Third Person “Huhuhu~ good bye, Palawan!” kunwari’y umiiyak na sabi ni Peitho habang nakasakay sa private plane na pag mamay ari ng mga Smith. “Hindi ko manlang naenjoy ang hangin dito,” nakangusong sabi naman ni Aikka kay Peitho. Nag tinginan ang dalawa bago sabay na tumingin kay Vanessa na ngayon ay abala sa pag aalis ng make up sa kanyang muka. Iba na ang suot nito, dahil pag dating na pag dating nito sa hotel room na kanilang inupahan kanina ay agad itong nag bihis at pinag impake ang mga kagroupo. At ngayon ay kasalukuyan na silang nakasakay sa private plane nila Vanessa. Ganun pa man, hindi nag tagumpay ang kanilang misyon at isama pa na hindi manlang sila nagkaroon ng pag kakataon na makatikim ng dagat sa Palawan, kaya ganon na lang ang masamang tingin na ipinupukol ng magka

