Hendrix Kyro William (King ) She left. After ng laban ay agad na nawala sa aming paningin ang Queen, hindi na namin ito nasundan pa o ano. Nawala na ito at ganun din ang kanyang mga kasamahan. “Uuwi na ba tayo, King?” tanong ni Zane sa akin. Habang may seryosong muka dahil iniisip ko nag ibig sabihin ng lalaking nakalaban ni Queen ay tinanguan ko si Zane. Nag umpisa na kaming mag kanya kanyang lakad patungo sa aming sasakyan, pag pasok ko sa aking sariling sasakyan ay pumasok sa aking isipan si Vanessa. Tiningnan ko kung nakasakay na ba ang aking mga kagroupo at nang mapansin na papasok pa lang ang mga ito sa kanya kanya nilang sasakyan ay binuksan ko aking pinto at lumabas. “Mauna na kayong umuwi, may kailangan lang akong daanan,” sabi ko sa kanila bago muling bumalik sa loob ng a

