Nakaupo ako sa gilid, sinusubukang wag isipin si Ally at Elise. Tumingin ako kay Danica, na tila sobrang saya sa paligid, at napansin kong parang mabigat ang mga iniisip ko kanina. Pero ngayon, hindi ito ang oras para mag-alala. Andito kami para mag-enjoy. "Monica! Ikaw na!" sigaw ni Danica, kitang-kita ang excitement sa mukha niya. Tumayo ako at huminga nang malalim, pilit na kinakalma ang sarili. "Kaya ko 'to," bulong ko sa sarili, kahit alam kong medyo kinakabahan ako. Naisip ko agad: elepante. Kailangan ko ng hayop na malaki at madali nilang mahuhulaan. Ginaya ko ang bigat ng hakbang ng elepante, mabagal at bumibigat ang bawat yapak. Itinaas ko ang mga kamay ko at ginamit bilang 'trunk.' Agad-agad tumawa ang mga kasama ko, lalo na si Danica, na halos maluha na sa kakatawa. "T-Rex

