CHAPTER15

1365 Words
ALLISTER’s POV: “Kham gusto mo?” Sabay alok ng apple sa kanya. Napatingin siya sa kamay ko bago niya sinalubong ang titig ko. May kislap sa mga mata niya pero agad rin nawala iyon. Laglag balikat ko nang tumalikod siya. “Oy sandali naman, ayaw mo talaga.” Malalaki ang hakbang niya. Hindi niya ako pinansin. “Matamis ‘to.” Engganyo ko sa kanya, sabay umang ng apple. Napangiti ako nang tumigil siya at hinarap niya ako. “Will you stop?!” Singhal niya sa akin. “Wow English yun ah. Pinay ka naman pwede naman Tagalog.” Mahinahong saad ko. Pero totoo lang nakakatakot ang angas niya. “Bakit ba ang kulit mo?” Aburidong tanong niya. “Hindi naman ah.” Nakangiting tanggi ko. “Anong hindi? Ayaw kitang kausapin! Ayokong dumikit ka sa akin. Ayokong makita ni anino mo pero ang tigas yang mukha mo!” “Kalma naman Khamala.” Pang-aasar ko sa kanya. Pinaningkitan niya ako ng mga mata. “Arghhh!” Nagpapadyak pa siya bago nagpatuloy sa paglalakad. Pero sinundan ko pa rin siya. “Alam mo wala naman akong ginagawang masama sayo, nakikipagkaibigan lang ako.” Sabi ko, na siyang ikinatigil niya at hinarap niya ulit ako. “Kaibigan? Ayoko ng kaibigan. I see you as my enemy, a threat to me!” Mariin niyang deklara. “English na naman? Bakit ba ang hilig mong mag-english pwede naman tagalog ah.” Reklamo kong sagot. “Bakit ba ang kapal ng mukha mo na makipag-usap at makipag kaibigan sa akin? Ano ang mahirap intindihin sa sinasabi ko? Ayokong makipag ka—i—bi—gan! Gets mo?” Umiling ako. Hindi pwede Khamala isang taon lang ang palugit sa akin. Gusto kong isatinig iyon pero hindi ko magawa. “Bakit?” Sabay kibit ko ng aking balikat. “Hindi ko kailangan magpaliwanag!” “Di rin kita titigilan. Wala naman akong masamang intensyon sayo ah. Kaibigan nga lang, baka kaya ayaw mong makipag kaibigan dahil may gus—” hindi ko itinuloy ang kasunod na salita nang tinaasan niya ako ng kilay. “Me?” sabay turo niya sa sarili nito na parang diring-diri sa akin. “You wish!” Sabay talikod at iniwan ako. Pero hinabol ko pa rin siya. Pero hindi na ako nagsalita. Hindi ko na rin siya inalok ng apple. Hanggang sa makarating kami sa aming silid aralan. Sipol ng mga kapwa ko bata ang narinig ko nang sabay kaming pumasok sa room. “Good morning, sister Marisol.” Bati ko, nagsusulat na siya sa pisara. “Allister, pumunta ka sa opisina ng ating mother superior kailangan ka niyang makausap.” Napatigil ako sa aking akmang pag-upo. Mapakagat ako ng aking pang ibabang labi. Anong kasalanan ko? Napatingin ako kay Khamala pero abala siya sa pagsusulat agad. “May nagawa ba akong mali?” Wala sa loob kong tanong kay sister Marisol. Pero kibit balikat lang ang sagot niya. Nakatalikod pa rin at nagsusulat. Tahimik ang lumabas sa aming room. Pero bago ako tuluyang lumabas nilingon ko si Khamala. Pero ni isang sulyap hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Napahugot ako ng malalim na buntong hininga. s**t! Sigurado mahihirapan ako sa kanya! Gwapo naman ako. Ang daming nag-aaway na ideya sa utak ko bakit ako pinatawag pero ni isa wala akong makuhang sagot. Hanggang sa makarating ako sa opisina nang aming mother superior. Naka ilang beses akong taas-baba ng aking kamay para kumatok pero ilang beses din nagbago ang isip ko. Akma akong kakatok ng bumukas ang pintuan. Naiwan sa ere ang kamay ko. Blangkong mga mata ang bumungad sa akin. Si sister Marites. “Kailan ka papasok?” Malamig niyang tanong. Napalunok ako ng wala sa oras. Napayuko na lang ako. Ito yung mga Nakakatakot na hitsura parang Conjuring. Baka bigla na lang akong sakalin at ibitin paitaas. “Ah—eh.” “Pasok!” Mariin niyang utos. Lalo tuloy akong kinabahan. “Upo!” Nataranta akong sumunod. Para akong hihimatayin sa takot. Wala naman akong natatandaan na may ginawang mali sa mga nakalipas na linggong pananatili ko rito. Sumunod ako sa mga patakaran. “May kasalanan po ba ako sister?” Lakas loob kong tanong. Kinuha niya ang envelope at tinulak niya sa harapan ko. “Ano po ito sister?” Hindi ko magawang kunin o hawakan man lang. Dahil baka paalisin na nila ako dito. Kailangan kong magawa ang misyon ko para sa nanay ko. “Buksan mo.” Utos niya sa akin. Nagpabalik-balik ang tingin mo mula sa envelope at sa mga mata ni Sister Marites. Seryoso kasi iyon. Hindi naman ako magaling bumasa ng emosyon. Nanginginig ang kamay ko pagbubukas ng envelope. Unang tumambad sa akin ang score ko ng exam. Kasunod ang litrato nang nanay ko at ako. Hanggang sa certification ko. “Congratulations!” Iyon na ata ang pagbati na hindi masaya. Dahil walang saya sa mga salitang iyon. “Kilala niyo po ang nanay ko?” Nagtataka kong tanong. “Isang taon, kung ano man ang inutos sayo kaya ka nandito, isang taon.” Paalala niya sa akin. Nanlaki ang mga mata ko. Alam niya kung bakit ako nandito? “Hindi ko po alam ang sinasabi niyo sister Marites.” Tanggi ko sa sinabi niya. Baka mapapahamak ako at ang nanay ko kapag alam niya ang dahilan kaya ako nandito. Hindi! Hindi pwede! Makahulugan siyang ngumisi sa akin, sinuri akong mabuti bago siya nagsalita, “Hindi ako ipinanganak kahapon, Ali.” Tumayo siya, humarap sa bintana, gusto kong lumubog sa aking kinauupuan dahil sa sobrang takot. Puno ang puso ko ng pangamba. Game over na ba? “Kilala mo ba kung sino ang nagdala sayo dito?” Tanong niya matapos ang mahabang katahimikan. Hindi agad ako makasagot. Hindi ko naman kilala ang kausap ko, at taong naglagay sa akin sa posisyon kong ito. “Wala akong alam sa sinasabi niyo sister Marites. Wala ho akong magulang, kaya po ako nandito.” Pagsisinungaling ko sa kanya. Kailangan ko itong panindigan. Baka hinuhuli niya lang ako. “Tingin mo ba basta-basta ka makakapasok dito nang walang dahilan at ganun-ganun na lang?” Nakatalikod pa rin siya sa akin. Hindi ko alam ang isasagot ko. “Ka—kayo po pwede naman akong umalis kung tingin niyo masama ang dulot ko sa bahay ampunan niyo.” Tumayo ako. Gusto kong kumaripas ng takbo. “Upo!” Nagitla ako sa malakas niyang sigaw. Sister ba talaga ito? Diba mababait mga iyon? “Layuan mo si Khamala, Allister.” “Po? Bakit naman po? Wala naman akong ginagawang masama sa kanya. Nakikipagkaibigan lang po ako.” Imporma mo sa kanya. Yakap-yakap ko pa rin envelope na binigay niya sa akin. Nasundan ko siya ng tingin hanggang sa bumalik siyang umupo. Napayuko ako, hindi ko kayang salubungin ang mga mata niya na puno ng pag-uusig sa sadya ko dito sa bahay ampunan at sa intensyon ko kay Khamala. “Binabalaan kita, Ali, siguraduhin mo lang na talagang ulila ka, at hindi kapahamakan ni Khamala ang dala mo. Kung nagkataon lang ang pangalan mo dito, hindi ko pa alam sa ngayon.” “Tingin niyo po ba masamang bata ako?” Sinalubong ko ang mga mata niya. “Ikaw siguro hindi, dahil ano ba ang kaya mo? Sa ngayon wala pa, pero hindi ko alam ang binabalak ng taong nagdala sayo dito?” Para akong tinakasan ng kulay sa mukha. Ilang beses akong kumurap. Buko na ba ako? “Gusto ko lang makatapos ng pag-aaral sister Marites, kung hindi ako pwede dito, sabihin niyo lang po sa akin, aalis oramismo.” Tumayo ako at yumukod sa kanya. Hindi na ako nagsalita pa na siyang ikakapahamak ko. “Ang nanay mo ba ang dahilan kaya mo ito ginagawa?” Napatigil ako sa pagbukas ng seradura. Para akong binuhusan ng isang balde na puno ng yelo. Ilang beses akong huminga ng malalim. Mariing pumikit. Bago ko hinarap ko ko si sister Marites ulit. “Gaya ng sabi ko Sister Marites, hindi ko alam ang sinasabi mo.” Agad kong binuksan ang pintuan at mabilis na isinara iyon. Napasandal ako doon at mariin pumikit. Alam na ba niya ang pakay ko? Paano?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD