KAILLE ORTEGA "Manong, bakit po tayo huminto?" sabi ko sa malakas na boses para marinig ako ni manong driver nang bigla niyang hininto ang limousine. Sobrang haba nitong limousine at sa pinakadulo ako nakapwesto kaya hindi ko makita kung anong meron sa unahan. "May humarang na van, Madam," sagot niya sa malakas din niyang boses. "Bakit po?" inosente kong tanong. "Hindi ko alam, Madam. Dyan lamang po kayo at bababain ko." "Bilisan mo lang, Manong, ha. Mala-late na kasi tayo." "Sige, Madam." Habang hinihintay ko na bumalik si Manong ay inabala ko nalang ang sarili ko sa pag-aayos ng wedding gown ko ngunit napatigil ako sa pag-aayos nang may marinig akong putok ng baril. Wala sa sariling bumaba ako sa limousine para alamin kung ano ang nangyari. Tumampad sa akin si manong na wala n

