Third Person Hindi mapigilang mapangisi ni Shawn dahil sinabi sa kanya ni Queen, ang totoo ay inaasahan na niyang sasali at makikipag barilan rin ang babae ngunit hindi niya inaasahang pupwesto ito sa kanyang likuran upang depensahan ang bahaging iyon, dahil abala si Shawn sa kanyang mga kalaban sa kanyang harapan. “Maging alerto ka, Miss Kisses,” sabi ni Shawn kay Queen dahil mas lalong dumarami ang mga kalaban na pumapalibot sa kanila ngayon. ‘Masama ito, kapag nag patuloy ito ay siguradong mapipilitang lumabas si Shun at kapag nanyare ‘yon ay masisira ang aming plano!’ sabi ni Shawn sa kanyang isipan. Natigil ang barilan nang biglang bumukas ang ilaw ng hall, nagkalat ang dugo sa sahig dahil sa nangyare at ganun rin ang mga katawan ng mga kalalakihang nakabalot sa itim na tela.

