Khamala’s POV: “Aray!” Malakas na daing ko. Nang pinisil ni Ali ang balikat ko. “Ay sorry Kham, bakit napano ka ba?” Nag-alalang tanong nito sa akin. “W—wala,” tangging sagot ko. Ilang beses kasing hinampas ni Uncle Salvador ang balikat ko. Hindi ko magawang sumigaw dahil nakabusal ang bibig ko. “Anong wala bakit ka umaray kung wala?” Kunot noong tanong ni Ali. Agad akong tumayo at umalis sa harapan niya. Palabas ng library. Mabilis akong tumakbo, pero hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hanggang sa umikot ako sa likod ng kumbento. Hingal na hingal ako. Tumigil ako saglit sa katapat ng puno ng acacia. Ang mga kamay ko nakapatong na sa tuhod ko at habol ko ang aking paghinga. Tuluan ang butil ng pawis ko sa noo. Pinunasan ko rin ang ilong ko. Napakagat ako ng aking pang-ibabang l

