KAILLE ORTEGA AYAW mag-stay ni Alec sa hotel na pinagganapan ng reception kaya naman kahit gabing-gabi na ay umuwi pa rin kami dito sa bahay. Kanina pa namin siya iniwan sa parking area at nauna na kami nila Lily at Blaze na umakyat sa kanya-kanya naming mga kwarto kaya hindi ko alam kung nasa kwarto na rin niya siya ngayon. Inuna ko muna burahin ang mga kolorete ko sa mukha bago nagtungo sa bathroom para maligo. Hinubad ko ang lahat ng damit ko na kanina ko pa suot sa reception at tinapat ang sarili ko sa shower. Nagsasabon ako nang biglang may yumapos sa akin mula sa likuran, saka hinalikan ang balikat ko. Pinagkrus ko muna ang mga braso ko sa dibdib ko bago humarap sa kanya. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ko, pero imbes na sagutin ako ay inikot niya ako para patalikodin ulit sab

