Nasa hotel lobby ako, iniisip ang unang pagkakataon na nagkita kami ni Elise—sa sementeryo. Isang malamig na hapon, tahimik kaming nagkasalubong habang bumibisita siya sa puntod ng mahal niya sa buhay. Hindi ko makalimutan ang lungkot sa mga mata niya, at doon ko unang naisip na iba si Elise. Iba ang dating niya sa akin. Matagal ko nang pinaplano ang gabing ito. Ngayon, magkikita kami nang walang sagabal, walang clinic na may ibang tao o sementeryong malamig at puno ng alaala ng nakaraan. Ngayong gabi, kami lang, at ito ang tamang oras para sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. Pumasok si Elise sa lobby, at kahit madilim ang ilaw, kitang-kita ko ang ganda niya. Bumilis ang t***k ng puso ko. This was it—ang chance kong ipakita kay Elise na ako ang dapat niyang piliin, hindi si Ally. Pero

