Third Person Masaya si King dahil agad silang nakauwi, dumeretso siya sa kanyang silid at agad na natulog upang makapag pahinga na at makapasok siya bukas. Dahil sa labis na pagod mula sa pag byahe byahe nila ay wala ng nag abala pang kumain o ano pa man. Tila hindi sila magkakakilala pagkarating na pagkarating sa bahay na mayroong sariling silid ang bawat isa. Agad silang nakatulog tulad ng groupo ni Vanessa pagkarating na pagkarating sa kanilang bahay. Maliban na lang kay Vanessa na tila hindi nakakaramdam ng antok at pagod dahil nakaharap pa rin ito sa mga papeles na nakakakalat sa kanyang harapan habang nasa tabi nito si Butler Shun. “Tatagal ba ito ng buwan bago makuha?” tanong ni Vanessa kay Butler Shun na nasa sa tabi lang nito at nakatayo. “Mga tatlong buwan, Milady,” sabi n

