Peitho “Bakit wala pa rin sila?” nag aalala nang tanong ni Aikka na ngayon ay katatapos lamang umiyak. Naramdaman ko naman ang pag pasok ng isang sasakyan sa aming gate kaya tumayo na ako, sabay sabay kaming napatayo marahil ay naramdaman rin nila ang pag dating ng isang sasakyan. Dahil doon ay sabay sabay na lang kaming nag tungo sa pinto upng salubongin ang dumating, pag dating sa pinto ay nakita ko si Queen na lumabas mula sa sasakyan ni King kanina habang may dala dalang ice cream. “Nasaaan ang katawan ni Butler Shun?” agad na tanong ni Axel kay Queen. Hindi sumagot si Queen at si King naman ang nag salita. “May katawan na narecover kasama ang ID ni Butler Shun, pero wag pa rin mawalan ng pag asa dahil I-DDNA pa ito,” sabi ni King kaya tumango ako dahil tama naman siya doon. Wa

