Kinabukasan, ako na ang maglalaro. Nasa gym na kami, at ramdam ko ang kaba ni Elise kahit hindi niya sinasabi. Nang makarating kami, diretso na siya sa upuan malapit sa grupo ko. Kitang-kita ko kung paanong pumili siya ng spot na sakto lang ang distansya para madali niya akong mapuntahan kung sakaling may kailangan ako. Sweet talaga si Elise, laging nandiyan para sa akin. Habang nag-aayos kami ng jersey, naramdaman ko ang mga mata niyang nakatutok sa akin. Hindi ko mapigilang ngumiti kahit pa medyo tensyonado na rin ako. Pucha, championship game na ‘to. Pero ang weird—hindi ako kinakabahan sa laro mismo. Mas kinakabahan ako dahil alam kong kinakabahan si Elise para sa akin. Ayoko siyang alalahanin, pero hindi ko rin maiwasan. "Hoy, Ally, okay ka lang ba?" tanong ng isa sa mga kakampi ko,

