Vanessa Lavender Smith (Queen) Ilang sandali pa nga ay nakarating na ako sa gate ng malakign sementeryo, bumaba na ako nang maiayos ko ang park ng akign sasakyan dahil bawal sa loob ng sementeryo ang mga sasakyan. Kinuha ko na lang ang mga binili ko at nag lakad na. Malamig ang hangin sa paligid, marahil ay dahil babago pa lamang sisikat ang araw. Ayos lang din naman kahit sumikat pa ang araw dahil masustansya naman ito at isa pa ay aalis din ako agad upang tingnan ang bangkay ni Butler Shun mamaya. Nakarating ako agad sa puntod ng aking mga magulang, ibinagsak ko ang aking mga dala dalang makakain at saka ako pasalampak na naupo sa damuhan. Walang kahit na anong lumalabas na salita mula sa aking bibig, nanatili lang akong nakatingin sa kanilang magkatabing lapida. ‘Ilan pa ang maw

