--
Sa mga sumunod na araw, gawa ng pagtatatag namin ng relasyon ni Kyle, mas napadalas ang pagsasama namin. Madalas itong bumisita sa bahay tulad ng pinangako nito kay Daddy na sa bahay bibisita ang manliligaw kuno. Talaga rin namang sinubukan ng bianta na kunin ang loob ng mga magulang ko. He started by simply trying to blend in the family. More often, Kyle includes himself in every activity especially when it terms to helping my parents in house chores.
Tuwang- tuwa noon si Daddy gayong aniya, minsan niya rin pinangarap na magkaroon nga raw ng lalaking anak pero hindi ipinagkaloob. Sa parehong pagkakataon, ipinaliwanag ni Daddy na masayang-masaya rin siya buhat noong ipinanganak ako. Isang bagay na naa-appreciate ko lalo pa't dama ko ang pagmamahal nila sa akin noon pa man.
Mabilis lang na lumipas ang mga araw. Nariyan na rin na unti-unti pa naming mas nakilala ni Kyle ang isa't-isa. Isa na roon ang pagkahilig nito sa mga babasahin na mayroong mga karakter na drawing. Bukod pa roon, yung kung tawagin nilang mga Anime ang hilig din na kolektahin ni Kyle. Tila mula roon ang ugat ng pagkahilig niya sa pag guhit.
Nagkaroon na rin kami ng pagkakataon na ipakilala ang isat't isa sa kani- kaniyang mga magulang at nakakatuwa rin naman na walang naging problema sa magkabilang panig. Lalo lalo na sa parte ko gayong inisyal na inaasahan ko ang pag tutol nila Daddy ngunit animo'y malaking bagay ang paglalakas loob ni Kyle na mag paabot ng intensyon nito sa akin.
Inabot din ng dalawang linggo bago kami nagkalakas ng loob na ipaalam sa mga nasa paligid namin ang patungkol sa relasyon namin. Kabilang na roon si Lavinia na sa tingin ko naman ay walang ganong problema nang malaman ang balitang iyon. Isa pa sa inalala ko noon ang nag iisang kaibigan ko na iyon.I expected her to be upset, but to my surpirse, Lavinia casually congratulated us and didn't even dare to frighten Kyle like she usually does. Yun nga lang napansin ko na sa unang mga araw ay medyo naging ilap ang dalaga sa akin.
Not until I tried to talk to her when I got the chance. Nang sandaling masolo ang dalaga, kinompronta ko ito at malamig na paliwanag lamang nito ang pagtatampo nga niya ika. Ipinagbigay alam niya sa akin na medyo nagtampo siya gayong biglaan ang mga pangyayari at tila hindi ko raw siya kinonsulta sa bagay na iyon. Idagdag pa ang pagpapalipas ko ng araw bago niya pa mapag alaman ang tungkol sa amin ni Kyle.
Humingi ako ng paumanhin sa dalaga at di rin naman natiis ni Lavinia kaya't madali lang niya akong napatawad. Aniya pa, hindi ito sanay magkaroon ng kaibigan at unang una ako sa lahat kaya naman ganon na lang din siya kaemosyonal nang malamang hindi ko siya agad nasabihan. Tila ba para sa kaniya, hindi ganon kalalim ang tingin ko sa pagkakaibigan namin na agad ko namang naunawaan ang pinanggagalingan.
Gayon pa man, pinarating nito na masaya siya lalo na kung personal na kaligayahan ko rin ang pinag uusapan. Tila kinurot naman ang puso ko sa komentong iyon ng aking kaibigan. Biro pa niya na hindi pa rin siya wawalay sa amin at kahit pa kami na ni Kyle ay magpapatuloy pa rin ito sa pag babantay sa mga aksyon ng binata. Doon pa lamang ay tanggap ko nang hindi ganoon basta basta magkakasundo ang dalawa kaya't hinayaan ko na lang ang gusto ni Lavinia. Hindi naman niya siguro bubugbugin o pahihirapan itong si Kyle hindi ba?
Madalas din kung kami'y lumabas noon ni Kyle lalong lalo na matapos ang buong linggo ng klase. Malimit na gawain namin ang mag practice sa pag guhit. Iyon na rin kasi talaga ang parehong bagay na nagkakasundo kami at natutuwa rin naman akong mas natututo pa lalo na at tinuturuan ako ng aking kasintahan. Malaking bagay sa akin na hindi lang ako nag e-enjoy kung hindi ay natututo rin ako at napapalawak pa ang talento ko.
Unti-unti ring natutuklasan ng binata ang iba pang mga bagay na nakakahiligan ko bukod sa pag guhit. Nariyan at may isang pagkakataon kung saan may nakita itong akda ko noong time na nasa bahay siya. Hindi ko sigurado kung siya lang bang mag isa ang nakahanap noon o baka iprinesenta nitong si Mama. Tingin ko naman ay may parteng si Mama ang may gawa noon gayong patago rin akong magsulat at madalang lamang akong magpa basa gayong medyo hindi ako confident sa talento kong iyon.
Kyle, on the other hand, made me feel visible, particularly in terms of the hobbies I find interesting on a daily basis. Hindi rin ito naagkulang sa pagpaparamdam sa akin ng mga espesyal na bagay. He really made sure that he is keeping his promises like what he said when we started dating.
Mayroon ding mga pagkakataon sa school na nagiging sentro kami ng usapan. Hindi na rin ako nagulat gayong masyadong kilala tong boyfriend ko sa Caceres. Paanong hindi eh napaka friendly nito noon pa naman. Though hindi naman ckami talk of the town pero nariyang nakaririnig kami ng mga pang aasar sa mga kapwa namin estudyante. Noong una ay talagang ilang na ilang din ako ngunit nasanay na rin. Maging sa tawagan namin ni Kyle na mismong siya ang nakaisip, nariyan at nasasanay na rin ako roon.
Samantala, Biyernes ngayon at huling araw na ng pasok bago ang dalawang araw muli na pahinga. Kasama ko si Lavinia dahil pinangakuan ko itong sasamahan sa pagbili ng mga art materials gayong naubusan na raw ito. Isisingit na rin namin ang pagba- bonding dahil hindi ito makakasama sa lakad sana naming tatlo nila Kyle kinabukassan.
Aniya, bukod sa may kailangan siyang asikasuhin, ayaw niya raw maging third wheel at higit sa lahat batid nitong hindi matatahimik ang kahit anong lugar kung magkasama sila ni Kyle. Sinang ayunan ko naman ito ngunit mayroon pa ring parte sa akin na nanghihinayang gayong masaya siyang kasama kahit pa madalas silang magbungangaan ni Kyle.
"Love, mauuna na akong umalis ha? Pupunta ako sa studio ni Kuya Iver. May hihiramin kasi ako at saka baka ma-late ako ng uwi. Pinipilit ko kasi si Kuya Iver turuan pa ako pero mukhang nang gigigil na siya sa akin," dinig kong tinig ng aking nobyo na siyang nagpalaya sa akin sa sariling isipan.
"Okay, basta magsabi ka rin sa kanila Tita. Hahanapin ka na naman nila sa akin pagka kulit-kulit mo di ka nagpapaalam ng maayos," tugon ko naman sa binata. Tumawa lang ito at maya-maya pa nga ay lumapit sa akin. Sinalubong ko ang pagyakap nito at ilang sandali lang, naramdaman ko ang marahang pag dikit ng labi nito sa mga pisngi ko. Matatandaan ko namang katabi lang namin si Lavinia na mabilis na nagtakip ng mga mata nito.
"Ano ba naman yan ang sakit sa mata. Sheesshh! Doon nga kayo next time," mapait na tono ng dalaga na nadagdagan pa ng iilang mga komento sa paligid. Nariyan na nama nga at nagsimula na naman ang mga asaran mula sa mga kaklase namin.
"Ganyan ka kaharot, Kyle? Alam ba ni Sir yan? Jusko sana all, Nukk! Sana all may jowa!" gatong ni Stef. Natawa naman ako noon.
"Manligaw ka na rin kasi! Para hindi ka naiinggit di ba? Madami ka namang chix. Mas marami ka pa ngang chix sa mga boys natin sa room!" pang aasar pabalik ni Kyle na siyang nagpa simula ng malakas na tawanan sa classroom. Lately, itong dalawang to ang nag kakasagutan. Kahit papano'y nagbibigay aliw sa aming silid.
Matapos ang ilang sandaling pag lolokohan, nagpaalam na rin sa isat-isa ang mga kaklase ko. Isa na roon si Kyle na sa huling beses ay yumakap pa sa akin. Kinalabit naman ako ni Lavinia na handa na ring umalis noong sandaling iyon.
"See you tomorrow, Love! Chat mo ako kung nasaan kayo ha? Try kitang ihatid kung matapos kami agad ni Kuya Iver," ani Kyle na mabilis kinontra ni Lavinia.
"Ssshhh! Sige na umalis ka na masamang espirito. Magpakasaya ka, ako na ang maghahatid sa kanila. Mas close kami ni Tita kaya mas katiwa- katiwala ako," saad naman ni Lavinia na hindi talaga mapigilang makipag kompetensya sa lalaki. Though I know she meant it as a joke. She really has the habit of making this guy's blood boil. Nagtagumpay naman siya nang nag attempt pang gumanti itong si Kyle na agad ko rin sinaway.
"Love sige na. Kaya na namin to. Mag iingat ka at mag iingat din kami," pang gigitna ko sa dalawa. Madali ko naman napasunod si Kyle at sa huling beses, yumakap ito bago tuluyang naglakad palabas ng silid.
Matapos ang maliit na tagpong iyon, nahuli ko ang tila nang huhusgang titig ni Lavinia. Sinenyasan ko pa ito ngunit inirapan na lamang ako bago tuluyang naglakad din papalabas ng kwarto. Umay na umay na rin siguro ano? Di bale na lang din at nagpatuloy na kami sa pag buo ng araw namin sa labas ng paaralan.