Chapter 9

2760 Words
*Ring ring ring* Muling pag tunog ng cellphone ko sa may tagiliran ko, si Lavinia. “Oh napatawag ka ulit? May problema ba?” bungad ko. “Wala, naiinip lang ako tapos na work ko tara sa plaza? “ pang aaya niya sabay tingin ko sa orasan sa may itaas ng pinto, mag aalas-otso na rin pala. “Hala oras na baka hindi ako payagan. “ pag aalinlangan kong sagot, nakakatakot pa naman minsan tong mga magulang ko pag bigla na lang ako magpapaalam kung saan akala nila lagi akong mapapahamak. “Sige na please? Maawa ka nawa. Andito ako sa may park naka bike lang ako. “ tugon niya kaya napa isip naman ako dahil hindi naman ganuon kalayuan ang park mula rito sa bahay namin. “Osya sige teka, magpapaalam lang ako. “ pangungumpirma ko sa kaibigan. “Yeyy!! “ dinig na dinig mula rito ang kasabikan niya sa pagpayag ko. Lav talaga hindi mo mawari kung matandang sapok o isip bata rin talaga eh, but in a good way naman. Inabutan ko naman sila mama at papa sa sala na nanunuod ng tv. Dali-dali na akong lumapit sa kanila upang makapag paalam na agad. “Ma, Pa may bibilhin lang po ako sa convenience store. “ wika ko. Kaagad naman silang pumayag dahilan ng pag ngiti ko ng bahagya. “Gusto mo ba samahan na kita anak? “pang aalok ni papa na dama mo ang pag aalala niya. “Hindi na po pa, okay lang po kaya ko na po. “ sagot ko. Sabay ngumiti lamang sila bilang tanda ng pag sang ayon nila. Kaagad ko namang sinabihan si Lav at napag pasyahan namin na sa convenience store na lamang magkita. Namili muna kami ng makakain bago umpisahan ang lahat. Noodles ang napili namin at saka gatas. Habang nagpapainit kami ng tubig para sa noodles ay tuloy lang ang kwentuhan namin na para talagang matagal na kaming magkaibigan. Hanggang sa matapos kaming kumain ay hindi kami naubusan ng topics ewan ba kung dikit ang mga bituka namin dahil sadyang nagkakasundo kami sa lahat ng bagay. Hindi mawawala ruon ang mga pagkakataon na nagkakasakitan kami ng very slight sa sobrang tuwa pero hindi namin ito minamasama dahil nga siguro sa unti unti nang pagiging komportable namin sa isa’t-isa. Matapos naming kumain nilibot namin ang lugar, buhay na buhay ang lugar kahit sa gabi kaya hindi rin delikado ang mag tambay sa gabi lalo na mas mapayapa sa pakiramdam ang simoy ng hangin sa gabi at walang ganong ingay. Angkas ako ni Lav sa bike niya, may mga pagkakataong nasasabik ako sa mga itinuturo ko sa kaniya ay bigla na lang siyang ma-a-out of balance ay namumuntikan kaming sumemplang sa laki ng galaw na nagagawa ko. Panay naman ang hingi ko ng sorry sabay tapik sa likuran niya sa tuwing napapamura siya sa gulat nang dahil sa akin. “Ano ba Nukk! Isa pang galaw mo ilalaglag na talaga kita. Ikalma mo nga yang pwet mo at nang makausad tayo ng maayos” pagrereklamo niya na siya namang tinawanan ko lang. Kahit anong salita ata nito hindi ko magawang maoffend at ang gaan lang sa pakiramdam ng moment na to bilang magkaibigan. “Tawa tawa ka diyan ikaw kaya ang mag maneho at nang malaman mo kung gano kahirap at kabigat pag nagalaw ka.” Pang hahamon niya. “Naku! Hindi ako marunong mag bike,“ sagot ko na medyo nahiya naman. “What?! Sa tanda mong ‘yan hindi ka marunong mag bike? Ang ginawa mo sa childhood mo? “ gulat niyang tanong. Eh sa hindi talaga ako matuto-tuo kahit tinuturuan naman ako ni papa nuon siya pa ang nasuko sa pagpilit sa akin. “Natatakot kasi baka matumba at masugatan ako, “ depensa mo. “Hindi uso yan girl halika turuan kita,“ pang aalok niya. “Ayoko! Baka bitawan mo pa ako. “ takot talaga ako hindi ko alam kung anong kaduwagan ang bumalot sakin para simpleng pag ba-bike eh ayokong subukan. “Kelangan mo rin kasi magtiwala, tska pano kang matututo kung hindi mo susubukan? “ pamimilit ni Lav na halata mo namang naiinis na naman, bigla naman akong natakot sa babaeng to kaya matapos ang ilan pang pamimilit eh pumayag na rin ako. Hindi naman masamang sumubok baka nga pasalamatan ko pa siya ng bongga pag natuto nga ako. Nagsimula na akong sumakay sa bike at ipinwesto ang mga kamay at paa ko. “Lavina ayusin mo apg ako nasaktan dito. “ pag babanta ko at saka niya lang ako sinagot ng malakas na tawa. Sinubukan ko pumadyak sa unang pagkakataon at hindi ko pa man naisasagad ang pagkaka padyak ay naghysterical na ako kaagad at dali-daling tinumba ang bike atsaka humakbang papalayo rito. Habang ikinakalma ko ang sarili ko galing sa nararamdamang kaba na hindi ko maipaliwanag, tska ko naman nakita ang Lavinia sa may tabi na halos himatayin sa kakatawa. “Saya ka? “ sarkastikong tanong ko sa kaniya. Halos hindi naman siya makasagot dahil sa walang pigil na pag tawa nito. “Ayoko na nga! Tara na umuwi na lang tayo," pag bubugnot ko. “Hinde hinde, teka sige na eto na seryoso na wga ka na magalit diyan. Ang cute mo lang kasi tara na sige hindi na kita tatawanan. “ pangako niya at halata naman sa mukha niya na hirap na hirap niyang pigilan ang tawa na gustong kumawala sa bibig niya. “Sabi mo lang ‘yan! Tignan mo nga tumatawa ka pa rin. “ para akong bata roon na nagsisimangot at nagbubugnot dahil sa mapang asar na kaibigan. Sinusubukan niya talagang pakalmahin ang sarili niya para lamang makumbinsi ako na seryoso siya. Alam ko namang seryoso siya at hindi niya mean na tumawa ng bongga. Ehh sa anong magagawa ko hindi ako marunong at bigla ko na lang naramdaman na gusto ko na matuto at eto na nga handa naman siyang turuan ako, ‘yun nga lang eh hindi mawawala ang pagtatawanan niya talaga ako. “Aysuss! Ano? Game na? “ para akong bata na bigla na lang niya binaby talk. Nakakagulat na lang talaga minsan yung nga angking talento na bigla niynag nilalabas eh. Well, medyo nasasanay naman na ko sa kaniya at panigurado marami pa kaming malalaman at matututunan sa isa’t isa dahil umpisa pa lamang ito. Hindi na ako sumagot, kinuha ko na lamang ang bike at saka itinayo iyon upang sakyan na. Kaagad ko itong sinubukan muli. Sa pagkakataong ito, sinigurado ni Lavinia na kumbinsido ako na hawak niya ang bike pati na rin ang likuran ko uoang siguraduhin na maaalalayan ko siya. Dahan-dahan kong pinadyak ang pedal nito at hindi pa rin naman talaga bumibitaw si Lav mula sa pagkakahawak niya sakin at sa bike. May mga pagkakataong nakaka tatlong padyak pa lamang ako ay agad na akong bumababa sa bike ngunit sinisigurado ni Lavinia na nakahawak pa rin siya kaya dali-dali naman akong sumasakay pabalik upang subukang muli. Matapos ang ilang ulit na pag subok hindi ko namalayan na hindi na pala nakahawak si Lavinia sa akin o sa bike. Hindi ako makapaniwalang napapaandar ko na ang bike ng mag isa. Isa oang nakakatuwa roon ay ‘yong hindi ako nasugatan dahil sa tuwing matutumba ako ay kaagad ako tumatalon papalayo sa bike. Pansin naman sa itsura naming dalawa ang pawis na hatid ng ginawa naming iyon kaya naman napagpasayahan na namin na huminto na at nang makapagpahinga na. “Ang galing mo ah, hindi naman halatang ganun ako kapagod dahil medyo antagal mo matuto girl," hindi ko alam kung pinupuri ako o nagrereklamo tong kaibigan ko na to eh samantalang siya naman ang nagprisinta na turuan ako magbike. “Atleast natuto ako diba, salamat Lav sayo lang pala ako matututo kahit naka ilang kurot ka sakin," pero hindi ko na pansin iyon dahil sa tinuon ko talaga ang atensyon ko na matuto. “Wala yun, oh ano? Tara na? 11pm na pala hindi na natin napansin yung oras," aniya na siyang pagkabigla ko. Antagal na pala namin dito may pasok pa kami bukas at baka abutan pa ng curfew itong si Lavinia. “Hala oo nga, ano? Makakauwi ka ba? Baka abutan ka ng curfew?" pag aalala kong tanong. “Hindi ‘yan tara na ihatid na kita bago ako umuwi. “ tinanggihan ko iyon dahil nga baka mas lalo oa siyang gabihin sa daan. “Hindi na malapit lang naman yung sa amin dito, sige na mag iingat ka. “ hindi na rin siya nagpumilit at mukhang pagod na rin siya. At duon na kami naghiwalay at umuwi sa kanya-kanyang bahay. Inabutan ko na ring tulog sila mama at dumiretso na ako sa kwarto upang maghilamos at tuloy na humiga para matulog. Kinabukasan, mas maaga akong nagising kumpara sa nakasanayan kong alarm ng orasan. Mahirap na baka magkaroon na naman ng aberya. Mabuti na yung marami akong oras dahil hindi ko pa naman ganong kabisa ang lugar. Pagkababa pa lang ng hagdan, nagpasya na akong kumain. Hindi pa nga tapos mag luto noon si mama kaya kinuha ko na lang yung tinapay at palaman. Saka na rin ako nagtimpla ng gatas ko. Maya-maya pa narinig kong nagsalita si mama. Aniya noon, "Aba? Ang aga mo naman bumaba? At saka ayan lang kakainin mo?" "Mahirap na, baka maligaw ulit Ma. Para may allowance akong time para makapag hanap ng daan," baling ko at saka minadali ang tinapay. Iniwan ko na rin muna sandali yung tasa ng kape para muling umakyat sa taas. Maglilinis na ako ng sarili para agad makapag abang ng masasakyan papasok. May kalahating oras din yata akong nasa kwarto bago napag pasyahang lumabas. Bitbit ko na rin yung isang canvas na binili ko kahapon dahil naalala ko lang na may laboratory hours kami ngayong araw. Binalikan ko pa yung kape ko at saka tinungga ng mabilis iyon. Matapos doon sa inumin, bumeso muna ako kay mama at saka na nagbilin na mauuna na. Naglalakad na ako ngayon palabas ng kanto. Kung tama ang alala ko, kailangan kong kumaliwa dahil doon ang direksyon ng terminal na sinakyan ko kahapon. Siguro sasakay na lang muna ako ng tric para hindi matagalan sa pagtungo papunta roon. Ganoon na lang din at kinuha ko ang earphones ko para may muling pagaka abalahan. Idagdag mo pa na mag isa lang akong papasok at inaasahan ko na rin na may mga estudyante akong makakasabay na may mga kasama ring papasok. Hindi pa man ako nakakatungtong sa platform ng paradahan, nagulat na lang ako ng may bahagyang pagtulak akong naramdaman. Nang lingunin iyon, ikinagulat ko ang presensya ng pamilyar na itsura sa akin. "Aga natin ah?" wika ng dalaga sa akin. Noon na lang rumehistro sa akin na si Lavinia nga ang kasa-kasama ko ngayon. Ganoon na lang at ibinaba ko muli ang earphones na kasusuot ko lang. Mabuti na lang at wala pa akong nasisimulang kanta sa sandaling iyon. "Ikaw nga ang maaga eh. Pero teka, bakit nandito ka??" "Ano, balak ko talagang abangan ka rito. Hindi pa nga ako sure kung dito ka ba nag aabang pero tama naman hula ko. Baka kasi maligaw ka na naman. I'm looking out for you. Mukha ka kasing pusa na madaling maligaw," walang siglang pakikitungo nito ngunit hindi ko alam kung bakit na hindi ako nao-offend sa ganong paraan niya ng pakikitungo sa akin. Kung tutuosin, na- touch pa nga ako dahil sa intention nito. Sinong mag aakalang may ganong klase ng kaibigan? Hindi lang halata kay Lavinia pero napaka bongga niya mag invest sa isang friendly relationship. Maya-maya pa, ngumuso ito sa direksyon ng earphones ko at saka muling nagsalita. Aniya sa akin, "Anong pinapakinggan mo?" She totally shut down my first question. Hindi ko alam kung iniwasan o talagang nakuha lang ng earphones ko ang buong atensyon niya. Ganoon pa man, inalok ko na rin sa kanya ang maliit na makinarya at saka pinagpatuloy ang naiwan kong gagawin. Mahina naman itong tumanggi sa akin. Hindi ko na nagawa pang mamili ng kanta. Sa halip, pinindot ko na lang kung ano ang una komg nakita sa playlist. Hindi nagtagal at iniangat din nito ang kamay at dali-dali niya naman sinuot ang earphones. Sa sandaling marinig kung ano ang tumutugtog doon, nakita ko na lang ang panlalaki sa mata niya. Bukod pa roon, wala ng iba pang reaksyon ang dalaga. Katamtamang lakas lang ang nagpapatuloy sa pagdaloy sa earphones na gamit namin. Nauna na ring tumugtog ang unang apat na linya ng kanta sa telepono. Ilang sandali pa, napapansin ko na ang pagsabay ni Lavinia sa kumakanta. Kasabay noon ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha ko. "Wait?! Alam mo tong kanta na ito?" gulat na ekspresyon ko. Ni wala akong ideya kung napalakas ba ang boses ko pero napansin ko naman ang pagtingin ng ilang mga estudyante sa gawi namin. Sinundan ni Lavinia ng kaonting pag angat ng ulo ang tanong ko. Maya-maya pa ay bahagyang lumitaw ang ngiti nito na tila ba napagtatanto na rin ang mga pangyayari. "Oo, fan ako ng Fifth Harmony. Medyo nagulat lang ako kasi iilan lang naman ang nakakaalam sa kanila. Kaya siguro magaan ang pakiramdam ko sayo, same music taste naman pala tayo," natatawang turan ni Lavinia. Hindi nagtagal at inimbitahan na rin niya ang sarili papalapit sa kabilang dulo ng earphones ko. isinabit niya iyon sa kanang bahagi ng kanyang tenga. Ganon na lang at pareho na kaming nakikinig sa iisang musika. "Sino pinaka gusto mo sa kanilang lima? Although magaling silang lahat, sinong bias mo?" turan ko sa mataas na tono at napansin naman nito ang pagka excite ko kaya mabilis niya akong hinarap muli. "Si Lauren. Nung una si Camila, pero yung green eyes talaga ni Lauren ang gusto ko. Pero silang lahat talaga," naguguluhang saad ng kasama ko na naging dahilan ng pagtawa namin pareho. "Uyyy! Totoo! Ang hirap mamili no? Pero gustong- gusto ko talaga si Normani. Isunod mo pa si Dinah at Ally na pareho rin namang matataas talaga ang boses," ani ko na hindi pa rin mapigilan ang sariling hindi mapatili sa labis na kilig. " I mean, makakapili ka ba? Basta ayun, lima sila. Lahat sila gusto ko," batid ng kasama ko. Naiintindihan ko naman ang punto nito. Para bang normal na sa mga harmonizer na unang magustuhan sina Lauren at Camila pero at the end of the day, uuwi ka rin naman sa kanilang lima. Basta ganon, harmo fan things. Sakto naman sa huling bahagi ng koro ay dumating na ang hinihintay naming pampasadang jeep. Aktong pipila na sana ako sa likod nang maramdaman ko ang paghatak ni Lavinia sa kamay ko papunta sa harapang bahagi ng sasakyan. Itong babaeng to talaga, 'girl hatak' dapat ang pangalan. Nakuha tuloy maghiwalay ng suot naming earphones. Mabuti na lang at nasalo ko dahil baka tumama pa ito sa kung saang matigas na bagay. Baka ito yung maging pagkakataon para sa quality test ng product na ito. "Saan ka pupunta? Sa harap tayo, para hindi madaling maligaw!" Sigaw niya na kakaakyat lang ng jeep na agad ko rin naman sinundan. Kung hindi ko pa nakakasama talaga tong babaeng to, iisipin kong napaka moody lang talaga niyang tao. Gayon pa man, wala naman akong nakikitang masama roon at sa totoo pa nga ay mas nagiging kumportable ako sa ganoong pakikitungo niya sa akin. Hindi ganon kalakihan ang jeep ni manong kung kayat medyo masikip sa loob ng pwesto namin. Gayon pa man, sakto lang para magkasya kami ni Lavinia at sa tingin ko naman ay manageable na ang space. Kukuha pa lang sana ako ng barya nang mag abot na si Lavinia sa driver. Bago pa ko makapagreklamo, sinabihan agad ako nito na wag na alalahanin iyon dahil ako ang magbabayad sa pauwing byahe namin mamayang hapon. I guess sasabayan niya pa rin ako hanggang pag uwi hanggang sa mga araw na gusto niya ano? Sa kabilang banda, mas gusto ko na rin ito. I mean, at least may nakakasama na ako sa school. Mas gusto ko na yung na ii-stick sa maliit na circle ng friends kaysa roon sa grupo ni Edward. Pakiramdam ko ay sentro ng atraksyon lagi at iyon naman ang kinaiilang ko. "Panoorin mo yung dinadaanan natin. Sa totoo lang mas gusto ko yung pwesto mo na nasa pinto pero sinadya kong dyan ka para maalala mo yung daan. Pag nakita mo yung malaking pulang Department Store, ibig sabihin malapit na tayong bumaba," detalyadong turan ng kasama ko. Para bang assignment nitong dalhin ako sa tamang lugar kahit na walang nag utos noon para sa kanya. How thoughtful?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD