Vanessa Lavender Smith (Queen) ‘Uh…’ sabi ko sa aking isaipan dahil sa biglaan kong naramdaman. Inilibot ko ang aking tingin sa paligid habang pinapanatili pa rin ang aking pakiramdam sa taong nasa harapan ko. “Heh, sigurado akong sa mga oras na ito ay wala na ang taong iyon,” agad akong napatingin sa kanya. Nag salubong ang aming mga mata, kitang kita ko sa kanyang mga mata ang ngisi kahit pa ito ay natatakpan ng kanyang maskara na suot suot. Hindi ko maintindihan ang kanyang sinasabi ngunit, alam kong may laman iyon. Ganun pa man, nanatili pa rin akong malamig ang tingin sa kanya. “Hindi ka ba nagtataka?” ramdam ko ang ngisi niya habang sinasabi iyon sa akin, “Hindi ka ba nagtataka na hindi n’yo kasama ang taong iyon, gayung may laban ka dito sa underground arena?” Doon ay nata

