CHAPTER 8

1585 Words
ALLISTER’s POV: Iniwanan ko nang makakain at gamot si Jimboy. Kailangan ko rin kausapin na Mang Boy mamaya. Hindi ko alam kung anong gusto ng aking kaibigan na itinuturing ko ng kapatid. Ilang segundo ko siyang tinitigan. Bago ako nagpasyang umalis. Napailing na lang ako. Dala ang kahon ng yosi, biglang lumitaw sa isip ko ang imahe ng aking inay. Kahit paano may pag-asa akong makita ang nanay ko. Alam ko na ang pangalan niya at mukha niya. Binaybay ko ang daan papunta sa karinderya ni Aling Bebang. Pero sa hindi kalayuan ay may mga bagong salta at dayo sa lugar namin. Napakunot ako ng noo pero tuloy-tuloy lang ang lakad ko. “Hoy, ikaw ba si Allister?” Maangas na tanong sa akin. “Depende kung sino ang nagtatanong.” Inangasan ko rin ang sagot. Isa-isa ko silang tinitigan sa mga mata nila. Mas matangkad ako sa kanila. “Buhay pa ba ang kaibigan mo.” Agad umahon ang galit dibdib ko. “Sino sa inyo ang nanakit sa kanya at bakit?” Malamig kong tanong. Sabay kuyom na ang mga kamao ko. Matalim ko silang tinitigan isa-isa. “Ayaw niya kasi magbigay ng lagay eh.” Sagot ng lalaking naka-upo sa likuran hindi ko siya napansin. Agad siyang bumaba at hinarap ako. “Kailan pa kayo, niningil sa teritoryo ko?” “Kahapon lang, at teritoryo na namin iyon ngayon. Ano papalag ka?” Sagot ng lider nila. “Kung matatalo kita, titigilan niyo na ba ang kaibigan ko?” Malakas kong hamon sa kanya. Napataas ang kilay niya sabay kibot ng gilid ng labi niya. “Aba matapang!” Panabay na wika ng mga kasama niya. Hindi ako nakaramdam ng kaba. “Kung matatalo mo ako, eh paano kung matalo kita?” Tanong ng lider niya. “Ako ang magbabayad ng lagay ng kaibigan ko.” Buong tiwala kong sagot. Ngumisi pa siya sabay apir sa mga kasama niya. “Tinatanggap ko ang hamon mo bata.” Ngumisi ako sa sinabi niyang bata. Mamayang gabi, ala siyete doon sa ilalim ng tulay.” Nilampasan ko siya. Pero bago pa ako makalayo sa kanya hinawakan niya ang braso ko. Napatingin ako doon, sabay tingin sa mga mata niya. “Sisiguraduhin kong walang paglagyan ng pasa ang mukha mo. Para hindi kana magugustuhan ni Lynette.” Mariin ang salitang lumabas sa bibig niya. Tumingin ulit ako sa kamay niya na nakahawak sa braso ko. Ngumisi muna ako. Sabay hablot sa braso ko. “Si Lynette? Halos isuka ko nga iyon eh. Gusto mo sayo na. Hindi ako interesado sa kanya.” Nang akma niya akong susuntukin agad akong humakbang ng dalawang beses at pumihit pakanan kaya hindi tumama ang kamao niya. “Kailangan mo atang mag-ensayo, bata. Mukhang hindi ka tatama kung yan ang galawan mo.” Tukso ko sa kanya. “Aba’t—" “Gusto mo na bang mapahiya dito? May mga taong manonood. Nang hindi siya kumibo, nagkibit ako ng balikat. “Sabi ko nga. Mamaya ilabas ang tapang mo.” Hindi nakaligtas ang gulat sa mga kasamahan niya. Tila napahiya sa kilos ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Hanggang sa makarating ako sa karinderya ni Aling Bebang. “Aling Bebang, kausapin ko lang po si Mang Boy.” Imporma ko agad sa kanya pagkadating ko. Nagtaka man, hindi na siya nag-usisa pa. Nakatalikod si Mang Boy sa akin. Naghihiwa ng mga karne. Napalunok ako ng ilang beses. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Ilang beses akong humugot ng malalim na buntong hininga. “Hindi ka ba magsasalita?” Nagitla ako dahil sa biglang tanong ni Mang Boy. Nagtanggal ako ng bara sa lalamunan bago nag angat ng tingin. “M—may laban po ako mamaya.” Pabagsak niyang binaba ang hawak niyang kutsilyo at hinarap ako. Napayuko ako ng wala sa oras. “Ikakamatay mo ba yang laban mo?” “Ho?” “Narinig mo naman ang sinabi ko, Ali, uulitin ko pa ba?” Malamig niyang tanong. Napailing ako. “B—baka po kasi hindi ako makapasok kinabukasan.” Alangan kong sagot. Hindi ako makatingin sa kanya. Dinig ko ang mga yabag niya papalapit sa pwesto ko. Inangat niya ang baba ko. Wala akong nagawa kundi salubungin ang mga mata niya na walang kabuhay-buhay. “Saan ang laban niyo?” “Ho?” Nagulat ako sa tanong niya. Hindi ko akalain na interesado siya. Marahas niyang binitawan ang baba ko. “Kaharap mo lang ako, dinig mo naman kailangan ulit-ulitin?” Sarkastikong tanong niya. “H—hindi ho.” Sagot ko. Pero pakiramdam ko sa mga oras na ito hihimatayin ako sa takot kay Mang Boy. Para akong gigilitan sa leeg. Pero hindi na siya nagsalita pa. Kaya wala akong nagawa kundi ang umalis sa kusina kasi tinawag na ako ni Aling Bebang. Walang laman ang isip ko sa mga nakalipas na oras kundi ang laban namin mamayang gabi. Hindi ko pa rin nasabi kay Aling Bebang ang gusto ni Jimboy. “Ang lalim noon ah.” Sita sa akin ni Aling Bebang. Ngayon lang humulas ang mga customers niya. Hindi rin nagpakita ang regular customer namin. “May sasabihin ho sana ako, Aling Bebang.” Napakunot ang noo niya. “Pwede ba pong pumwesto si Jimboy diyan po?” Sabay ko ng bakanteng space. “Paradahan yan ng motor, Ali.” Para akong nalungkot agad. “Kahit magbayad po ng upa si Jimboy Aling Bebang. Kasi delikado na siya sa pwesto niya ngayon. Kasi binugbog po siya kahapon ng mga humihingi ng lagay kahapon.” Pagtatapat ko sa kanya. “Kausapin ko muna ang asawa ko Ali, baka magalit na lang iyon.” Tumango ako at hindi na tumugon pa. Napaisip ako sa laban ko mamaya. Kung ano man ang kahihinatnan noon, ay hindi ko alam. Basta maiganti ko lang si Jimboy. Kung matatanggal ako dahil sa pagtatanggol ko kay Jimboy, balik kalye na lang ako. Bahala na. Kaysa naman hindi matitigil ang paghihingi nila ng lagay. “Aling Bebang aalis na ho ako.” Magalang kong paalam sa kanya. Sigurado ako bukas, wala na akong trabaho. Hinahanda ko na ang aking sarili. Bahala na… Binaybay ko ang daan, kung saan ang usapan namin ng lider ng gang. Iniwan ko na rin muna ang lagayan ko ng yosi kay Aling Bebang, kukunin ko na lang kung magaling na ako. Sigurado ako hindi maganda ang kahihinatnan mamaya. Nag-aagaw na ang dilim sa liwanag at mga ilaw na lang na mapusyaw sa poste ang mayro’n. Importante naman mayro’n. Ilang beses akong bumuga ng malakas na hangin. Kahit paano naman kinakabahan din ako. Alam kong ayaw ni Jimboy na masangkot ako. Pero kailangan kong gawin ito para sa kanya. Nang makarating ako doon, marami ng mga bata ang naghihintay sa akin. Nandoon na rin ang lider ng gang. Malakas na hiyawan at palakpakan ang naririnig ko na may kasamang kantiyawan. Yung iba sumipol pa sa akin. “Matapang!” “Gwapo!” “Angas!” Iilan sa mga salitang yan ang naririnig ko. May nakita akong bilog, tingin ko doon kami maglalaban. Pumwesto na ako. “Hindi ka ba uurong?” Pang aasar sa akin ng kalaban ko. “Baka gusto mong umurong?” Maangas kong sagot, pero malakas lang na halakhak ang sagot niya sa akin. “Ready?” Turo sa akin ng kakampi nang lider “Bossing ready?” Tumango lang. “Fight!” Nagtantiyahan kami ng kilos, masamang tingin ang pinukol namin sa isa't-isa. Naka ready na ang dalawang kamao ko. Tumalon-talon ako. Para ma dominante ko ang laban. Nagpakawala ng jab, ang kalaban ko. Pero mabilis akong umiwas “Ohhh!” Malakas na hiyawan ng lahat. Lumapit ako ng bahagya sa kanya at inumang ang kamay ko para matantiya ko ang haba noon at sunod-sunod ang sugod ko at nagpakawala ng magkakasunod na kumbinasyon ng aking kamao. Hindi tumama ang isa pero agad kong pinakawalan ang magkakasunod na suntok na may kasamang siko pero hindi man lang siya timaan. Nabibingi ako sa lakas ng sigaw. Malakas ang dagundong nang t***k ng puso ko. Isang malakas na sipa ang tumama sa sikmura ko. Napaigik ako sa sakit. “Boss, tapusin mo na yan!” Malakas na isang ng tropa niya. Tumalon-talon ako. Inaral ko ang kilos niya at sumugod ng sipa at front kick na tumama sa dibdib niya. Nang nakita kong nasaktan siya mabilis ko siyang sinugod nang makakasunod na suntok. Hindi pa ako nakuntento ay sinipa ko ang bandang balakang niya at sinalubong ang kamao niya at pinilipit sa likuran niya sabay suntok sa tagiliran niya. Mabilis ko rin siyang sinipa sa likuran na siyang ikinatumba niya. Nang makita ko na malakas ang tama niya agad ko hinawakan ang damit niya at sunod-sunod na nagpakawala ng malakas na suntok na may kasamang siko. Hindi ko tinigilan ang mukha niya gaya ng ginawa nila sa kaibigan ko. Lalong nandilim ang paningin ko. Putok na rin ang mga mata niya, labi at dugo na ang umagos sa kilay niya. “s**t!” Nang makaramdam ako ng matulis na bagay sa tagiliran ko. May tama ako… Hinugot ko ang maliit na kutsilyo na nakabaon doon. Nagsipulasan ang mga nanonood ng may narinig akong sirena ng sasakyan ng pulis... Napatingin ako sa kamay ko. Puno na iyon nang dugo. Ramdam ko ang sakit. Hanggang sa unti-unti nanlalabo ang mga mata ko. “Allister! Allister!” Dahan-dahan pumikit ang talukap ng mga mata ko. Kahit pilit kong inaaninag ang tumawag sa akin. Pero hindi ko magawa… Nay….
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD