CHAPTER 9

1589 Words
ALLISTER’s POV: RAMDAM ko ang kirot sa aking tagiliran. Nanatiling nakapikit ang mga mata ko. Nanunuyo ang lalamunan ko. “Alam mo na ang gagawin ni Allister pero hindi mo pinigilan?” Naturingan ka pa naman matanda Boy.” Dinig kong panenermon ni Aling Bebang. Sinalakay ako ng hiya. “Kaya nga agad ko siyang pinuntahan Bebang! Bakit ako ang sisihin mo. Eh sutil nga ang batang iyan.” Matigas na sabi ni Mang Boy. Lalo tuloy akong nahihiyang magmulat. “T-tama na ho…” Pagsasaway ko sa kanilang dalawa. “Ali, kumusta kana?” Mabilis na dulog ni Aling Bebang sa akin. Agad niyang hinawakan ang kamay ko. Sinalubong ko ang mga mata ni Mang Boy. Wala pa ring emosyon doon. “Sorry po, Mang Boy. Gusto ko lang matigil na sila at makapang biktima pa. Binugbog kasi nila si Jimboy dahil hindi nagbigay ng lagay. Eh teritoryo ko po iyon.” Paliwanag ko. “Walang sayo—” “Boy ano ba?!” Saway ni Aling Bebang. “Patawad po, Mang Boy. Babayaran ko na lang po ang pinambayad niyo sa ospital.” Hingi ko ng tawad sa kanya. “Bayad na!” Sabay talikod at lumabas ng silid ko. Napabaling ako kay Aling Bebang. “Sorry po Aling Bebang, hindi ko kasi mapapalampas ang ginawa nila kay Jimboy.” Hindi ko mapigilan ang hindi umiyak sa harapan niya. “Tahan na, pero mali ang ginawa mo Ali. Sanay sinumbong mo na lang sa pulis.” Pangaral niya sa akin. “Sorry po…” Hingi ko ng tawad. Bukod pa doon sigurado sarado sila kasi inaalagaan nila ako dito sa ospital. “Bayad na ang bill mo dito sa ospital. Hindi kami ni Mang Boy mo ang nagbayad.” Imporma niya sa akin. “Ho? Sino ang nagbayad?” Nagkibit siya ng balikat. Hindi na ako kumibo. Palaisipan pa rin sa akin kung sino ang tumulong pambayad sa bill dito sa Ospital, pihado malaki iyon. *** LIMANG araw bago ako tuluyang nakalabas ng ospital. Sakay ako ng lumang pick up ni Mang Boy. Nasa backseat ako. “Ali, iyon pa lang binanggit mo na pwesto ni Jimboy sa gilid ng karinderya, pumapayag na kami ng Mang Boy mo.” Pagbasag ni Aling Bebang sa katahimikan sa loob ng sasakyan. “Talaga po? Naku Aling Bebang maraming salamat po.” Masayang tugon ko. Nagkasalubong ang tingin namin ni Mang Boy sa rearview ng salamin. “Salamat, Mang Boy.” Wala akong nakuhang sagot sa kanya. Kundi simpleng tango. Sabay tuon ng atensyon niya sa pagmamaneho nito. Hindi na rin ako nagsalita pa. Hanggang sa huminto ang sasakyan ni Mang Boy sa kanto. “Ito ang gamot, binili na rin kita ng makakain niyo ni Jimboy. H’wag ka muna pumasok sa karinderya kung hindi ka pa magaling.” Paalala ni Aling Bebang sa akin. “Maraming salamat Aling Bebang, Mang Boy.” Naipagik ako sa sakit. Agad kong hinawakan ang aking tagiliran. Dahan-dahan akong bumaba ng sasakyan. Kumaway pa ako bago tuluyang binaybay ang iskinitang papasok sa bahay. “Ali labs, nakalabas kana!” Salubong agad ni Lynette sa akin. Agad siyang yumapos. “Bitawan mo ako Lynette. Dahil sayo napahamak ako.” Malamig kong bwelta sa kanya. “Anong kasalanan ko, labs?” Agad lumungkot ang mukha niya. Pero hindi ko na iyon pinansin. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. “Ali naman eh, hindi ko nga alam na nasaksak ka. Bakit ko naman kasalanan iyon. Sabihin mo naman oh, please.” Sabay punas niya ng kanyang mga luha. Nagpapadyak pa siya. Tuloy lang ako sa paglalakad ng marahan. Gusto kong iwasan si Lynette pero kapit tuko pa rin siya sa akin pero hindi na ako kumibo. Hanggang makarating ako sa tinutuluyan ko. Pagbukas ko ng pintuan, isang party popper ang sumalubong sa akin. “Welcome home Al,” bati ni Jimboy sa akin. Napangiti ako. “Salamat Jim.” Pero sa maliit na mesa na ako dumiretso. Hindi ko pa rin pinapansin si Lynette kusa lang siyang pumasok sa loob kahit hindi ko inimbitahan pa. “Mabuti naman gumaling na yang mga sugat mo. Pumayag na pala sina Aling Bebang na doon ka pumwesto sa gilid ng karinderya nila. Para na rin mabantayan kita.” Imporma ko sa kanya. “Ali, paano ko naging kasalanan ang pagkakasaksak sayo?” Hindi ko namalayan ang paglapit ni Lynette. Blangko ko siyang tiningnan ng ilang segundo pero agad kong ibinalik ang tingin ko kay Jimboy na tila wala ang presensiya niya. “Buti naman pumayag na si Aling Bebang. Ayoko na bumalik doon sa pwesto ko Al, natatakot na ako. Lalo pa nang may nangyari sayo.” Malungkot ang mukha ni Jimboy. Tumango lang ako. “Ali naman please, sagutin mo naman ako.” Pamimilit ni Lynette sa akin. “Umalis kana Lynette. Ito na ang huling makikita pumasok ka dito. Magkaroon ka naman ng delikadesa sa sarili mo.” Tumayo ako, tsaka humiga sa kama ko. Wala akong lakas na makipag usap sa kanya. Ramdam ko pa ang kirot sa sugat ko. Alam ko masasaktan ko siya. Pero wala akong pakialam “Please, Ali h’wag mo naman gawin sa akin ito oh. Please.” Sabay hawak niya ng mahigpit sa braso ko. Nang dumako ang tingin ko sa kanya nakaluhod na siya. Namamaga na ang mga mata niya kakaiyak ng tahimik. Agad akong bumangon. “s**t!” Napamura ako sa sobrang sakit ng tagiliran ko. “Tumayo ka diyan Lynette. Buo ng pasya ko. Kung hindi pa titigil, ako na mismo ang magsusumbong sa mga magulang mo!” Mariin at banta ko sa kanya. Tumayo siya, pinunasan ang luha sa mga mata niya. Agad siyang tumalikod at tinungo ang pintuan. “Ito ang tatandaan mo Ali, hindi ako basta-basta susuko na lang. Wala akong pakialam kung ayaw mo sa akin.” Sabay labas at binalibag ang pintuan. Nagitla ako sa ginawa ni Lynette. Napabuntong hininga na lang ako. “H’wag kanang bumanat pa Jimboy, wala ako sa mood!” Humiga ako at pumikit… “Wala naman akong sinasabi ah!” Pasipol-sipol pa siya. Hindi ko namalayan nakatulog na ako. Pawis na pawis ako dahil nakalimutan kong buksan ang bintilador. Dinig kong kumanta si Jimboy sa labas. Kumuha lang ako ng bimpo, uminom ng tubig at lumabas. Sa bawat kalabit ni Jimboy sa string ng gitara parang nagkaroon ng kapanatagan ang isip ko. Nakatanaw sa mga batang naglalaro ng piko sa makipot na iskinita. Tanaw ko ang tambay sa tindahan na nag iinuman… Hanggang sa lumalim na ang gabi nasa labas lang kami ni Jimboy. “Dito na ba tayo tatanda, Ali?” Napalingon ako sa kanya. Napayugyog ako sa kanang hita ko. Ilang minuto rin akong nag isip. Dito na nga ba? “Mataas ang pangarap ko Jimboy, hindi lang ako dito tatanda, gusto kong may matapos. Kaya mag-iipon tayong dalawa. Sa susunod na taon mag -aral tayo. Kahit sa pang hapon lang ang klase natin.” Pahayag ko sa kanya. Iyon ang plano ko, wala kaming mararating kung hindi kami magsisikap na dalawa… *** ISANG linggo ang nakalipas ng nang tuluyang gumaling ang sugat ko. Pero kapag nagbuhat ako ng mabigat sumasakit pa rin siya. Sabay na kaming pumunta ni Jimboy sa kainan ni Aling Bebang. Sa labasan sumakay kami ng tricycle dahil may mesa kaming dala at malaking payong. “Magandang umaga Aling Bebang. Babalik na ho ako.” “Sigurado kana ba? Hindi na yan masakit?” Tanong niya sa akin. Umiling ako at bahagyang ngumiti. “H’wag lang ho muna ako magbuhat ng mabigat, kaya naman po.” Nasundan ko ng direksyon ng tingin ni Aling Bebang. “Kilala mo ba yang madalas kumain dito?” Nanghihinalang tanong ni Aling Bebang. “Yan po ang madalas magbigay ng tip sa akin Aling Bebang.” “Alam ko, pero bakit noong wala ka wala rin ‘yan? Ngayon nandito ka, ngayon lang din bumalik.” Sumingkit ang mga mata ni Aling Bebang. Tumalikod na ako at nilapitan ko ang regular customer namin. “Ano ho ang order niyo sir?” Magalang kong tanong. “Menudo, dalawang kanin at tubig.” Hindi na rin siya tumingin sa akin. Nagkibit balikat ako. Napatingin ako sa pwesto ni Jimboy may customer siya. Kaya kinuha ko ang order ng mama sa akin. “Aling Bell menudo, dalawang kanin at tubig.” Agad sinandukan ni Aling Bell ang order ng mama. “Order niyo boss.” Sabay lapag ng pagkain niya. Dumukot siya ng pambayad, lilibuhin ang ibinigay niya. Napakunot ang noo ko. “Pambili mo nang gamot ang sukli.” Natigilan ako sa sinabi niya parang napako ako sa aking kinatatayuan. “Aho ho?” Para akong nabibingi “Sabi ko bili mo ng gamot. Dinig mo naman nagtatanong ka pa ulit.” Pagtingin ko sa kamay ko puro bagong pera na tig iisang libo. Akma kong sana ibabalik sa kanya ng pinigilan niya ako. “H’wag mo nang isauli. Tanggapin mo na.” Binitawan niya ang pulsuhan ko. Pabalik na ako kay Aling Bebang para ibayad ang binigay ng mama. “Aling Bebang, bayad noong regular.” “Isang libo na naman?” Napakamot ako ng batok. “Akin na daw po ang sukli…” “Mayaman ah…” Hindi ako mapakali kaya lumapit ako sa kanya pero siya naman pagtayo niya. “Tapos na ho kayong kumain?” Tanong ko, tumango siya. “Mauuna na ako...” Sabay talikod nito “Ano po ang pangalan niyo?” Tumigil siya pero hindi ako nilingon… “Malalaman mo Allister… Malaman mo…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD