Vanessa Lavender Smith (Queen) Nagawa naming makauwi agad sa bahay nang ligtas, pag dating namin ay naroroon na si Aikka at nag hihintay sa living room. “Bakit ang tagal n’yo?” tanong ni Aikka habang nakanguso at yakap yakap ang kanyang teddy bear. “Hindi agad nakalabas si Queen, kamusta ang pag hahatid doon sa dalawang lalaki?” tanong ni Peitho kay Aikka. “Okay naman, hindi sila nagising at itinanong rin ng butler kung bakit tulog na tulog ang dalawa at ang sinabi ko na lang na dahilan ay masyadong nag lasing ang mga ito,” mahabang paliwanag sa amin ni Aikka, “Nagulat ako sa address ni Grey, ihinatid ko siya sa isang exclusive residence at kung hindi ako nag kakamali ay doon sa bahay ni Mayor ko siya ihinatid.” Naagaw ang aking atensyon ng sinabi ni Aikka. “Bakit, Queen?” tanong ni

