“Si Brandon?” Usisa ni Westley nang hindi na naman ito pumunta sa meeting place nilang magkakaibigan.
“Hindi ko rin alam, hindi ko rin siya matawagan.” ani ni Thirdy.
“Ano ba kasing nangyari? Kahit ako hindi ko rin siya matawagan.” segunda naman ni Drake.
“Itinakas niya si Faye, at dinala niya sa comedy bar.”
“What?”
“Ano?”
Halos sabay na reaction ng dalawa.
“Inuwi niya umaga na kaya nag-away kami, nasaktan ko siya. I've been trying to call him and apologize but I can't contact him.” ani ni Westley at sumimsim ng alak sa kanyang baso.
“Kahit ako, baka hindi na rin ako magpakita dahil sa ginawa mo. Kahit naman maloko si Brandon alam mo naman never niyang sasalingin ang kapatid mo takot lang noon.
“Alam ko yun Drake. Iniiwasan ko lang na masaktan sila pareho. Hindi ko pa nakikita sa kanya na worth it siya sa kapatid ko. I know him very well ilang babae na ba ang pinaiyak ng lalaking yun? Tapos gusto niyang manligaw sa kapatid ko?”
“Westley, you won’t believe me. Pero simula nang bumalik si Faye ay hindi na siya ulit nambabae. I think he’s a changed man.”
“Hindi ganun kadali yun Thirdy. Hindi madaling baguhin ang nakasanayan. And besides sampung taon ang agwat ng edad nilang dalawa—”
“Bakit kasi hindi na lang si Faye ang pagdesisyunin mo sa bagay na yan?” suhestiyon ni Drake na ikinatingin ni Westley sa kawalan.
“May pag-asa pa siya kapag hindi nakuhang magustuhan ni Faye si Ranzel.”
“What? So hahayaan mo munang maglaro ang dalawa tapos kapag natalo ang manok mo saka mo bibigyan ng chance si Brandon?” sarcastic na tanong ni Thirdy sa kanya.
“Parang kapatid lang ang turing ni Faye sa kanya. Kay Faye ko na mismo narinig yun.” giit ni Westley.
“Westley, bakit hindi mo rin bigyan ng chance na makilala din ni Faye si Brandon? Nang sa ganun fair sa kaibigan natin ang pagkatalo niya. At the end of the day si Faye pa rin naman ang magde-desisyon hindi ba?” suhestyon ni Thirdy.
Bumuntong hininga si Westley, naisip na rin naman niya yun pero mas gusto niyang gawin ang unang plano.
“Pag-isipan ko, bukas na ng gabi ang engagement party ni Faye at Ranzel. Bukas na rin ito dadating. Kapag dumating si Brandon bukas at igigiit niya parin na manligaw sa kapatid ko. Maybe I'll consider your suggestions.” pagsang-ayon ni Westley.
“No need, he’s here.” Ani ni Drake. Napatingin silang dalawa sa kaibigan na paparating at kumunot ang noo ni Thirdy nang makitang dalawa pa ang babaeng kasama nito.
“Hi!!!” Bungad nito sa kanila. Pagkatapos ay bumaling sa dalawa niyang babae.
“Sit down ladies.” Ani ni Brandon. Naupo ang dalawang babae sa magkabilang side ni Brandon na parang linta kung makakapit at kinulang pa sa tela ang mga suot na damit.
“Oh? Bakit ganyan kayo makatingin sa akin? Naiingit din ba kayo? Ihahanap ko kayo ng date niyo—”
“Brandon, let’s talk.” seryosong aya ni Westley sa kanya.
“Why? Importante ba yan? Puwede bang mamaya na? Kakarating lang namin at pagod na pagod pa ako.” nakangising sabi nito na parang sinasabing may ginawa na silang tatlo.
“Babe, kasing guwapo mo pala ang mga kaibigan mo.” malambing na sabi ng isang babaeng katabi niya.
“Mas guwapo si Brandon sa kanila ano.” ani naman ng isa pang babae.
“Wrong move Brandon, sa ginagawa mong yan lalo ka lamang hindi papalapitin ni Westley Kay Faye.” Ani ni Thirdy.
“I don’t care, ganito ang tingin niya sa akin hindi ba? I'm just showing him what he thinks of me” ani ni Brandon at mabilis na sinungaban ng halik ang isang babaeng kasama nito sa harapan nila.
“f**k!” mura ni Westley.
Nagulat silang lahat nang ibagsak ni Westley ang ininuman niyang baso at nabasag ito sa mesa. Nasugatan din siya sa palad ngunit hindi niya ito ininda.
“From now on, stay away from my sister. Or else, I’m going to kill you.” Matalim ang tingin na ipinukol ni Westley kay Brandon bago ito tumayo at umalis. Tinawag pa siya ni Thirdy ngunit hindi na ito lumingon pa.
“Both of you, leave.” seryosong utos ni Drake sa dalawang babae na kasama ni Brandon. Takot na takot ang dalawang babae na tumayo sa couch at umalis.
Kumuha si Brandon ng bote ng alak at mabilis na ininum.
“Brandon, humingi ka ng tawad kay Westley.”
“What? At bakit naman ako hihingi ng tawad sa kanya?” seryosong tanong ni Brandon kay Thirdy.
“Dahil sa ginawa mo lalo lamang siyang hindi papayag na magkalapit kayo ni Faye.”
“Sa una pa lang hindi na niya ako binigyan ng pagkakataon Thirdy! Ang tingin niya sa akin ay isang langaw na isang hampas lang wala nang pakinabang at hindi kayang protektahan si Faye kaya ayaw niyang ligawan ko ang kapatid niya. Isa lang akong mahinang nilalang na mahilig sa babae. Diba? Yun ang tingin niya sa akin?!” angil ni Brandon sa kaibigan.
Napabuntong hininga si Drake at tumayo.
“Malapit sa panganib si Faye dahil kapatid siya ng kaibigan natin. Kaya napili niya yung lalaking walang alam sa ating mundo para kay Faye at para mamuhay ito ng tahimik at malayo sa mata ng mga kalaban ni Westley. Hindi yan ang solusyon Brandon.”
“At anong solusyon? Kahit ano pang gawin ko sa mata niya hindi ako kailanman magiging karapatdapat!” ani nito at tumayo na rin para umalis.
Kinabukasan ay mabigat pa rin ang loob ni Faye ilang oras mula ngayon ay makilala na niya ang lalaking napili ng kanyang kuya para sa kanya. Ayaw man niyang magpunta sa engagement paniguradong lalo lamang magagalit ang kanyang kuya.
“Faye?”
Napalingon siya sa pinto nang sumilip si Xanthe.
“Dumating na yung gown mo, saka yung make-up artist. Ready ka na ba? Paakyatin ko na sila dito.”
Napasinghap si Faye at pilit na ngumiti.
“Sige Ate Xan.”
“Okay, cheer up pretty.” Nakangiting sabi nito. Tumango si Faye at ibinalik ang kanyang paningin sa harapan ng vanity mirror.
“Hi girlie? Ikaw ba si Ms. Faye?” Bungad sa kanya ng make-up artist at nahihiyang tumango siya.
“Taray! Mestiza pala ang client natin! Sobrang ganda din katulad ni Ma’am Xanthe!” bulalas nito na ikinangiti niya.
Pagkatapos ay hinayaan na niya ang dalawa na ayusan siya mula ulo hanggang paa na inabot rin ng higit isang oras sa dami ng nilagay sa kanyang mukha at nagsuot na rin siya ng kanyang off shoulder knee cut dress na kulay maroon at may kakapalan din ang nilagay nitong make-up na bumagay sa kanyang hair na fish tail braid na nilagyan din ng mga maliliit na diamonds.
“Perfect.” ani ni Westley pagkapasok sa kanyang kuwarto.
“Let's go, mali-late na tayo.” Seryosong sabi nito. Kinuha lang niya ang white na handbag at sumunod na rin siya sa kanyang kuya para magpunta sa hotel na pagdadausan ng party.
Pagdating nila ay marami nang guest ang sumalubong sa kanila. Karamihan dito ay empleyado ng kompanya at business partners ng kanyang kuya.
“Dumating na ba sa Ranzel?” Usisa ni Westley sa kanyang tauhan na si Ted.
“Malapit na sila boss.” sagot nito. Isa-isang binati si Faye at nginitian ng mga nakakakilala sa kanya bilang kapatid ng isa sa business tycoon ng bansa. Ngunit walang nakakakilala sa kanya bilang kapatid ng makapangyarihang mafia.
“Kuya? Si Brandon? Bakit wala siya dito? Hindi ba siya pupunta?” Ani ni Faye habang iniikot ang kanyang paningin. Si Drake, Eliza at is Thirdy lang kasi ang bumati sa kanya kanina.
“Huwag mo na siyang hanapin, di siya darating.” ani ni Westley sa kapatid.
Lampas limang minuto na ang nakalipas ngunit walang Ranzel na dumating.
“Ted, tawagan mo si Facundo. Alam mo naman na ayaw ko nang nalalate dapat kanina pa sila nandito.” seryosong utos ni Westley dahil naiinip na rin ito. Kinuha ni Ted ang phone at tinawagan ang nagsundo kay Ranzel sa probinsya.
“Facundo si Ted ito saan na kayo?”
“Nasa parking lot na kami papunta na kami diyan.” sagot nito.
“Sir, nasa parking lot na daw.” Ani ni Ted na ikina-buntong hininga ni Westley.
Maya-maya pa ay nasa entrance na ito at nahihiyang lumapit sa kanila.
“He's here.” ani ni Westley at napunta sa entrance ang mata ni Faye.
“Siya?” hindi makapaniwalang tanong ni Faye.
“Saang library mo ba yan nakuha Kuya?” kunot noo na tanong ni Faye.
“Malalaman mo din kung bakit siya.” may ngiti sa labi na sabi nito.
“Sir Westley, pasensya na po nasiraan ang sinasakyan namin.” nakayukong sabi nito.
Napatingin si Faye sa kanyang kuya.
“Ayokong pinaghihintay ako. Pero pagbibigyan kita sa ngayon.” ani ni Westley.
“Faye, this is Ranzel, your fiance.” Nakangiting sabi ni Westley sa kapatid. Nag-angat ito ng tingin sa kanya at inayos pa ang salamin sa mata.
“Ranzel, this is my sister.” pakilala ni Westley.
“H-hi, meeting you nice.” nakangiting sabi nito sabay lahad sa kanyang kamay. Lalong kumunot ang noo ni Faye sa sinabi nito.
“Hi.” masamang loob na sagot ni Faye.
“Dala mo ba ang singsing?” tanong ni Westley at mabilis na dumukot ito sa loob ng suot niya. Hindi mapakali si Faye habang tinitignan niya si Ranzel. Oh dahil hindi lang niya matangap sa isang nerd guy na sa tingin niya ay tambay sa library lang pala siya ibabagsak ng kanyang kuya. Ipinakita nito ang singsing kay Westley.
“Good, simulan na ang party.” ani ni Westley sa organizer.
Kaagad na tinawag ang pangalan nila at ipinakilala sa lahat ng bisita. Sinuot ni Ranzel ang singsing sa kanyang malambot na kamay.
“Tsk! Kawawa naman si Faye.” naiiling na sabi ni Thirdy kay Drake habang nakatingin sa dalawa na nasa stage.
“I don't think so, look at his body language. May something sa kanya.” ani ni Drake na may hawak pang wine.
“Anong something? Mukha siyang college student na top 1 sa klase. Kaya siguro siya ang napili ni Westley balita ko nga naging assistant daw ito ni Westley noong nasa probinsya pa ito.”
“Ahhh ganun ba? Baka mali ako. Diyan ka muna hahapin ko lang ang wife ko.” paalam ni Drake sa kanya.
Kinuha niya ang phone at tinawagan si Brandon.
“Nasaan ka? Hindi ka ba pupunta?” Tanong ni Thirdy sa kaibigan.
“Hmmm…no…let him win first…”
“Are you drunk? Talagang ngayon ka pa
naglasing— brandon? Brandon?” inis na binaba ni Thirdy ang phone dahil pinatayan na siya nito.
“Boss, may nagpapabigay.” ani ni Ted sabay abot sa kanya ng maliit na box. Kinuha niya ito at pinakiramdaman. Habang abala sa pagsasayaw ang dalawa at patuloy na nagpapalakpakan ang mga tao.
“Open it.” utos ni Westley sa kanya.
Binuksan ito ni Ted, ngunit agad din niya itong sinara.
“Why? Anong laman?”
“W-wala boss! Itatapon ko na!”
Inagaw ni Westley ang box at binuksan ito. Napamura siya sa kanyang isip nang makita ang larawan ni Faye na may dvgo.
Binalik niya ito kay Ted at nilapitan niya ang dalawa.
“Let's go home.” seryosong sabi nito. Pagkatapos ay umalis na sila sa venue at iniwan ang mga bisita.
“Kuya? What's happened? Bakit kailangan na natin umuwi?” nagtatakang tanong ni Faye.
“Basta, sumunod na lang kayo sa akin.”
Nagtataka si Faye bakit biglang nag-iba ang mood ng kapatid niya. Parang may iniiwasan silang mangyari.
Naiwan sila sa sala habang nasa loob ng opisina ang kuya niya at mga kaibigan nito pati si Ted.
“Maiwan ko na kayong dalawa, inaantok na kasi si Fin.” ani ni Xanthe.
“Sige Ate Xan.”
Pagkatapos ay umakyat na rin ito.
Napatingin si Faye kay Ranzel.
“Okay ka lang?” tanong ni Faye sa kanya.
“H-ha? Oo! Okay lang ako. Ang laki pala ng bahay niyo. Ngayon lang kasi ako nakapasok sa ganitong bahay. Nakakapanibago.” ani nito.
“Ah ganun ba, maiba ako. Saan kayo nagkakilala ni Kuya? Saka nakita mo ba ang picture ko?”
Ngumiti ito ng malapad at nilalaro ang hawak nitong panyo.
“Oo, ang totoo niyan. Nagkita na tayo noon. Kaya lang mga bata pa tayo. Nagpunta kayo sa resort tapos care taker ang nanay ko…doon kita unang nakita. Binili kasi ni Sir Westley ang resort na pinagtatrabahuhan ng nanay ko at doon din kami nagkakilala.” kuwento nito at kita pa niya ang pamumula ng pisngi nito. Mukha naman itong malinis at maayos. At mukha ring mabait lalo na kapag kausap ang kuya niya.
“Ranzel, tatapatin na kita. Pagbibigyan ko lang si Kuya. Pero hindi ibig sabihin na pumayag ako sa kasunduan ay magpapakasal na ako sayo. Sinasabi ko ito para hindi ka mag-expect sa akin. Ayokong pilitin ang sarili ko na magustuhan ka sana naintindihan mo.” paliwanag ni Faye. She felt bad dahil mukha naman itong mabuting tao kaya sinabi na agad niya ang totoo.
“Naintindihan ko Faye, di naman ako nagmamadali. Pero susubukan ko na magustuhan mo rin ako. Kasi, you i like.”
Napahawak sa sintido si Faye.
“Maiwan na kita, pakisabi na lang kay kuya na pagod na ako at bukas na lang kami mag-usap.” paalam ni Faye sa kanya.
“Oo, dream sweet.” ani nito sa kanya. Pagkatapos ay tumayo na si Faye at umakyat sa hagdan.
Napabuntong hininga siya pagpasok niya ng kanyang kuwarto. Naupo siya sa tabi ng kama at tinangal ang suot niyang sapatos. Tumunog ang phone niya kaya kinuha niya ang phone sa bag niya.
“Hello? Sino ‘to?” usisa ni Faye.
“I miss you, namimiss mo rin ba ako?”
“Kung sino ka mang damuho ka huwag mo akong pagtripan–”
“Nakalimutan mo na ba ako? My little tiger.”
Awang ang labi ni Faye sa narinig.
“Zai?”
“Mabuti naman naalala mo pa ako.”
“May phone pala diyan sa hell?”
Natawa ito sa sinabi niya. Alam ni Faye na hindi ito basta mamatay taliwas sa sinabi ng kanyang kuya Westley na napatay ito sa laban nila sa Wang Clan.
"See you soon baby..."
Akmang magsasalita pa siya ngunit binaba na nito ang tawag.