya doon?” rinig kong sabi ni Axel habang abala ako sa pag testing ng camera ng mga bago cell phone.
“Wag kang praning Axel, kakapasok niya lang doon wala pang limang minuto ang nakakalipas!” sabi ko sa kanhya
“Kuya Axel, you’re so praning nga!” batos naman ni Aikka na ngayon ay may hawak na kulay pink na head phone ta kulay pink na cell phone.
“Yan ang bibilhin mo?” tanong ko sa kanya.
“Ah, yes, bibilhin ko rin those,” conyong sagot niya sa akin at itinuro ang mga kulay pink na paper bag na nasa counter.
Napailing na lang ako dahil mukang may computer sa mga binili nito dahil may malaking box na kulay pink ang iginagayak ng mga tauhan.
“Sino namang mag dadala ng mga yan sa sasakyan, huh?” nakataas kilay na tanong ko.