Chapter 29

1322 Words
-- Minuto lamang ang pagitan bago kami tuluyang nakapasok sa kainan. Agad din kaming pinansin noong crew doon at saka tinuro ang ilang bakanteng upuan. Tinungo namin ang medyo tagong pwesto nang sa gayon ay hindi kami madaling ma- conscious. Sa sandaling makaupo ay binigyan kami ng kopya ng mga pagkain doon at wala naman kaming sinayang na oras dahil mag gagabi na rin. Hinikayat ko noon ang nobyo na subukan ang mga burger doon at bukas loob naman niyang pinili ang rekomendasyon ko. "Pwede ko na po ba makuha ang order ninyo?" "Opo Kuya, bale isang Bacon Burger with extra melted cheese po. Isang order ng Nachos at Fries saka po padagdag na rin ng anim na piraso ng wings honey glazed," tuloy- tuloy na saad ni Kyle. Habang sinasabi niya ang mga iyon eh tamang nakatitig lamang ako sa kanya. Wala lang naman. Ewan ko ba at hindi mapag kakaila na nakakadagdag sa appeal nitong taong to ang maayos niyang postura. Bukod sa maayos na built ng katawan nitong si Kyle, ang less effort nitong confidence ang lalo pang mas nagpapalakas ng appeal niya. "How about drinks po, Sir? Marami po tayong pagpipilian from coffee to juice," saad ng crew na humahawak sa table namin. "Lemonade na lang siguro sa akin. Itong girlfriend ko na napaka ganda ang tanungin mo Kuya," ani Kyle habang suot suot nito ang pinaka malawak niyang ngiti sa araw na ito. Medyo nahiya naman ako noon gayong nagawa niya pa talagang sabihin iyon. "Miss ganda, ano pong drinks ninyo? Mukhang hulog na hulog po itong si Sir sainyo ah?" ngisi ng crew na animo'y dadagdag pa sa pangangantyaw. "Kyle, sira ka talaga. B-bale ano kuya, salted caramel macchiato na lang po sa akin. Huwag niyo na po pansinin tong sinabi ng kasama ko," pag papaliwanag ko. Inilista naman agad ni Kuya yung order ko habang patuloy pa ring nae-entertain sa pag banat nitong si Kyle. Tuwang-tuwa rin talaga e no? "Repeat order ko lang po ha? Bale isang Bacon Burger with extra melted cheese. Isang order ng Nachos at Fries, six pieces Buffalo wings honey glazed flavor, lemonade at Caramel Macchiato," mahabang paliwanag nito. Tumango lang kami noon ni Kyle. "Thank you po. Fifteen minutes po ha? Enjoy po kayo," paalam noon ngunit muli pang natawa gayong nakakasingit pa ng mga banat ang binata na mabilis ko namang sinusuway. Bago-bago pa lang kami at aaminin kong medyo naiilang pa rin ako lalo't nasa publikong lugar kami. Ayos lang naman pero ang kaso sa akin ay tila ba nangangapa pa rin ako sa ganoong bagay ngunit kaswal na kaswal lamang iyon para kay Kyle. Nakakakilig oo pero mayroon pa rin sa akin ang medyo nahihiya sa ganoong interaksyon. "Ito naman wala pa man kinakahiya na ako," tila nagtatampong saad ng aking nobyo. Animo naman ay nag init ang tenga ko matapos banggitin ang nobyo ko. Kainis! Ano bang nangyayari sa akin. "Hindi naman sa ganon, Kyle. Ano lang... syempre hindi lang ako sanay," balik ko na lilingon-lingon pa sa paligid. Minamata kung may nakakarinig ba sa amin ngunit mabuti naman at wala. "Para namang ngayon lang ako bumanat sa iyo. Isa pa yan, parang hindi ko tanggap na Kyle pa rin ang tawag mo sa akin at Nukk pa rin ang tawag ko sa iyo." Sandaling tumigil ang lalaki at iniangat ang daliri nito patungo sa kanyang baba. Tila ba nag iisip. Ano na naman kaya ang pumasok sa isip nito? "Ano pala dapat ang tawag natin sa isat-isa? Eh iyon naman talaga ang mga pangalan namin," inosenteng saad ko gayong wala akong ideya sa nais nitong iparating. Maya-maya lang, wika nitong muli, "Huwag ka munang maingay. Nag iisip ako ng call sign natin." "Call sign? Ano naman yon at para saan iyon?" "Tawagan natin bukod sa pangalan natin! Naririnig ko sa mga kaklase natin na may mga jowa yon. Parang baby, mahal, sugar plum, buhay ko-" hindi ko na nagawa pang patapusin ang binata gayong nakornihan ako sa mga salitang iyon. Walang halong biro dahil sino ba naman ang nasa katinuang mag babanggit ng mga ganoong klaseng tawagan? Seriously? Baby? Ano kami? Sanggol? Idagdag mo pa yung buhay ko raw. Masyadong dependent ang tunog noon. Ayoko namang maging ganoon ang takbo ng relasyong ito. Kahit pa sabihing masyado pang maaga, sa totoo lang ay nawa, hindi umabot sa ganoong punto. "Hindi ba pwedeng mga pangalan lang natin? Ako si Nukk, ikaw si Kyle? Yun naman talaga di ba?" pagputol ko sa kanya. Hindi naman halatang unang beses ko pa lang hindi ba? Ganito ba talaga ang pakikipag relasyon? Unang stage pa lang eh tila kumukuyom ang mga palad ko't namamawis sa ganoong ideya. Di pa man kami nakakabuo ng isang araw. Halos oras pa nga lang ang nakakalipas at tila away na agad ang bumubungad sa amin. Though hindi naman ito mako-consider na malaking away ngunit ang pagtatalo sa bagay na ito ang tingin kong maglalagay sa amin sa alanganin pamaya-maya. Naaamoy ko na ang pagiging matampuhin nitong lalaking ito. "Nukk, hindi pwede! Susunod tayo sa standards okay? Ano kinakahiya mo na ba talaga ako agad?" ani Kyle na unti-unti nang sumisimangot ngayong hindi nakukuha ang gusto. "Kyle, pwede bang mag isip ka ng iba? Wag naman yung mga yon. Seriously? Sugar plum? Kahit mga langgam e iirap doon," pagpo protesta ko gayong hindi talaga katanggap- tanggap para sa akin ang salitang iyon. "Huy grabe ka naman maka-judge! Pasintabi naman sa ibang couple na ganoon ang tawagan, Nukk! Ito naman, osige nga ikaw na lang ang mag isip? Ayaw mo ba yung mahal?" pagba- bargain pa ng aking nobyo. Ayan na naman at muli na naman akong napangiti sa sarili kong ideya. "A-ayaw ko yun. Masiyado namang... alam mo yun? Parang ang lalim. Ang OA? Isip ka pa ng iba. Ikaw na lang ang mag isip tutal ikaw ang may gusto ng Call sign na iyan," mahabang paliwanag ko naman. Sa totoo lang, naririnig ko madalas ang ganitong tawagan at sa tuwing dumadaan ang mga salitang iyon sa tenga ko, di ko maiwasang mapangiwi. Hindi ko alam kung dahil ba tagalog iyon kaya medyo korni pakinggan para sa akin o dahil hindi ko pa ganong nae- experience ang intensity ng salitang iyon. May something lang talaga minsan sa mga tagalog words na medyo lightweight ang dating kapag nasa English na na termino. "Anong OA? Ang sweet nga ng Mahal ko! Porke tagalog nako- kornihan ka na ha. Pilipino ka uy," bansag niya. Medyo nahiya pa nga ako noon dahil tila dinuduro nito ang pagkahiya ko sa salitang iyon. Bawi ko naman tulad ng inisyal na palaisipan, "May mga words lang talaga na magaan pakinggan pag English, Kyle. Isa na yung word na yan lalo na kung gagamitin for sweet purposes." "Hmm, kung ganoon, edi Love na lang ang tawagan natin. English iyon at hindi pa mahaba bigkasin. Ano sa tingin mo?" pangungumbinsi ni Kyle. Napaisip naman ako roon at madali niya akong nakuha roon. Totoo naman ang sinabi niya. Madaling i-pronounce at hindi ganon ka-corny sa tenga pakinggan. Gayon pa man, medyo ilap pa rin ako ngunit pinayagan ko na. Ang hindi ko lang talaga maintindihan ang labis na kasiyahan ng tao sa harapan ko. Ganon siya ka-invested no? Pakiramdam ko tuloy ay hindi ako nakakapag ambag ng kaparehong amount ng passion katulad ng ini-invest nitong si Kyle. Ang aga pa masyado para sa pag da-dalawang isip hindi ba? "Love, Nukk. I know what you're thinking. Okay lang ha? Naiintindihan ko na bago lang sa atin at baka nga medyo nako kornihan ka pa. Hayaan mo lang ako, okay? Let's both try," ani ng binata na kinagulat ko naman. Paanong nakaramdam iyon? Muli itong nagsalita, "Hayaan mo lang ako. Excited lang kase talaga ako at sobrang saya ko. Ang totoo nga nayn, pag uwing pag uwi ko pa lang ay ibabalita ko na agad sa kanila Mama. A-uhm, y-yun ay kung okay lang sa iyo?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD