
Pabalik-balik ng lakad si Faye sa loob ng malaking kuwarto kung nasaan nakahiga ang tatlo. Si Ranzel na nas4ks4k si Brandon na bugb0g sarado at may bali pa sa ribs at braso pati na rin si Zai na may injury din dahil sa naging laban nito. Pumasok si Thirdy at kasunod ang doctor at nurse.
“Tulog pa rin sila?” usisa ni Thirdy sa kanya.
“Oo, mabuti na rin yun at paniguradong mag-aaway lang din ang tatlong yan kapag nagising.” Ani ni Faye sa kanya.
“Patulugin na lang natin ulit kapag nag-away.” Suhestion ni Thirdy na ikinatango ni Faye.
Lumapit ang doctor at nurse at tinignan ang tatlo.
“Si Kuya? Nasaan siya?”
“Kasama si Xanthe at anak nila nasa labas.”
“Ahhh…mabuti na lang safe si Brandon at Zai kahit paano panatag na ang loob ko.” Wika ni Faye habang nakatingin sa tatlong nakaratay.
“Bakit parang malungkot ka?” pansin nito. Napabuntong hininga si Faye.
“Paano hindi ako malulungkot? Lahat sila nasaktan nang dahil sa akin. Kaya hihilingin ko kay kuya na itigil na lamang nila ang kanilang panliligaw sa akin. Patuloy lang manganganib ang buhay nila kapag ipinagpatuloy nila ang kanilang ginagawa.”
“Bakit kasi hindi ka na lang pumili sa kanila para matapos na?”
Bumaling si Faye kay Thirdy.
“Hindi ganun kadali yun Thirdy, paano ako pipili ng isa kung lahat sila matimbang na sa akin? Hindi ko pa rin alam kung sino sa kanila ang gusto ko. Dahil sa mga nangyayari pakiramdam ko tuloy nagiging unfair ako sa kanilang tatlo. Bakit ba kasi gusto ni kuya na mamili ako sa tatlong yan?” nagtatakang tanong ni Faye.
“Kaysa naman ipakasal ka niya sa hindi mo pa kilala diba? Saka yang tatlong yan may gusto sayo at sa tingin ko naman pasado na sila kay Westley. Ikaw na lamang ang magdedesisyon.”
Napabuntong hininga si Faye sa sinabi nito. Para tuloy siyang napi-pressured na pumili sa tatlong naging kaibigan na niya.
Kinabukasan ay bumalik si Faye sa kuwarto ng tatlo. Gising ang mga ito ngunit hindi nag-uusap.
“Tapos na kayong mag-almusal?” tanong niya na ikinatango ng tatlo.
“Good, may gusto akong sabihin sa inyo.” seryosong sabi ni Faye. Bumangon sila at sabay na sumandal sa headboard ng kama.
“Itigil niyo na ang panliligaw niyo sa akin.” Wika ni Faye. Magdamag niyang pinag-isipan kung tama ba ang kanyang gagawin at kung ano ang magiging reaksyon ng kanyang kuya kapag nalaman niya ang kanyang desisyon.
“No.” sagot ni Zion
“Hindi puwede.” Ani naman ni Ranzel.
“Why?” tanong ni Brandon.
“Huwag nga kayong matigas ang ulo!” bulalas ni Faye habang palipat-lipat ang tingin sa tatlong guwapong lalaking ginawa ang lahat para sa kanya.
“Ayoko ng ganitong pakiramdam, ayokong mamili dahil alam kong may masasaktan sa inyo ayoko din ng napi-pressured akong pumili sa inyong tatlo. Kaya mabuti pang itigil niyo na ito dahil hindi na ako natutuwa kapag nakikita kayong ganito. Huwag niyong paikutin ang mundo niyo sa akin. Marami pang babae diyan na mas lamang kaysa sa akin. Marami pa kayong magugustuhan. Hindi niyo kailangan mag-agaw sa isang tulad ko. Kaya please…itigil niyo na ito…mas gusto kong maging magkaibigan na lamang tayong apat. Mas panatag ako…at sa tingin ko…mas tatagal tayo kapag naging magkaibigan na lamang tayo.” Paliwanag ni Faye sa kanila. Pagkatapos ay lumabas na siya sa kuwarto nila at bumalik sa kanyang kuwarto dahil mabigat din naman sa loob niya ang naging desisyon niya. Ngunit sa ngayon kasi yun ang alam niyang makakabuti sa lahat.
Hapon na nang lumabas siya ng kuwarto niya. Hindi na siya sumilip sa kuwarto ng tatlo dahil hindi pa niya ulit kayang harapan ang tatlo matapos ng sinabi niya kanina.
Naabutan niya si Westley sa labas na kausap si Mason. Nang makita siyang paparating ay pinaalis na niya ito.
“Umalis na ang tatlo.” Ani ni Westley na ikinagulat niya.
“Kailan?”
“Kanina, nagpasundo si Brandon sa kapatid niya. Sinundo din si Zai ng kanyang tauhan at si Ranzel naman ipinahatid ko na kay Ted pabalik sa isla.”
Nakaramdam ng lungkot si Faye sa sinabi ng kuya niya. Hindi man lang nagpaalam ang mga ito sa kanya bago umalis.
“I respect your decision, Faye. Actually, humanga ako sa katatagan mo. Kung tutuusin those guys are perfect to be your husband pero wala ka pa ring pinili isa man sa kanila kahit nagawa na nilang ibuwis ang buhay nila para sa’yo.”
“Humahanga ka ba talaga o kinokosensya mo ako dahil binigo kita?”
Humarap si Westley sa kapatid.
“Tama ang Ate Xanthe mo. Hindi dapat ako nanghihimasok sa private life mo. I can deal with our enemies pero ikaw pa rin ang magdedesisyon ng sarili mong future.

