BORIS' POV Wala sina Kai sa apartment nila noong pinuntahan 'to ni Boss A kaya labis na ang pag-aalala nito. Kanina pa siya hindi mapakali. "Damn it. Did she run away from me?" Sambit nito sa sarili habang palakad-lakad at sinusubukan paring tawagan si Kai. "Seryoso sa usapan niyo si Kai, Boss A, kaya sana seryosohin mo rin yung palugit niyang tatlong buwan sayo. Sigurado akong marunong tumupad si Kai sa usapan kaya magtiwala ka sa kanya." Payo ko sa kanya dahil ako ang napapagod sa paulit-ulit niyang pagdial kahit obvious namang hindi talaga makontak si Kai. "Kakarecover lang ng kapatid niya baka busy lang silang nagbobonding. Hayaan mo naman silang magka-sister time atsaka hindi naman siguro makikipagtanan si Kai kay William." Pagbibiro ko kaya binato niya kaagad ako ng masamang ti

