ALLISTER’s POV:
“Hoy, Allister! Hinahanap ka ni Lynette! Lagot ka sa syota mo!” Pananakot ni Jimboy sa akin. Napakunot ko ang noo ko.
“Kailan ko naman ng syota iyon? Nag bibigay lang ng ulam? Syota na?” Pabalang kong sumagot.
“Ulam lang ba? Diba nga sinubo niya ang iyo?” Hirit pa ni Jimboy sa akin.
“Gago! Natutulog ako! Malay ko ba na isusubo niya iyon!” Depensa ko.
“Pero sarap na sarap ka naman! H’wag mo itanggi dinig ko umungol ka!” Agad akong tumalikod. Dahil nakatingin na ang ibang tao sa amin.
“Oy! Kinakahiya si Lynnette! Ayaw mo doon magaling sumubo.” Gusto ko na talaga busalan ang bunganga nitong si Jimboy eh.
“Lumayo-layo ka nga Jimboy sa akin ha? Baka matatamaan ka!” Banta ko sa kanya. Wala akong sa babaeng iyon. Siya ang feeling na merong kami. Siya rin ang naglalaba ng mga damit ko.
“Pero Ali, aminin mo masarap ba sumubo si Lynette?” Akma ko siyang undayan ng suntok ng kumaripas siya ng takbo. Napailing na lang ako.
Kahit ilang beses kong pinagtabuyan si Lynette balik pa rin ng balik sa inuupahan kong silid kasama si Jimboy. Ilang bahay mula sa bahay nina Lynette.
Napailing na lang ako. Madalas lalo na sa gabi basta na lang susulpot iyon nasa kalagitnaan ako ng aking pagtulong basta na lang gumagapang ang kamay noon. Isang beses sa gulat ko nasuntok ko siya. Isang linggo rin siyang hindi nagpakita sa akin.
“Yosi! Yosi kayo diyan!” Malakas kong sigaw. Dito na ako sa kalye lumaki. Iniwan ako ng nanay ko sa simbahan ng Baclaran. Hanggang ngayon hindi pa ako nababalikan. Hindi ko alam kung buhay pa siya.
“Boss, yosi?” Tanong ko sa isang lalaking nakatambay sa harapan ng bilyaran. Naka sumbrero at nakasalamin siya. Hindi ko maaninag ang mukha niya. Pero madalas siya dito. Parang araw-araw ata. Nakikitambay, pero hindi naman naglalaro.
“Pabiling isa, magkano?”
“Dalawa, lima boss?” Sagot ko sa kanya. Mataman ko siyang tinitignan pero hindi ko talaga siya mamukhaan.
“Oh,” Napatingin ako sa inabot limang daan iyon. Napakamot ako ng batok.
“Eh, pambihira naman boss, wala akong panukli diyan, wala pa kayong limang piso lang?” Nayayamot kong tanong.
“H’wag mo na ako suklian, sayo na ‘yan.” Napangisi agad ako. Sabay kuha sa kamay niya ng limang daan baka bigla magbago isip niya.
“Naku salamat boss. Pero hindi naman peke ito boss diba?” Panigurado kong tanong. Mahirap na baka malugi pa ako ng limang piso.” Kalahating order na rin iyon ng kanin. Saka malaki ang limang daan pambayad ko rin ito sa silid na inuupahan ko. Baka mapatalsik ako. Sa kalye na naman ako magtatayo ng dampa. O sa ilalim ng tulay.
“Hindi totoo, yan gusto mo isa pa oh.” Akma siyang dudukot, pero pinigilan ko na siya.
“Naku boss, sobra na ito. Lighter boss?” Sabay umang sa dulo ng sigarilyo niya. Ilang beses akong Lumingon-lingon sa mamang nag abot ng malaking halaga sa akin. Napailing na ako. Parang may saltik iyon. Agad akong pumunta ng karinderya, kanina pa ako walang benta. Tanghali na rin ako nagising kanina.
“Aling Bebang, dalawang kanin nga ho, saka sinigang na baboy, at miranda po.” Agad kong order.
“Hoy Ali, may utang ka pa, uutang ka na naman!” Akma akong uupo na sana.
“May pambayad ako Aling Bebang, may kita ako ngayon.” Kinindatan ko pa siya.
“Nakung bata ka! Kung dumito kana sa karinderya ko kahit maglilinis lang aba eh di sana hindi mo na problemahin ang pagkain mo.” Napakamot ako ng batok. Araw-araw ito ang liyahan niya sa akin.
“Alam niyo naman ho ang dahilan. Baka po mataga ako ni Mang Boy kapag dito ako magtatrabaho.” Magalang kong sagot.
“Sabagay nga.” Pagsang-ayon niya sa akin. Agad naman inipalapag ang order ko sabay umang ng kamay niya sa harapan ko. Napailing na lang ako dahil sigurista na siya ngayon.
“Heto ho.” Nanlaki ang mga mata niya. Hindi makapaniwala na buo ang pera ko.
“Hindi ka naman nandukot, Ali?” Bintang niya agad sa akin.
“Luh, kapag may buong limang daan, nandukot agad. Alam niyo naman na hindi ko gawain iyan. Tamang hanap buhay lang ako Aling Bebang kayo naman!” Matapat kong sagot sa kanya.
“Siguraduhin mo dahil kapag galing to sa nakaw, mamalasin ang tindahan ko at sasakit yang tiyan mo sige ka!” Dagdag pa niya.
“Binigay yan ng Mamang tambay sa bilyaran sa kabilang kanto, Aling Bebang. Wala kasi akong sukli. Kaya ayon ibinigay na. Sinugrado ko pa nga kung totoo eh.” Sabay higop ng mainit na sabaw ng sinigang.
“Sarap talaga kayo magluto Aling Bebang, asim kilig eh!” Pambobola ko sa kanya.
“Haro jusko Ali, bumenta na yang banat mo sa akin.” Sarkastikong sagot niya sabay abot ng sukli ko.
“Oh, kinaltas ko na yang isang daan, tapos isang daan din sa pagkain mo ngayon. Three sukli.” Sabay talikod sa akin at nilapitan ang isang tumawag sa kanya.
Nasundan ko siya ng tingin, sobrang bungangera ni Aling Bebang pero mabait naman madalas akong pinapautang ng pananghalian kapag wala akong madelihensya sa pagbebenta ng yosi. Cute rin naman maputi, pero pandak. Pero ang anak niyang si Lupe ay maganda kaso matanda sa akin. Crush ko pa naman iyon. Ikakasal na nga lang.
“Aling Bebang salamat po sa masarap na pananghalian.” Imporma mo sa kanya. Hindi ko ipagpapalit ang ulam ni Aling Bebang sa iba.
“Alis na ako.” Paalam ko. Pabalik na ako sa teritoryo ko. Dito sa Quiapo, kanya-kanya ng lugar. Bawal akong magtinda sa kabilang ibayo dahil sigurado gulo iyon.
Tumambay lang ako sa labas ng simbahan. Nang may biglang pumiring sa mga mata ko. Wala naman ibang gagawa noon kundi si Lynette.
“Lynette ano ba!” Asik ko sa kanya. Humagikhik siya sabay halik sa pisngi ko. Napangiwi ako sa tapang ng pabango niya, at paghalik niya sa pisngi ko
“Anong ginagawa mo rito? Wala ka bang pasok?” Agad akong dumistasya sa kanya. Iningusan lang ako.
“Ang arte mo ikaw nga amoy araw at pawis, hindi naman ako nababahuan ah!” Mataray niyang sagot. Pero napakunot lang ako.
“Oh, eh bakit ka lapit nang lapit, mabaho naman pala ako at amoy araw?” Tinalikuran ko na siya. Ramdam ko ang pagsundo niya sa akin.
“Syempre namimiss kita.” Sabay sukbit ng kamay niya sa braso ko.
“Pwes hindi kita namimiss. Saka ano na lang isipin ng mga matapobre mong mga magulang?” Pagbabara ko sa kanya.
“Ali naman eh, alam mo naman na gusto kita, kahit ano gagawin ko para sayo.” Kinikilabutan ako sa sinasabi ni Lynnette.
“Pwede ba Lynette, tigilan mo na ako. Wala kang napapala sa akin.” Pagtataboy ko sa kanya.
“Anong, wala? Mayro’n ha? Magandang lahi.” Humagikhik pa siya. Tila kinikilig. Napangiwi naman ako.
“Ewan ko sayo. Diyan kana nga!” Mabilis akong tumakbo papalayo sa kanya.
“Ali! Ano ba! Sama ako!” Pero dahil mabilis akong tumakbo hindi na ako naabutan ni Lynette.
Pero grabe talaga ang babaeng iyon, walang sulok ng lugar namin ang hindi niya ako mantunton.
Ala-siyete ng nagpasya akong umuwi. Kahit paano naka three hundred rin ang kita ko maghapon. Agad akong dumaan kina Aling Bebang bumili ng panghapunan namin Jimboy…
“Wow, hindi ka uutang.” Pambabara niya sa akin.
“Pabili po ng dalawang adobo sitaw, apat kanin at tubig ho Aling Bebang.” Napangiti ako dahil ni isang salita wala siyang nasabi sa akin, nag abot agad ko ng pambayad.
Akma akong tatalikod ng tinawag ako niya ako. “Ali, may nagpapabigay pala sayo nito.” Nakapangalan sayo.
Napakunot ang noo. Inabot ko na lang iyon. Sabay siksik sa aking lagayan ng paninda. Wala naman akong inaasahan susulat sa akin. Hindi ko rin naman kilala ang mga magulang ko. Hindi ko nga alam kung sino nagpalaki sa akin. Iniwan na lang ako basta ng nanay ko sa simbahan. Nakagisnan ko na ang pangalan ko. Natuto akong magbasa sa mga comics lang. Pero kahit paano natuto akong magsulat…
Dumaan ako sa aking land lady para mag abot ng bayad ng upa. Ilang beses na akong pinagbabantaan na papalayasin, baka ngayon totohanin kung hindi pa ako makapag abot ng bayad...