DAMON'S POV Napapreno ako ng malakas nang bigla nalang may may tarantadong patakbong tumawid sa daan. Muntik pa maumpog ang gwapo kong mukha sa manubela. "Siya yung matandang lalaki na ininterrogate namin, ah." Sambit ko sa aking sarili nang tingnan ko kung sino iyong tumawid. Paaandarin ko na sana ang kotse pero nakita ko na may mga grupo ng kalalakihan ang humahabol sa kanya. Mukhang gangster ang mga 'to at hindi maganda ang kutob ko kaya mabilis kong ipinarada ang kotse at sinundan ko sila. "Walangya kang matanda ka! Pinagod mo pa kami kakahabol sayo!" Dinig kong sigaw kaya naman pinuntahan ko kung saan nanggaling ang boses. Pinagtutulungan nilang bugbugin ang matanda. Mga walang balls. Matanda na nga ang kalaban pinagtutulungan pa. "Magbabayad naman ako. Bigyan niyo pa ako ng ko

