Chapter 24: Hinala

1839 Words

Pag gising ko, ramdam ko pa rin ang bigat ng mga mata ko mula sa ininom kagabi. Hindi ko na kinibo si Elise simula pa kanina, wala rin akong gana pumasok. Simula kagabi, sunod-sunod na ang mga sermon niya sa akin dahil sa pag-inom ko, at ngayon, wala akong balak makipagtalo pa. Tumayo ako, dumiretso sa kusina, at kumuha ng malamig na tubig, hoping na kahit papano mabawasan ang sakit ng ulo ko. "Ano, hindi ka papasok?" tanong ni Elise mula sa likod. Hindi ko siya pinansin, pinili kong wag na lang sumagot. Pero hindi siya nagpaawat—hinatak niya ang braso ko, paharap sa kanya. "Wala kang balak kausapin ako?!" Mataas na ang boses ni Elise, halatang mainit na rin ang ulo niya. "Wag mo akong tataasan ng boses," sagot ko ng mahinahon, pilit na pinipigilan ang sarili ko. "Bakit ka nag gaganyan?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD