Chapter 30

1563 Words
Kinabahan ako agad sa ideyang iyon ng aking nobyo. At the same time, may kung ano roon na tila nakagalaw sa aking puso. He would really do that? This guy right here huh? In game na in game sa pag iinvest na siya pa lalong nagpa conscious sa akin. Noon ko rin naman napagtanto kung kailangan ko rin bang gawin ang mga balak niyang gawin? To be honest, I wasn't really prepared for all of this. Who would know that everything will work swiftly between us? Nabibilisan ba ako o nagmamadali lang si Kyle? Hindi naman siguro? "Kung okay lang naman sa iyo. Huwag kang mag alala dahil mababait naman ang mga iyon. Hindi ka naman siguro paglalabahin ni Mama no," aniya na bahagyang nagpakalma sa dibdib ko. Sa parehong sandali ay dumating din ang mga order namin. Inalalayan pa namin ni Kyle ang mga iniaabot na pagkain ng crew na nauna nang kumuha ng order namin kanina. Nang mailapag nito ang lahat ay saka rin nagpaalam umalis at taos puso naman naming pinasalamatan ni Kyle iyon. We also dig in as soon as the crew left our table. Nagawa ko pa ngang sumilip sandali sa selpon ko na may iilan ng mga mensahe galing sa mga magulang ko. Saktong- sakto lang din ang pagmamadali naming kumain dahil wala naman sa plano ang lahat ng ito para sa araw na ito. Kailangan kong magpaliwanag nang maaayos mamaya pagkauwi dahil. Dito na pumasok ang iniisip ko kanina. Siguro ay mas mabuti na rin ngang magsabi ako agad sa mga magulang ko gayong nag paalam din naman si Kyle sa paghatid sa akin. Magandang pagkakataon na rin iyon para maipakilala siya at tingin ko rin hindi naman pagmamadali ang ideya ni Kyle. Isa pa, mas mabuti na iyon dahil hindi ko rin naman gustong magtago sa mga magulang ko. Hanggat maaari talaga ay gusto kong maging bukas na libro sa kanila gayong naniniwala naman akong malaki ang tiwala nila sa akin. There is no reason for me to hide, hindi nga ba? "Wag mo masyado madaliin, Kyle..." pabagal na saad ko nang biglaang matain ng kasama. Mabilis kong binawi iyon at dumagdag pa, "L-love. Pasensya naman." Mabilis ding bumawi ng matamis na ngiti ang binata sa salitang narinig nito. Ang galing lang eh no? Kuhang-kuha akong bantaan ng lalaking ito sa titig pa lamang. Kung sa bagay, practice na rin at nang sa paunti-unti ay matanggal ang awkwardness. "Ayun! Fast learner talaga ang girlfriend ko. So ano? Payag ka ba? Papakilala kita ha? Pero syempre kay Kuya muna," balik ni Kyle na tila hindi naman narinig ang huling hinabilin ko sa kanya. Sunod-sunod ang pag subo nito ng pagkain sa harapan. Ako naman itong nag aalala na baka bigla siyang mabulunan. Mahirap na lalo pa at wala akong alam sa pag fi-first aid, nako lang ha? "Oo na sige na pero dahan dahan sa pagkain. Baka mabulunan ka. Paano kita maipapakilala mamaya paghatid mo sa akin," kaswal na bati ko nang bigla ko na lamang marinig ang masakit na tunog ng pag ubo ng kasa-kasama ko. Teka? Teka? Anong nangyayari? Halos iluwal ng binata ang kinakain nito. Agaran ko naman inaksyunan ang sitwasyon sa pagbibigay ng tubig na hindi ko rin naman sigurado kung may posibilidad bang mainom niya iyon gayong hirap na nga ito sa pagkakasamid. Mabuti na lang at inabot niya rin ang tulong ko at marahang sumimsim doon sa baso. Alalang alala naman ako na umabot sa puntong tinabihan ko na ito para hagurin ang likod at paulit ulit na tanungin kung ayos lamang ito. Ilang minuto rin ang lumipas bago tuluyang nakabawi si Kyle. "Ayos ka lang? Gusto mo pa ba ng tubig? Kuya! Kuya! May tubig pa po ba kayo?" alalang tanong ko na palipat-lipat ang atensyon sa dalawang lalaki roon. Sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko pang sumesenyas si Kyle sa akin na tila ayos na ito. Hindi pa rin ako nagpakampante noon dahil hindi biro ang tunog ng pagkakasamid niya. Maya-maya lang din at lumapit ang lalaki na may hawak na tubig at tissue na mabilis niyang inabot sa akin. "Sabi ko naman kasi sayo dahan- dahan lang at masasamid ka! Tignan mo na nga ba sinasabi ko," pag aalala ko. "Hindi naman ako nasamid doon, l-love. Medyo nagulat lang ako," bawi ni Kyle. "Medyo? Tignan mo nga sarili mo. Halos ilabas mo ang lahat ng kinain mo," ani kong pabalik habang sinusubukang punasan ang bibig nito buhat ng pag aalala. Di pa natigil sa paghagod ang kamay ko sa likuran ng aking nobyo. "Ikaw kasi eh! Ginulat mo ako. Hindi ako prepared sa sinabi mo. Ikaw kaya biglang anunsyuhan na ipapakilala sa pamilya? May natatago pa naman akong kaba, Nukk. I mean oo gusto kitang ipakilala pero meadyo nagulat naman ako ngayon na as in mo ako ipapakilala. Tignan mo naman yung suot ko?" purong pag aalala ng binata. Saglit pa akong napasilip sa suot nito. I even scanned him from top to bottom kahit pa nakaupo kami. Wala naman akong nakikitang mali sa suot nito ngunit kung issue sa kanya iyon ay hindi naman malaking bagay sa akin. "Anong problema sa suot mo? Ayos ka naman eh?" wika ko. "Huy anong ayos? Nakakahiya sa parents mo mukha akong palaboy. Hindi na ako saing pogi nung kaninang umaga. Baka sabihin nila Tito at Tita, Nukk, Bakit naman ganyan ang boypren mo? Naliligo ba iyan?" eksaheradong balik ni Kyle ngunit tila seryoso siya roon. Umiling naman ako dahil hindi naman siguro mag re-react ng ganon ang mga magulang ko. May punto siya pero tingin ko naman ay walang kaso iyon sa kanila Mama. On the other hand, if Kyle isn't comfortable with that, then I'll let him be. May ibang pagkakataon pa naman siguro para roon ngunit hindi nga lang ako matatahimik agad dahil tila pagsi sikreto pa rin ito hanggat hindi napapaalam sa mga magulang ko. "Okay, sige. Basta sa susunod ha," ani ko. Awkward namang ngumiti si Kyle noon at hindi ko na dinugtungan pa ang sunod na mga tagpo. Sa halip, ibinaling namin ang buong atensyon sa pag ubos ng mga pagkain namin nang sa gayon ay makauwi na rin kami. Mag a-alas syete na rin kasi at hindi rin ako sanay na umuwi ng ganoong oras. --- "Good evening po, Tita. Hatid ko lang po si Nukk. Pasensya na po at ginabi kami. Kumain lang po saglit sa labas," sabi ng binata bago tuluyang magmano sa kanila Mama. Pumasok naman ako noon at saka tumabi sa kanila Daddy. "Salamat sa paghatid kay Nukk. Ikaw ba sigurado kang ayos lang sa iyong ginabi ka? Hindi ka ba papagalitan ng mga magulang mo, Kyle?" balik ni Daddy habang iniaabot ang kamay nito sa lalaki. Tulad ng sabi ko kanina, nagmamadali rin kaming kumain ni Kyle gayong iniisip namin ang oras. Mabuti na lang din at natapos kami agad at napakiusapan namin ang tric driver na ihatid kami ng mabilis pero nag iingat pa rin. Bago pa pumatak sa alas syete ay narating na namin ang tapat ng bahay namin. Sakto naman na nag aabang sa labas sina Mama at Daddy na inabutan pa naming nagkakape. "Naku po Tito ayos lang po. Nagpaalam din po ako pagkatapos namin nagpaalam sainyo ni Nukk kanina sa tawag. Salamat po sa pag aalala," saad ng aking nobyo. "Sa susunod, dito kayo sa bahay mag ligawan ha? Ayos lang naman sa amin pero wag magpapagabi masyado sa labas. Naiintindihan niyo ba ako?" ani Daddy na nagpalaking pareho sa mga mata namin ng kaedad na lalaki. "Ito talagang Daddy mo. Malay mo naman magkaibigan lang talaga. Osya na, baka gusto mong dito na rin mag hapunan, Kyle? Ipagtatawag na lang kita ng Tric sa kanto," imbita ni Mama na agad namang kinontra ni Kyle. Sa lagay ngayon ay tila ba hindi si Kyle ang kaharap ko gayong animo'y bakas sa binata ang pagka intimidate. Im not sure kung dahil ba sa tanong ni Daddy kanina o baka buhat na rin ng paglilihim namin ng pansamantala. Gayon pa man ay nakikisama pa rin ito. "Naku po, Tita. Sa susunod na lang po siguro. Uuwi na rin po ako. Pasensya na po Tito kung ginabi kami. Hayaan niyo po, sa susunod ay sa bahay na po ako manliligaw at hindi po ako titigil na manligaw sa anak ninyo," lakas loob nitong pag amin na siya namang biglaang ikinaluwa ng mga mata ko. Hindi ko na rin talaga alam kung paano ang takbo ng isip nitong si Kyle paminsan-minsan. "Mabuti na yung malinaw. Lalaki sa lalaking usap yan ha Kyle? Gusto ko yang tapang mo," balik ni Daddy habang sinubukan nitong guluhin ang buhok ng binata. Narinig ko pa ngang tumawa noon si Mama habang ilang na tawa lang ang naigawad ko. "A-actually kinakabahan po ako, Tito. Pero tingin ko naman po ay mas mabuti na yung alam niyo rin po at malinis naman ang intensyon ko,' wika ni Kyle na halatang halata sa boses ang intimidasyon. Ganoon na lang din at nagpaalam itong muli bago nagpatuloy sa daraanan. Hanggang sa malayo ay tanaw naming tatlo ang hindi matapos-tapos na kawayan nila ni Mama. Ako naman itong nakangiti sa animoy maliit na selebrasyon ng pag i-initiate na iyon ni Kyle. He is just really good at it. "Gusto ko yung bata na yon," ani Daddy. "Nakakatuwa nga talaga," dagdag naman ni Mama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD