Chapter 8

2691 Words
Hindi ko naman inaasahan na makakarating ako agad sa amin. Ilang sandali lang at huminto na ang tric at nakuha ko lamang makatapos ng apat na kanta. More or less, twenty minutes din ang byahe mula sa bayan pauwi sa amin. Inabot ko agad ang bayad at saka nagpasalamat kay manong. Sinuklian lamang ako noon ng ngiti bago nito muling paandarin ang minamanehong motor. Sakto naman at inabutan ko si mama na nag aayos ng basura sa tapat. Kahit siya ay nagulat dahil hindi nito inaasahang nakauwi na rin pala ako. "Ma, mano po," ani ko sabay abot ng kamay ng magulang. "Ginabi ka ata? Madaming ginawa sa school? Kamusta pagpasok mo kaninang umaga?" Hindi lang iyon ang mga tanong na ibinato niya. Habang nag sasalita, nagsimula na rin kaming maglakad papasok sa loob upang doon na ipagpatuloy ang kwentuhan. Pagdating sa sala, ibinaba ko muna sandali ang mga gamit ko roon upang diretsuhin na rin ang kusina para kumuha ng baso ng tubig. Nang mahimasmasan sa uhaw, binalikan ko rin si mama para sagutin ang naiwang tanong ni mama. Inabutan ko naman siya roon sa sala na mahinahong nakaupo at kabubukas lang ng telebisyon. "Muntik na akong hindi papasukin kanina dahil na-late ako Ma. Naligaw kasi ako hindi ko alam saan bababa. Buti na lang may nagsakay sa akin na matanda papasok tapos nataon pa na may anak siyang nagtuturo roon. Tinulungan ako nung mama na makapasok, mabuti na lang pinayagan na rin ako at saka sinamahang nung anak niyang teacher… na adviser ko rin pala," tuloy-tuloy kong kwento. Siguro kung hindi abala sa panonood si mama, sumigaw na ito at saka ako pinagalitan. Mabuti na lang at tila nasisiyahan ito sa pinapanood at hindi na nakuha pang pansinin ang kamuntikan ko ng pagkaka absent kaninang umaga. "Ayan na nga ba ang sinasabi ko! Pero alam mo naman na kung pano papunta roon? O baka gusto mo hatid kita bukas nang makasiguro akong hindi ka male-late? Ayusin mo Nukk, baka gusto mong ihatid sundo kita araw-araw!" wika ni mama na hindi man lang nagawang ibaling ang tuon sa direksyon ko. Ganon na lang din at muli kong kinuha ang mga gamit upang dalhin sa kwarto ko. Minabuti ko nang ipagpaligan ang mga susunod na oras sa pag liligpit ng mga gamit at paglilinis ng katawan. Nang abutan ko ang pinto ng kwarto, binuksan ko iyon at dali-daling tinunton ang direksyon ng lamesa ko. Mula sa pwesto ko, mapapansin ang kawalan ng presensya ng mga naiwan kong kalat kaninang umaga. Marahil ay nakuha na ring linisin ni mama dahil bilang kilala ko siya, galit sa dumi at magulong lugar ang nanay ko. Baka naalibadbaran sa tanawin kaya't nagpasimuno na ito sa pag aayos. Mamaya pagbaba, sisiguraduhin kong makakapag pasalamat ako dahil sa effort na iyon ni mama. Samantala, habang abala ako sa pag lilipat ng mga bagong bili kong gamit, noon ko na lang ulit naalala na hindi ko pa nagagawang iwanan ng mensahe ang bagong kaibigan ko. Tama lang na ipagbigay alam ko na nakauwi na ako dahil sa ganong paraan, at least alam niyang safe akong nakarating ng bahay. Inaalala ko lang ay kung baka maka istorbo ako lalo pa't sinabi nitong may part time job siya sa lola niya. Anyways, nagsimula akong tumipa ng mga letra sa screen at nang mayari, sinend ko na rin iyon kay Lavinia. Matapos noon, nagpatuloy ako sa pagtapos ng natitirang laman ng paper bag. Isusunod ko na rin ang pagligo para naman mamayang tawagin ako sa hapunan ay maayos na ako. Ilang minuto matapos kong maisend ang message sa bago kong kaibigan ay nakita ko ang pag-ilaw kasunod ng pagtunog ng aking cellphone at nakaimprinta sa screen nito ang pangalan ni Lavinia, natawag siya. “Uy!” bati ko matapos lamang ang dalawang ring. “Mabuti naman at nakauwi ka na kanina pa kating-kati tong bibig ko na magwkento hindi ko talaga matiis yung mga tao ngayon sunod-sunod nila akong binubwuysit!” Medyo natawa naman ako ng kaunti dhail sa tuloy-tuloy niyang rant. Natuwa na rin ako dahil gnuon na siya kakomportable sakin para makapagrant s kain ng mga ganung bagay. Dito pa lang alam ko na na magtatagal tong friendship na nabubuo between saming dalawa. “Huminahon ka muna, ano bang nangyari? “ pagpapakalma kong tanong sa kaniya. “Paano ba naman bawat masalubong o makausap kong tao sinusubukan yung patience ko. Ultimo mga bagay na obvious naman na ang sagot itatanong pa, nakakapangggigil lang.” Halata mo talaga sa boses niya ang poot pero ako naman sa kabilang banda hindi ko alam kung maiinis rin ako o matatawa ako sa reaksiyon na mayroon siya sa mga taong iyon. Naiimagine ko na rin ang itsura niya habang sinasambit ang mga salitang talaga namang puno ng gigil. Kung sigurong magkasama lang kami ngayon tatawanan ko lang siya ng tatawanan dahil sa reaksiyon pa lang niya busog na ako sa kakatawa. Pero dahil sa butihing kaibigan tayo naiintindihan ko siya dahil minsan akong ganuon at syempre ia-acknowledge ko ang kaniyang nararamdaman. “Ay oo sinabi mo pa, ganiyan rin ung tricycle driver na nasakyan ko kanina sinabi ko na nga na dito nalang ang sabi ba naman dito na lang mam? Like kuya ano bang sabi ko? Haha gusto kong maging magalang sana pero nakakapanggigil rin ng very slight. “ gatong ko upang maiparating sa kniya na naiintindihan ko siya at nasa side niya ako. Ewan ko ba at parang totoo talagang nangyayati yung mga ganung sitwasyon. Ang hilig ng mga tao ngayon na mag mangmang mangamangan sa nga bagay na alam naman na nila. Hindi ko alam kung sadyang hindi nila talaga alam o sadyang wala lang talaga silang alam. Sa dami nang nangyayari sa paligid ngayon hindi na uso yung wala kang alam dahil talo ka kung nagkataon. Baka maibenta ka pa ng mga taong nakakasalamuha mo. At sa panahon na rin natin na ‘to sa ayaw mo man o sa gusto kelangan mong sumabay sa agos ng pamumuhay ngayon dahil maraming mga mapagsamantala ng mga kahinaan at mayroon rin namang mapang abuso ng mga kakayahan kaya kailangan mong maging matalino at madiskarte. Pero mabalik ako, anlayo na pala ng sinasabi ko baka nangangawit na tong kaibigan ko na to. “Naku girl! Bat ganuon mga tao ngayon subok na subok na nga ang pasensya ko gusto pang sagarin” sagot niya at ramdam ko ang pagrolyo ng kaniyang mga mata sa pagitan ng mga salitang nabanggit niya na iyon. Kahit sa maiksing panahon lamang na iyon ay pakiramdam ko matagal ko na siyang kakilala. Ilang sandali pa matapos namin ibuhos ang mga rants sa buhay ay nagpaalam na siya na babalik na sa kaniyang part-time job at ako naman ay bababa na upang maghapunan. May kung ano naman sa katawan ko na sinapian ng katamaran at napag pasyahan ko muna na maghiga ng ilang mga minuto pa bago tuluyang bumababa. Binuksan ko ang isa sa mga socmed account ko, twitter. At bumungad sa akin ang paboritong girl group band ko na Fifth Harmony na nagsasabing may new song released sila ang title ay ‘That’s My Girl’. As in wow talaga. Lyrics pa lang ay nakakapag encourage na sila ng mga kapwa nila babae na maging independent and strong. Ang sabi pa nga sa lyrics ay “better bet you know your worth”, bongga ‘di ba. Matagal ko nang sinusubaybayan ang grupong ito mula pa lamang na sila ay nasa X-factor hanggang ngayon sa bagong kanta nila na patuloy na dumadami ay nako talagang hindi ko palalagpasin. Isa pa sa nagustuhan ko sa kanila ay ‘yung mga bonding nila together on and off stage ang cute lang tignan na dahil sa mga pangarap nila ay makakabuo sila ng hindi inaasahang friendship na dadalhin at iki-keep nila forvever. At dahil medyo natagalan na ‘ko dito napag isip isip ko na rin na bumaba na upang mag hapunan panigurado ay hinihintah na ko nila mama at baka nakauwi na rin si papa niyan. Sa hapunan, inabutan ko si mama na naghahanda na ng mga plato. Sakto naman na kararating lang ni papa kaya inabangan ko na rin sa pinto upang kunin ang kamay nito at saka para tulungan na rin ang mga bitbit nito. "Oh, salamat nak ko. Kamusta ang unang araw ng klase?" Bati ni Papa habang iniaalok din ang kamay patungo sa noo ko. "Ayos lang, may konting aberya lang Pa pero naremedyuhan din naman agad. Tara po sa kusina at maghahapunan na. Ididiretso ko na ho ito sa kwarto niyo at mauna na kayo sa hapag. Kanina pa naghihintay si mama," paanyaya ko. Tulad ng nabanggit, kinuha ko ang gamit ni Papa at saka mabilis na inakyat ang kwarto. Nang magkaroon ng pagkakataong mailagay ang mga gamit ni papa, wala akong inaksayang oras para bumalik agad sa lugar ng hapag kainan. Pagkarating ko sa lugar, sakto naman at yari na si Mama sa pag lalagay ng mga pagkain, kubyertos at plato. Hinihintay na lamang ako na daluhan sila at nang makaupo'y nag simula na rin kaming magsalu-salo. “Anong aberya nga pala ang tinutukoy mo kanina anak? “ tugon sa akin ni papa. No choice ako kundi ikwento kahit na ayaw ko pa siyang pagalalahanin. “Ah, kanina po sa Book Web Store may nakabangga po akong lalaki hindi ko naman po sinasadya na mabangga siya sa pila dahil chinecheck ko ung mga napili kong bilihin. Tapos po kasalanan rin nman niya dahil nakatutok siya sa cellphone niya kaya hindi niya naoansin na umusad na ang pila bigla na lng niya ko sinigawan kaya medyo nanliit po ako hindi ko naman sinadyan at nagsorry naman ako kaagad” mahaba kong explanation sa kanila. “Aba ang kapal naman ng mukha ng lalaking iyon! Sino siya para sigawan ng ganun ang anak ko. “ reklamo ni mama sabay naman ang pagtawa ni papa sa kabilanh banda. Napatingin kami ni mama kaniya kaagad nang may pagtataka. “Anong nakakatawa duon? Sinigawan na nga ang anak mo tumatawa ka pa? “ ani mama kay dahil tutol siya sa naging reaksyon ni papa. “Ganun talaga ang mga lalaki ngayon, akala nila ikinagwapo nila ang pagsusungit sa mga babae ngayon, tanong gwapo ba?” depensa ni papa at nakuha pang mag biro. “Papa naman” pagrereklamo ko ngunit hindi makapangatwiran kaya si mama na ang gumawa nun para sa akin. “Ano ka ba naman, hindi yun ticket para makapang bastos sila ng babae gwapo ka man o hindi magbigay respeto ka sa mga babae. “medyo pagalit na paliwanag ni mama. Bigla na namang tumawa si papa “Ma, relax ka lang nagbibiro lang ako. Oh ano ba nangyari kasunod nun anak? Sumagot ka ba? Lumaban ka? Tulad netong mama mo? “ aniya na sabay pag kindat pa kay mama na siya namang umirap sa kaniya. “Hindi po , natahimik po ako. Pero buti na lang at kasama ko yung bagong kaibigan ko pinatanggol niya po ako sinigaw-sigawan niya yung lalaki pinagsabihan niya. Ang tapang niya nga po eh” pagmamalaki kong ganun kay Lavinia. “Mabuti naman at marunong kayong lumaban pag alam niyong kayo ang naagrabyado” ani mama. “Sa susunod dapat alam mo ring ipagtanggol ang sarili mo, paano na lang sa susunod na wala kang kasama? Hahayaan mo na lang ba na ganunin ka? “ dagdag pa ni papa na para bang nahimasmasan mula sa pagbibiro niya kanina. Alam ko naman na concern rin siya hindi nga lang siya showy at mahilig niyang idaan sa biro ang kaniyang nararamdaman. “Opo, ang bait nga niya eh. Siya rin po ang tumulong sa akin kanina sa pagpasok muntik po ako maligaw at hindi makapasok sa school. “ binanggit ko na rin ang nangyari kaninang umaga. “Oh anong nangyari anak? Gusto mo ba ihatid na lang kita bukas bago ako pumasok sa trabaho? “ pag aalalang alok niya. “Hindi na po pa, okay na po medyo natandaan ko naman na po ang daan at ang mga sasakyan ko. “ tanggi ko, dahil ayoko na silang abalahin pa ni papa malaki na ‘ko kaya dapat matuto na rin ako sa sarili ko mula sa maliliit na bagay “Sige anak, basta lagi kang mag iingat ha. At pakisabi duon sa kaibigan mo na tumulong sayo salamat. Ano nga bang pangalan niya? “ tanong ni mama. “Lavinia po Ma.” Nakangiti kong sagot dahil bigla ko na lang naalala kung gaano kasarap kasama ang kaibigan. “Oh sige, bukas gagawan ko rin siya ng snack pakibigay na lang sa kaniya at ipa-abot mo na rin ang pasasalamat ko sa kaniya.” Buong pusong pang aalok ni mama. Tumango na lamang ako sabay ngiti na hakata mo ang pagkasabik mula sa narinig na mga salita sa ina at saka nagpatuloy na kami sa pag kain. May isang oras din siguro kaming kumakain at nagkukwentuhan. Wala namang bago. Tipikal na kwentuhan tungkol sa maghapon at kamustahan na rin sa trabaho ni papa at pati na rin sa naging pagkakaka abala ni mama sa pananatili sa bahay. Mag aalas otso na rin ng gabi bago kami nagdesisyong tapusin na ang salu-salo. Tinulungan ko pa si mama sa paglilinis at paghuhugas ng pinggan. Alam ko kasi ang pagod nito sa maghapon kaya ano man lang ba yung akuin ko na yung ilang maliliit na trabaho para makapag pahinga na rin siya. Inako ko na ang responsibilidad pati sa pag aayos ng lamesa. Matapos punasan ng malinis na basahan ang hapag, dumiretso na rin ako sa ref para lagyan ng tubig ang mga container ng inuminan. After ko roon, sinilip ko sandali sina mama sa sala para magpaalam na aakyat na ako sa kwarto ko. Sa pagkakaalala ko kasi may mga assignment kami para bukas at marapat lang na yariin ko na iyon. Hindi naman ako ganon kasipag pero ganon lang talaga siguro kapag unang araw ng klase. Nakakapanibago ang assignment at may kung anong sipag ang bitbit ng mga estudyante para simulan ang bagong taon ng pag aaral bilang masipag kunong estudaynte. Although I know that for the mean time, ganon ang magiging cycle pero pagdating ng ilang buwan, makukuha ko na ring tamarin. Every student knows this. Pagdating sa kwarto, kinuha ko agad yung bag ko at saka hinalukay iyon. Kinuha ko yung isang notebook kung saan nakasulat yung assignment. Matapos basahin, sinunod ko na rin buksan yung tablet ko para roon na maghanap ng mga artikulo para sa takdang aralin na kinakailangang sagutan. Hindi naman mahirap iyon. Sa katunayan, walang isang oras ay nayari ko rin siya. Dahil sa hindi pa ako inaantok, nakuha kong ilabas ang maliit na journal ko at saka nagsimulang magsulat sulat ng kung anu-ano. Nariyan pang nakuha ko ring disenyuhan ang maliliit na espasyo gamit ang mga tape, pandikit at colored markers ko. Madalas kong gawin iyon lalo na tuwing gabi bago matulog. Kapag hindi pa inaantok after ng pag jo-journal, sinusubukan ko ring gumuhit sandali ng mga bagay-bagay na laman ng utak ko sa maghapon. Sa ganoong paraan kasi parang napa- practice ko na rin ang pag e-execute ng mga imagination ko sa mga paintings at sketches. May mga pagkakataon na detalyado ang mga ginuguhit ko ngunit may mga pagkakataon din na hindi ganon kaganda. Para sa akin kasi, hindi importante ang sobrang kalidad sa araw araw na sketches, may mga time talaga na hindi maganda ang mga gawa mo. Ang mahalaga lang ay naa-appreciate mo ang mga obra at sining na produktong imahinasyon at talento ng kamay mo. Natapos ako sa pag ii-scrible sa sketch pad. Sa sandaling ito, napansin ko na lang ang sariling nakatitig sa line art na naka imprinta ngayon sa papel. Imahe iyon ng fast-food chain na kinainan namin kanina ni Lavinia. Mapapansin pa sa larawan ang detalyadong guhit ng mga poste, interior design at pati na rin ang mga taong nakadrawing sa architectural style. Matapos ang sandaling pagtitig, ibinaba ko ang lapis at saka itinaas ng bahagya ang papel. Sa isip ko, binulong ko ang salitang sa tingin ko ay babagay na titulo sa obrang iyon. "Tranquillo" ani ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD