ALLISTER’s POV:
“Alistter?” Napalingon ako sa pamilyar na boses na iyon. Kahit gabi na nakasalamin at sumbrero pa rin siya.
“Kayo po pala, bakit po?” Nagtataka ako dahil sinundan pa niya ako. Nauna na kasi si Jimboy umuwi.
“Kailangan sana kitang makausap?” Tanong niya sa akin. Na lalong napakunot ng noo ko. Anong meron?
“Tungkol po saan Mang—”
“Hindi na mahalaga ang pangalan ko.” Pagputol niya sasabihin ko. Hindi na ako kumibo. Tumango na lang ako.
Iniabot niya sa akin ang isang litrato. “Sino siya?” Hindi ako kumurap, ang ganda ng mukha niya. Ang mga mata niya tila nangungusap
“Siya ang misyon mo.” Napatingin agad ako sa Mamang ni pangalan hindi ko alam.
“Misyon?” Tumango siya. Seryoso ang mukha kahit na nakasalamin niya.
“Oo kailangan mong mapalapit sa kanya. Kailangan mahulog ang loob niya sayo bilang kaibigan.” Para akong nadismaya sa huling salita niya. Seryoso ba siya? Ito kaibigan? Crush ko na nga. Kaibigan lang?
“Bakit ko naman siya kakaibiganin, anong mapapala ko doon?” Sa unang pagkakataon ngumiti ang kausap ko.
“Malalaman mo.” Matalinhagang sagot niya.
“Paano kong ayokong gawin?” Lakas loob kong tanong.
“Then hindi mo makikita ang nanay mo. Maggie tama? Ako ang nagbigay ng litrato niya sayo. Kung hindi mo susundin ang utos ko sayo. Hinding-hindi mo makikita at makikilala ang nanay mo.” Parang bombang sumabog sa mukha ko ang sinabi niya. Nanlalamig ang buo kong katawan. Ang lakas ng t***k ng puso ko. Nanginginig pati labi ko.
“K—kilala niyo ang nanay ko?” Nauutal kong tanong. Simpleng tango lang ang sagot niya.
“Ano tatanggapin mo ba ang alok ko?” Tanong niya sa akin.
“Paano ako makakasigurado na kilala niyo ang nanay ko?” May kinuha siya sa likod nito, phone niya. Kumalikot doon at pinatingnan sa akin ang video. Nanlaki ang mga mata ko.
Tiningnan ko siya ng masama. Akma akong susugod, ng tinutukan niya ako nang baril. Napatigil ako bigla. Napakuyom ako ng aking kamao.
“Akala ko pa naman mabait kayo! Isa kayong masamang tao!” Malakas kong sigaw. Puno ng galit ang dibdib ko.
“Atta boy, that’s it.” Boy lang ang naintindihan ko sa sinabi niya.
“Wala ka namang pagpipilian kundi sundin ang utos ko. Mapalapit ka sa batang ‘yan. Kunin mo ang loob niya, kung magawa mo iyon, makikita mo na ang nanay mo.” Sabi niya.
“Hindi ko gagawin ang gusto mo hangga’t hindi ko nakakausap at nakikita ang nanay ko.” Madiin kong banta sa kanya.
“Mamili ka, susundin mo ang utos ko o papatayin ko ang nanay mo?” Para akong tinakasan ng tapang. Hindi! Hindi puwedeng mamatay ang nanay ko! Hindi! Gusto kong isigaw iyon pero walang ni isang salita ang lumabas sa bibig ko. Kusang tumutulo ang luha ko.
“Mahina ka kung iiyak ka na lang at wala kang gagawin!” Isinuksok niya ang baril nito sa likod.
“Maghanda ka ng gamit mo susunduin kita bukas. Siguraduhin mo lang na walang makakaalam sa pinapagawa ko sayo. Isang taon, ganyan ka katagal sa misyon mo. Mula ngayon, Allister Soesanto ang gagamitin mong pangalan!” Tumalikod na siya.
Napaluhod ako sa gitna ng daan. Pinagtitinginan na nila ako. Pero wala akong pakialam. Ilang beses kong sinuntok ang semento. Putang ina mo! Gusto kong sumigaw. Gusto kong ilabas ang galit sa puso ko, at pangungulila ko sa aking nanay. Maggi, Maggie ang pangalan niya…
***
KINABUKASAN handa na ang gamit, pinauna ko na si Jimboy. Hindi ko puwedeng sabihin sa kanya. Hindi rin ako nagpaalam kina Aling Bebang at Mang Boy. Alam ko magagalit sila sa akin. Nag-iwan ako ng maikling sulat kay Jimboy. Ayokong mag-alala siya sa akin habang wala ako.
Napatingin ako sa pintuan dahil may kumatok doon. Backpack lang ang dala ko. Wala rin naman akong ibang gamit. Tumayo ako sabay sukbit ng backpack ko.
“Handa kana?” Agad niyang tanong sa akin. Malamig na tingin ang ipinukol ko sa kanya.
“May choice ba ako?” Sarkastiko kong sagot. Ngumisi lang siya.
“Meron naman, buhay ng nanay mo o ang misyon mo.” Tumawa pa siya ng nakaka-insulto. Isinara ko ang kwarto namin.
“Pwede ba akong dumaan sa land lady namin. Kailangan kong bayaran ang upa. Baka paalisin nila ang kaibigan ko.” Tanong ko sa kanya.
“Heto ibayad mo, lampas isang taon na yan na upa.” Iniabot niya sa akin ang lilibuhing pera. Hindi na ako nagsalita. Kinuha ko iyon at pumunta sa katabing bahay.
“Tao po, Aling Rosing?” Malakas kong tawag sa kanya.
“Oy Ali, bakit?” Napakamot ako ng batok.
“Aalis ho muna ako, pero babayaran ko na ho ang isang taong upa at kuryente namin pati tubig.” Halos manlaki ang mga mata ni Aling Rosing sa sinabi ko.
“Naku Allister, talaga ba? Hindi ka ba nagbibiro. Kailangan na kailangan ko pa naman ang pera ngayon, si Mang Rodolfo mo kailangan pambiling gamot.” Tila maluha-luha niyang sabi.
“Teka, saan ka naman kumuha ng pera pambayad.” Nagtataka niyang tanong.
“Inalok po ako ng mamang iyon.” Tinuro ko ang mamang nakatalikod.
“Hindi naman nanggaling sa masama ito Ali ha? Baka hindi gumaling ang si Mang Rodolfo mo.” Tila alangan niyang tanggapin ang pera.
“Hindi po Aling Rosing pagtatrabahuhan ko po yan ng isang taon. Babalik din po ako dito.” Magalang kong sagot.
“Naku mabuti naman. Salamat, Diyos ko.” Sabi pa niya. Iniabot ko ang pera at binilang niya iyon. Nang Sakto, nagpaalam na ako.
Sa labasan ng eskinita nandoon nakaparada ang SUV ng lalaki. Sumakay ako sa unahan ng sasakyan. Sobrang gara, at mamahalin ang customized na sasakyan, leather ang nasa dashboard may maliit pa na screen sa unahan. Malamig masyado ang aircon. Hindi ako sanay.
“Seat belt.” Paalala sa akin ng lalaki. Taniya ko nasa singkwenta na siya pero matipuno pa rin ang pangangatawan.
Nang umusad ang sasakyan hindi ako nagtanong kung saan kami pupunta. Hindi ko na inalam pa iyon. Tahimik akong nakatingin lang sa mga sasakyan na kasabayan namin. Ito ang unang sakay ko sa magarang sasakyan. Masaya na ako dati na sumabit sa jeep at baba na lang basta dahil wala akong pambayad kahit delikado ang ginagawa ko noon
“Gusto mo ba munang kumain?” Tanong niya sa akin makalipas ang mahabang sandaling katahimikan sa pagitan namin.
“Busog ako.” Matabang kong sagot. Paano ako gaganahan kumain kasabay ng lalaking kayang patayin ang nanay ko anumang oras.
“Maangas.” Sabi nito.
“Ano ang gagawin ko kapag maging close kami?” Hindi ko maiwasang hindi magtanong.
“Malalaman mo rin. Ang buong lugar ay may CCVT kaya alam ko ang mga kilos at sinasabi mo.” Napalingon ako sa kanya.
“Ganyan ba ka importante ang batang babaeng iyon, na kaya mong patayin ang nanay ko?” Panunumbat ko sa kanya.
“Yes.” Matipid niyang sagot. Umiwas ako ng tingin. Nagpupuyos ako sa galit pero wala akong magawa.
“Siguraduhin niyo lang na makikita kong buhay ang nanay ko kapag natapos ko ang pinapagawa niyo sa akin. Dahil sisiguraduhin kong hahanapin ko kayo, at kapag nangyari iyon. Ako mismo ang papatay sayo!” Banta ko sa kanya. Puno ng pinalidad sa mga salitang binitawan ko.
“Marami ka pang kakaining bigas bago mo ako mapatay…”