Third Person Bumalik ang ulo nito at sa kabila naman pumaling, habang ang mga kalalakihan naman na siyang inutusan ni Charlotte ay natulala na lang at napamaang sa kanilang nasaksihan. Walang magawa si Charlotte kay Vanessa at kita nila ito. Habang si Charlotte naman ay natulala dahil sa labis na sakit na kanyang nararamdaman. Unti unti naman itong nakabawi at agad na bumalik sa kanyang sarili, nagawa niyang tanggalin ang kamay ni Vanessa na nakahawak sa kanyang braso. Halos mag ube na ang kanyang braso dahil sa higpit at sakit ng hawak ni Vanessa. “Sino ka?” sigaw ni Charlotte kay Vanessa. Hindi nag salita si Vanessa at tiningnan lang si Charlotte ng malamig na tingin. Galit na tumingin si Charlotte sa mga kalalakihan na nakamaang lang sa kanila, “Anong ginagawa ninyo? Hawakan n’yo

