Third Person Inilabas ni King ang kanyang cell phone, tumawag siya ng mga pulisya at sinabi ang nangyareng kung ano sa lugar kung saan sila naroroon kngayon. Pag katapos ng kanyang pag tawag ay lumapit agad siya kay Vanessa na kasalukuyang nag susuot ng helmet. “Marunong ka bang sumakay d’yan?” nag aalalang tanong ni King kay Vanessa, “At isa pa, sigurado kang ayos lang sa’yo na sumakay diyan kahit ganyan ang iyong lagay?” dagdag na tanong ni King dito. “Kaya mo bang mag maneho?” malamig na tanong ni Vanessa kaya agad na natigilan si King. “Oo naman, yan ang gamit ko para makarating dito!” sagot naman ni King kay Vanessa. “P’wes mag maneho ka na lang,” malamig na sabi ni Vanessa bago ibinato ang isang helmet kay King. Napamaang naman si King dahil sa ginawa sa kanya ng dalaga, ganu

