CHAPTER 14

1319 Words
ALLISTER’s POV: Napakuyom ang aking mga kamao. Matagal ang biyahe namin, hanggang sa namigat ang talukap ng aking mga mata. Hindi ko na napipigilan napa idlip na lang ako sa lamig nang aircon at haba ng aming paglalakbay. “Ali,” mahinang tawag sa akin. Sabay tapik sa balikat ko. Nagpupungas pa ako. Nabasa ko na nasa St Cecilia Orphanage kami. Napatingin ako sa kanya. “Dito ba ang misyon ko?” Matabang kong tanong. Tumango lang siya. “Isang taon? Kung nagawa ko ito, makikita ko ang nanay ko?” Panigurado kong tanong. Baka naglolokohan lang kami. “Oo sigurado.” Pero hindi siya makatingin ng diretso sa akin. Huminga ako ng malalim. Matinding pagpipigil ang ginawa ko. “Oo bata lang ako sa paningin mo, pero mataas ang pangarap ko. Kapag kinatalo niyo ako, balang araw hahanapin ko kayo. Sa pagkakataong iyon, gaganti ako kapag hindi kayo tumupad sa usapan!” Agad akong bumaba ng sasakyan. Walang lingon-lingon. Papatunayan ko na kaya ko. Huminga ako nang malalim nang makarating ako sa harapan ng bahay ampunan. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya lakas loob akong pumasok. “Hi Ali, dumating kana pala.” Napakunot ang noo ko. Inaasahan nila ang pagdating ko? “Ah—o—opo.” Nauutal kong sagot. Ang lakas ng t***k ng puso ko. “Ako pala si sister Marisol. Halika ituro kita sa magiging silid mo.” Sumunod ako sa kanya. “Dito sa bahay ampunan may mga rules kang dapat sundin okay? Pinaka una bawal makipag-away. Sumunod sa mga nakaatang na mga gawain dito. Higit sa lahat kailangan mong mag-aral. Pinadala na sa akin ang mga papeles mo. Bibigyan kita ng accelerated test. Sa edad mo ngayon ay dapat second year high school kana. Kaso wala akong makitang mga dokumento mo. Ang meron lang ako ay ang birth certificate mo.” Mahabang paliwanag ni sister Marisol. “Opo, makakaasa po kayo na susunod ako.” Magalang kong sagot. Wala naman akong misyon kundi ang kaibiganin ang batang iyon. Mas makakatulong sa akin kung mag-aaral rin akong mabuti. Nang makarating kami sa silid na sinasabi niya walang mga bata doon. Huminto kami sa gilid kung saang may cabinet na de susi. “Ito ang magiging locker mo nandiyan na ang mga gamit mo, unan, kumot, at ibang damit. Ang number ng kama mo at number rin nitong locker mo twelve.” Paliwanag ni sister. Tango lang ang sagot ko. Iginala ko ang aking mga mata humigit kumulang nasa kwarenta ang kama. Malinis iyon at ang kintab rin ng sahid. Parang hindi bahay ampunan ito. Sumunod ulit ako kay sister Marisol “Ito naman ang shower area at sa kabilang side ang toilet. Ang personal mo na gamit paliligo mula sabon at shampoo at naka install na sa mismong shower.” Napalunok ako. Parang masyadong mahigpit sila dito. Sana hindi mahirap pakisamahan ang bata dito. “Last but the least, bawal ang bully, away at sirain ang gamit dito sa bahay ampunan alagaan mo ito na at ituring na tunay mong tahanan.” Dagdag pa niya. Napalunok ako nang wala sa oras. “O—opo.” Nauutal kong sagot. “Bueno, halika at kakain na.” Tumango ako at inilagay ang aking bag sa locker na itinuro niya. Sumunod ako sa kanya. Hindi ko pa kabisado ang pasikot-sikot dito pero pasasaan ba magagamay ko rin ang bawat sulok nito. Pagbukas ni sister Marisol ng double door, lahat ng tingin ng mga batang naroon ay nasa amin. Agad kong hinanap ang batang iyon. Pero nakailang pasada na ako, wala siya. Nasaan ba iyon? “Allister,” “Huh?” Malakas na tawanan ang narinig ko. Pero tumigil iyon ng isa-isa kong tinitigan ang bawat isa, mata sa mata kaya tumahimik sila. Nang sa pinakadulong bahagi nakita ako siya. Mas maganda siya sa personal. Napakunot noo ko nang makita ko ang suot niya. Long sleeve at hanggang leeg. Hindi pa siya nasasakal sa klase ng damit niya? Mainiti iyon sigurado. “Allister magpakilala kana.” Untag sa akin ni sister Marisol, tumango ako. Nagtanggal ako bara sa aking lalamunan. “Hello, sa inyo. Ako si Allister, pwede niyo akong tawaging Ali, fourteen years old.” “Hi Ali, welcome ka dito sa St Cecilia Orphanage.” Pero hindi maaalis ang tingin ko sa batang iyon. Nakayuko lang siya. “Sige na Ali maghanap kana ng mauupuan.” Utos ni sister Marisol. Tumango at dahan- dahang naglakad sa pwesto ng batang kakaibiganin ko. Swerte dahil may pwesto sa harapan niya. Matutukan ko siyang mabuti. “Mga bata kain na.” Anunsyo ng isang sister na hindi ko pa nakikilala. “Hi,” bati ko sa batang iyon. Pero hindi lang naman siya nag-angat ng tingin para tingnan ako o bumati man lang pabalik. Suplada buti na lang maganda ka. Hinayaan ko na lang muna at sinimulan ang pagkain ko. Menudo at kanin ang rasyon nila. Paborito ko pa naman ito. Sarap na sarap ako at sobrang gana kong kumain naubos ko iyon ilang minuto lang. Pagkatapos naming kumain tumayo na ang iba, dala ang pinagkainan nila. Kaya nakipila na rin ako. Nasa unahan ko ang batang iyon. “Anong pangalan mo?” Tanong ko sa kanya. Nilingon niya ako pero ilang segundo lang iyon at bumaling sa harapan nang hindi sinagot ang tanong ko. Pagdating namin sa lababo kanya-kanya kami ng hugas nang plato, at inilagay sa patuyuan. Sumunod na lang din ako sa unahan ko. “Hindi ka ba marunong magsalita? Pipi ka ba?” Lumingon ulit siya sa akin. Sinamaan na ako ng tingin. Siguro dahil nakukulitan siya sa akin. “Sorry,” mahinang saad ko. Pero hindi na siya lumingon. Nang makarating na kami sa isang silid-aralan. Sumunod ako sa kanya nang umupo siya, umupo din ako sa kasunod niyang bakanteng upuan. Nanlaki ang mga mata ko nang nakasulat sa armchair ang aking pangalan. ALLISTER SOESANTO. Luh ang gara! Meron din ako! Bigla akong napatingin sa upuan niya. KHAMALA OLIVEROS. “Ang ganda naman nang pangalan mo,” puri ko sa kanya. Pero hindi pa rin niya ako pinapansin. Nakakapikon kana talaga! “Kung nakakapikon ako, manahimik ka!” Nanlaki ang mga mata ko nang magsalita siya. At sobrang tanga ko dapat sa aking isip lang iyon sasabihin pero hindi ko namalayan naiusal ko pala ang mga katagang iyon. Gusto ko na lang umbagin ang sarili ko. “Sorry,” hingi ko ng tawad. Siya naman kasi ang suplada niya. Maganda pa naman. “Bakit ka naka long sleeve? Hindi ka ba naiinitan?” Inosenteng tanong ko sa kanya. Pero isang malakas na suntok ang tumama sa mukha ko. “Khamala!” Sigaw ni sister Marisol. “Bakit mo mo sinuntok si Ali?” Napahawak ako sa kanang pisngi ko. s**t! Ang lakas niyang manuntok! Ang sakit ha! Papatulan na talaga kita! “Sorry, sister, ang kulit po niya kasi. Ang daldal. Putak ng putak parang manok.” Ramdam ko ang inis sa boses niya at mailap siya. Kaya ba kakaibiganin ko lang ang tigreng ito? Parang gusto ko na agad sumuko. “Magsorry ka kay Ali.” Utos sa kanya ni Sister Marisol. “Eh sister ang kulit niya pwede po bang doon na lang siya malayo sa upuan ko?” Napatingin ako sa tinuro “Sorry,” halos pabulong niyang hingi ng tawad. “Rules are rules, Khamala; we should obey them.” Kitang napayuko siya at tumango. Ngumisi ako sa isip ko. “Bakit ayaw mo akong katabi.” Mahinang bulong ko. Sabay tingin ko kay sister Marisol na nagsusulat sa pisara. Pero sinamaan niya ako ng tingin at isang malakas na siko ang tumama sa braso ko. Grabe ang liit niya pero malakas manuntok at maniko... Babae ba ito? “Kapag hindi ka pa titigil, makikita mo!” Mataray niyang banta sa akin. Napatuwid ako ng upo nang Lumingon si sister. Mahihirapan akong paaamuhin at kaibiganin ka….
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD