KHAMALA’s POV:
Parang tumigil ang mundo ng makita ko ang Uncle Salvador na nakahandusay at namimilipit sa sakit. Hawak niya ang kanyang braso.
“Khamala!” Isang malakas na sampal ang nagpabalik sa katinuan ko. Napahawak ako sa aking pisngi kung saan dumapo ang palad ni Piper. Sigurado ako bumakat na naman ang palad niya doon.
“Ano pa tinatanga mo diyan!” Hindi ako nakahuma. Parang ipinako ako sa aking kinatatayuan.
“M-may dugo,” Nauutal kong sagot sabay tingin sa dugo na nasa sahig. Wala na pala doon si Uncle Salvador ng hindi ko namamalayan.
“Gusto mo ipahimod ko sayo ‘yang dugo, Papa?” Mabilis akong umiling. Nanginginig ang mga kamay ko. Gumapang hanggang batok ang panlalamig nararamdaman ko. Takot na takot ako sa dugo.
“A—ah, eh, ma’am?” pautal-utal kong sagot.
“Kilos na Khamala!” Malakas na sigaw ni Emerald. Dahil sa takot na saktan nila ako, tumango ako at kumilos.
Kumuha ako ng balde na may sabon at tubig. Kahit may kabigatan iyon tiniis ko. Kung hindi ko sila susundin ay sasaktan ulit nila ako. Hindi pa magaling ang sugat ko, gutom na gutom pa ako. Bago ko tuluyan lilinisin ang dugo sa sahig, kumuha muna ako ng tubig panawid gutom ko.
Halos gumaan ang pakiramdam ko ng malapatan ng malamig na tubig ang nanuyo kong lalamunan. Lumuhod ako sa sahig at sinimulan ang paglilinis. Para akong masusuka sa amoy, sa kulay at para akong hihimatayin. Pikit mata kong nilinis ang dugo. Nang matapos ako, agad akong napalapit sa lababo at sumuka. Mapait na likido lang naman ang nailabas ko dahil wala pa akong kain ilang araw na.
“Dugo lang, Khamala nagkakaganyan kana?” Sita ni Emerald sa akin. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
“Ah- eh, pwede po akong kumain? Gutom na gutom na kasi ako Ma’am Emerald.” Pagmamakaawa ko sa kanya. Ngumisi lang siya at tinaasan ako ng kilay.
“Piper! Piper!” Malakas na tawag ni Emerald sa kakambal lalo akong nahintakutan dahil sa sobrang sama talaga ang ugali ni Piper.
Nang lumapit si Piper nakapa-mewang pa ito at painsultong nakatingin siya sa aking kaya napayuko ako.
“Gutom na siya.” Sabay turo ni Emerald sa akin.
“Hindi kakain kung hindi mo kakainin ang nasa basurahan! Naiintindihan mo?” Paninigurado ni Piper sa akin.
“Kahit ho tinapay lang, ma'am? Madumi na kasi ang nasa basurahan.” Saad ko, sabay kagat ng aking pang-ibabang labi, baka magalit siya dahil sumagot ako.
“Ah, ganun? Marumi ito ba? Choosy ka pa? Eh pusali ka rin naman tapos namimili ka pa?” Agad niyang binuksan ang basurahan at dinukot ang pancit canton at chicken, at pilit ipinapabuka ang bibig ko.
“Gutom ka diba? Diba? Ito kainin mo, arte mo sinusubuan na nga kita!” Hikbi na lang ang sagot ko. Marahas niya akong binitawan. Ang amos ng mukha ko, puno ng mamantika at ang natitirang chicken sa mukha ng nilamutak ni Piper ang pagkaing galing sa basurahan.
“Ma’am Piper tama na po.” Hiling ko sa kanya habang masagana ang luha na umagos sa aking mga mata.
“Subukan mong kumuha ng tinapay kundi hindi matatamaan ka sa akin Khamala! Naintindihan mo?” Wala akong maisagot kundi tango na lang. Mahara niyang akong binitawan, dinig ko ang papalayong yabag nilang dalawa…
Saka pa lang ako nagmulat ng tingin. Napahilamos ako ng aking mukha. Uminom na lang ulit ako ng tubig. Kahit kumakalam ang sikmura ko.
Iniligpit ko na ang kalat, at itinapon ko na rin ang balde na pinaglinisan ko ng dugo ko ni Uncle Salvador.
Hindi ko na namalayan na wala na siya sa harapan ko. Napaupo ako sa lilim ng puno ng acacia. Dito ako tumatambay dahil ito ang paborito ni Nanay noong nabubuhay pa siya. Maganda ang bahay ni Uncle Salvador, may kaya rin sila sa buhay. Balita ko may negosyo sila. Hindi ko lang alam kung ano.
Napapikit ako, “Nay, miss na miss ko na kayo. Sana sinama niyo na lang po ako sa heaven, kasi nasa impyerno na ako. Mabait naman po ako diba nay?” Pero malakas na ihip lang ng hangin ang sumagot sa akin. Ipinatong ko ang aking kanang kamay sa aking kaliwang dibdib, dinama ko ang t***k ng puso ko.
“Psst!” Nagmulat ako ng tingin, pero wala naman tao sa paligid ko. Palinga-linga pa ako. Pero nakatingin ako sa nakasabit sa bakod na plastic. Nilapitan ko iyon at sinungkit dahil hindi ko abot. Nang bumagsak iyon sa lupa gumapang ang tatlong mansanas sa lupa. Napangiti ako. Samalat, Nay.
Napangiti ako. Kahit paano may biyaya. Bumalik ako sa acacia at nilantakan ang mansanas kahit hindi pa hugas. Ilang minuto pa naubos ko iyon napa dighay ako. Sino kaya nagbigay noon? Wala sa loob tanong.
Sinuri ko ang aking sarili, marami pa rin akong pasa, iyon iba mapusyaw na at ang iba naman bago pa. Napatingin din ako sa paligid ko ang dami ng dahon ng acacia sa lupa at mga ligaw na damo.
Kumuha ako ng walis tambo at nagsimulang magwalis. Sa sobrang lawak ng bakuran nina Uncle Salvador halos ilang oras ang ginugol ko dito paglilinis. Nang matapos ako, ibinuhos sa iyon sa bandang gilid ng pader. Kumuha rin ako ng pusporo para sunugin iyon.
“Hoy Khamala! Walanghiya! Alam mong may hika si Emerald ngayon ka pa talaga nagsiga!” Nataranta ako, agad akong kumuha ng balde na may tubig at ibinuhos doon. Hindi ko namalayan na nasa likuran ko na si Piper
“Araaaaay!” Bigla na lang ako napaso dahil itinulak ako ni Piper doon. Kahit wala ng apoy at basa na lang mainit pa rin.
“Yan ang bagay sayo! Malapnos yang balat mo! Papatayin mo si Emerald para hindi siya makahinga! Wala ka na ba talagang magawang matino?” Hindi ako sumagot, pero hindi ako makaalis sa pinagsunugan ko kahit sobrang init pa rin noon, kahit binuhusan ko ng tubig.
“Please, ma’am Piper parang awa mo?” Pakiusap ko siya kanya. Pero ngumisi sya dahil alam niya malapnos ang paa ko.
Agad akong umalis doon at patingkayad akong bumalik sa puno ng acacia at nilublob ang nalapnos kong mga paa sa tubig.
Impit akong ngumiwi sa sobrang sakit at hapdi. Ilang minuto ko rin ibinabad ang paa ko sa tubig bago ko ipinatong sa upuan. Namaltos na iyon at sobrang pulang-pula. Pero hindi na ako umiyak. Siguro kung patay na ako matutuwa sila.” Mahinang usal ko.
Natatakot akong baka ma-infection ang paso ko pero hinayaan ko na lang. Bumalik ako sa kusina dahil magdidilim na. Maghahanda na ako ng hapunan nina Piper at Emerald.
Nasa sala sila naglalaro. Lumapit ako sa kanila. “Ah ma’am anong gusto niyong kainin?” Halos pabulong iyon.
“Magluto ka ng sopas!” Hindi na ako sumagot. Sinunod ko na lang sila. Kumuha ako ng gagamitin kong pagluluto, macaroni, chicken breast, repolyo, carrots at patatas. Nang inihanda ko na iyon makalipas ang halos isang oras ay naluto ko na ang hapunan nila. Sakto alas-siyete na ng gabi. Naghain ako ng dalawang bowl ng sopas at tinawag ko na sila.
“Ma’am Emerald, Ma'am Piper luto na po.” Aya ko.
Agad akong pumunta sa labahan dahil tambak na iyon. Ilang araw akong hindi nakapaglaba. Kahit mahapdi ang mga paa ko. Tiniis ko iyon. Sa bawat kusot ko napapangiwi ako. Inabot ako ng halos tatlong oras paglalaba. Kahit gabi na maliwanag pa rin naman. Dahil may ilaw hanggang naisampay ko na lahat ng nilabhan ko.
Pagbalik ko sa loob ng bahay, naiwan sa mesa ang pinagkainan ng kambal agad kong hinugasan iyon. Nagpunas na rin ako ng mesa. Pumasok ako sa kwarto, pero wala sila doon. Kumuha ako ng damit dahil Maliligo ako.
Hindi ko na sinabon ang paa ko dahil mahapdi. Nagbihis ako paglabas ko sobrang gulat ko ng nakatayo si Uncle Salvador sa pintuan...
“Uncle!” Bulalas ko. Sinalakay ako ng takot.
“Doon ka matutulog sa labas!” Sabay bagsak ng banig kumot at unan ko. Hindi ko napansin na dala-dala niya dahil sa ang mga mata niya na galit nagalit ang Sumalubong sa akin.
Hindi na ako sumagot. Binuhat ko na lang ang tulugan ko ang tahimik na lumabas ng bahay. Tinupi ko ang banig na kasukat ng upuan na tutulugan ko. Sanay naman ako sa matigas na higaan. Siguro wala naman aswang dito diba? Kausap ko sa aking sarili. Nagtalukbong ako ng kumot. Dahila baka papakin ako ng lamok.
Kinabukasan napakunot ang noo ko. May plastik sa gilid ko nang buksan ko iyon, mansanas ulit ang laman at may ointment. “May guardian angel ako?” Nanlaki ang mga mata ko nang wala na paltos ko, at hindi na masakit ang paa at buong katawan ko…