Pagkatapos ng intense na camp, parang bumalik na ang lahat sa dati. Nakaupo kami ni Ally sa cafeteria, habang binabanatan namin ang paborito naming combo meal—burger at fries na may extra cheese. “Ally, naisip mo na ba kung anong gagawin mo bukas sa game mo?” tanong ko habang kumukuha ako ng fries sa tray ni Ally. Hindi na siya nagrereklamo—sanay na siya sa pang-aagaw ko ng pagkain. "Bakit, gusto mong mag-suggest?" sagot ni Ally, sabay tingin sa akin ng may smirk na alam kong pang-asar. "Oo naman! Siguro, kapag bola mo na, pwede kang mag-cartwheel papunta sa basket! Siguradong viral 'yun!" tawa ko. Napatawa rin si Ally, pero sabay pakawala ng sarkastikong, "Wow, Elise. Sure na sure akong matutuwa 'yung coach sa idea mo." "Naku, sigurado 'yun! Malay mo maging bagong strategy ng team!"

