CHAPTER 14: INTERROGATION

4946 Words
DAMON'S POV Nahanap na namin ang taong nagsend ng email kay Boris tungkol kay Kate. Nasa 50's ang edad ng lalaki at kiniclaim niya na dati siyang driver ng pamilyang Nievera bago pa man mangyari ang sunog. "Kumalma ka nga. May mga katanungan lang naman kami na dapat mong sagotin." Naiinis na ako sa pangunguyakoy niya, kanina pa yan. Mukha siyang kinakabahan. Pinagpapawisan pa nga siya. "Madilim kasi dito, Sir. Mukhang may gagawin kayo sa akin kapag hindi ako nakasagot." Sa bahay bakasyonan siya namin ni Boss A dinala at meron ditong interrogation room na kung saan ginagamit namin sa mga ganitong pagkakataon. Gusto ko siyang takotin pero pinaalalahanan kami ni Boss A na wag kaming gumawa ng mga bagay na paghihinalaan kami nitong matandang lalaki dahil ang purpose lang naman namin ay malaman ang tungkol kay Kate at hindi naman taga-underworld itong matanda kaya wala kaming dahilan para pahirapan siya kung sakali mang hindi nito mabigay ang mga sagot na hinahanap namin. Nasanay kasi kami na brutal lagi ang paraan ng pangunguwestyon. Isa pa matanda na siya kaya baka atakihin sa puso kapag tinakot namin. Hindi pa man din kami nakakakuha pa ng impormasyon kaya magchichill nalang ako. "Kinikilabotan ako. Pakiramdam ko marami na ang nangyari dito." Dagdag pa niya. Madami kaming mga taga underworld na dinala dito para rin kwestyunin at walang nakakalabas ng buhay. Siya palang mamaya ang makakalabas ng buhay dito dahil wala naman kaming dahilan para patayin siya-well, depende pala sa mga isasagot niya kaya umayos siya. "Paano mo mapapatunayan na naging driver ka ng pamilya Nievera?" Panimulang tanong ni Draco. Hindi namin kilala kung sinu-sino ang mga kasambahay at driver na nagtrabaho sa pamilya Nievera kaya wala kaming idea kung nagsasabi ba siya ng totoo. Binackground check namin siya siyempre pero mga basic info palang ang nalaman namin tungkol sa kanya. Based sa nakalagay sa occupation niya isa nga itong driver. "Ito ang litrato namin ni attorney." Sabi niya habang nilalapag ang litrato sa lamesa. Agad itong kinuha ni Boss A para tingnan. "Ikaw yung nasa kanan at sino yung nasa kaliwa?" Tanong ni Boris sa matandan habang tinitingnan rin ang litrato na hawak ni Boss A. Dalawang tao ang nasa litrato na nakasandal sa kotse, siya at hindi ko rin kilala ang isa. "He is Attorney George Nievera, Kate's father." Si Boss A na ang sumagot habang nilalapag ulit ang litrato sa lamesa. Nameet na nga pala ni Boss A ang pamilya ni Kate ng maraming beses. "Attorney ang tatay ni Kate?" Nanlalaki ang mga mata ng tangang si Boris. Hindi rin namin kilala ni Draco ang tatay ni Kate dahil hindi namin ito nameet kahit isang beses pero hindi naman kami nagulat ng ganyan. Over acting si tanga. "Kilala niyo ba talaga si Ms. Kate? Bakit hindi niyo kilala si attorney na ama niya?" Tanong niya na may paghihinala. Pahampas na nilapag ni Boris ang palad niya sa lamesa at tinitigan ng malapitan ang matandang lalaki. "Andito ka para ikaw ang kwestyonin. Hindi namin sinabi na pwede ka rin manguwestyon." Ang bilis ma highblood ng tangang 'to. Ang hilig kasi kumain ng lechong baboy. Sinamaan ng tingin ni Boss A si Boris kaya nginitian nito ang matanda at kunwaring inaayos ang kwelyo ng polo na suot ng matanda sabay umupo na siya rin agad siya. Yan tanga kasi. Kakasabi lang ni Boss A na magchill e. "Inayos ko lang yung polo, Boss A hihi." Pagsisinungaling nito sabay peace sign. "Pasensya na, Sir. Hindi na ako magtatanong." Mukhang lalong kinabahan tuloy yung matanda. "Ayos lang. Gusto ko lang talaga ayusin ang polo mo. Nasa fashion industry ako kaya metikuloso talaga ako pagdating sa mga kasuotan. May lamok sa lamesa kaya hinampas ko lang. Ayoko ma dengue ka." Natatawa ako sa tangang 'to. Ang galing talaga magpalusot nitong si Boris. "Paano mo nalaman na may ugnayan o kilala namin si Kate?" Isa kasi ito sa pinagtataka ko dahil kami-kami lang naman ang may alam na close kami kay Kate. "Madalas akong mangutang kay attorney na hindi ko binabayaran dahilan para sisantihin niya ako dahil nalaman niya na ang inuutang ko sa kanya ay pinangsusugal ko lang, hindi para sa pamilya ko na sinasabi kong dahilan sa kanya para pautangin niya ako." Mukhang proud pa ang matandang 'to sa pangungutang niyang hindi binabayaran. "Namatayan ako ng anak at kinailangan ko ng pera sa burol niya. Wala akong trabaho noong panahong yun kaya sinubukan ko ulit mangutang sa kanya pero tumanggi siya dahil akala niya ay nagsisinungaling ako." Malamang nawalan na ng tiwala ang tatay ni Kate sa kanya. "Nagkaroon kami ng pagtatalo bago ako umalis. Matagal akong nanilbihan sa kanila bilang driver kaya sumama ang loob ko dahil pakiramdam ko ay pinagdadamotan niya ako." May pagkakapal rin pala ng muka itong matanda. Siya ang may ganang sumama ang loob. Siya itong sinungaling. Hinayaan lang namin siya magkwento. Nakinig nalang kami sa kanya hanggang madagot niya ang tanong ko. "Naisipan kong dukutin si Ms. Kate dahil alam kong hindi na makakatanggi si attorney kapag nalaman niyang hawak ko ang anak niya." Kung nalaman lang 'to dati ni Boss A na may nagtatangkang masama kay Kate, hindi lang ako sigurado kung humihinga pa 'tong matanda na'to hanggang ngayon. "Ilang araw kong lihim na sinundan si Ms. Kate at sa mga araw na yun palagi kong nakikita na kasama niyo siya. Lalong-lalo na si Mr. Castellano." Dito niya pala nalaman ang ugnayan namin kay Kate. Now I know. "Nalaman ni attorney na totoo ngang namatayan ako ng anak kaya naman tinawagan niya ako para bigyan ng pera. Aboloy niya na rin daw ang mga perang nautang ko na sa kanya kaya naman hindi na niya ito pinabayaran. Sobrang naguilty at hiyang-hiya ako na pinagtangkaan kong dukutin si Ms. Kate kasi wala namang pinakita ang pamilya nila saakin kundi purong kabaitan tapos ang ibabalik ko lang sa kanila ay kasamaan kaya naman hindi na ako nagpakita pang muli at itinigil ko na rin ang masamang balak ko kay Ms. Kate." Dapat lang naman na mahiya talaga siya sa pamilya Nievera. Sobrang kapal ng apog niya kung hindi. "Mababait ang pamilya Nievera kaya nang malaman kong namatay ang mga ito ay sobra akong nalungkot para sa kanila." Hindi na bago saakin na marinig na mabait ang pamilya ni Kate dahil kitang-kita naman yun sa ugali ni Kate tuwing naghahang-out kaming lima. Kaya nga inlove na inlove si Boss A kay Kate kasi mabait na babae ito at napakainosente sa maraming bagay. Bukod sa maganda niyang physical appearance, may busilak rin itong kalooban. "Bakit mo pa pinatagal bago ipaalam sa amin na buhay si Kate kung gayong aware ka naman na 6 years ago pa ang nangyaring sunog? Malamang aware ka sa sarili mo na gusto rin naming malaman na buhay siya." Tanong ni Boris. "Noong araw na nagsend ako ng litrato ni Ms. Kate, doon ko lang rin nalaman na buhay pala ito. Kumbinsidong-kumbinsido akong si Ms. Kate yun dahil tandang-tanda ko ang mukha niya." "May pasahero ako na hinatid sa isang building na may nakaukit na 'Spotlight Management' at nakita kitang bumaba ng sasakyan at pumasok sa loob. Namumukhaan kitang kasama ka dati ni Ms. Kate kaya naman pumasok rin ako sa loob ng building at nagtanong kung ano ang ginagawa mo doon at ano ang pangalan mo. Sinabi nila na ikaw ang may-ari ng building tapos may mga magazine doon na nakadisplay at doon ko nakuha ang kontak mo. Si Mr. Castellano dapat ang kokontakin ko kaso ang problema nahirapan akong kumuha ng kontak niya dahil mahigpit ang seguridad sa building niya." Kaya pala kay Boris ito nakapagsend ng email. "Bakit ipinaalam mo sa amin na buhay si Kate? Bakit sa amin mo naisipang ipaalam na buhay siya? Sa tagal mong nagtrabaho sa kanila sabi mo, malamang may kilala kang mga kamag-anak ni Kate. So bakit sa amin? May kailangan ka ba sa amin?" Sunod-sunod na tanong ni Draco. Hindi agad nakasagotan ang matanda dahil mukhang nag-isip pa ito ng isasagot. Makatanong naman kasi itong si Kapre parang mauubusan siya ng tanong. "Alam ko nagmigrate na sa ibang bansa ang kilala kong kamag-anak ni Ms. Kate. Kayo ang natatandaan ko na mukhang malapit kay Ms. Kate kaya kayo ang naisipan kong kontakin. Nalaman ko kasing mag-isa ito sa buhay kaya naawa at nagalala ako dahil laki sa yaman si Ms. Kate. Wala pa yun masyadong alam sa buhay. Gusto ko man siyang kupkupin para manlang makabawi kay attorney pero masyado na kaming marami sa bahay." "Ang totoo niyan, bukod pa dyan may iba pa talaga akong pakay kaya ako pumayag na interviewhin niyo. Alam ko kasing bigtime si Mr. Castellano at lahat kayo mukhang ganun rin kaya manghihingi sana ako ng kapalit dahil mukhang natutuwa naman kayong makita ulit si Ms. Kate. Kung hindi dahil saakin ay hindi niyo malalaman na buhay siya." Hirit ng matanda. Sabi na may iba siyang pakay e. Ang bilis kasi niyang sumama samin. Hindi na namin kinailangan ng sapilitan. "How did you know that Kate was alive?" Biglaang tanong ni Boss A na kaninang nakikinig lang. Malala ang trust issue ni Boss A kaya naman kailangan bawat detalye alam niya. Sa dami nang sinabi ng matandang lalaki mukhang hindi pa siya lubos na kumbinsido. Nag-isip nanaman muna ang matanda bago sumagot. Hindi pa rin naaalis ang kaba niya. Kanina pa siya natetense pero mas pa ngayon. "Naging pasahero ko siya sa taxi ko. Akala ko noong una ay minumulto niya lang ako dahil walang bago sa itsura nito. Naitanong ko sa kanya kung kilala niya ako pero hindi niya ako matandaan kaya hindi na ako nagpakilala. Buong biyahe kami magkausap at nabanggit niyang mag-isa siya sa buhay. Pagkababa niya ng taxi ko ay palihim ko itong kinuhanan ng litrato." Matalim ang titig ni Boss A sa matanda kaya hindi ito makatingin ng diretso kay Boss A habang sumasagot marahil ay natatakot ang matanda sa kanya. Kung ako rin hindi ko kilala ang buong pagkatao ni Boss A malamang natatakot rin ako kapag ganyan na ang titig ni Boss A sakin. "Kate lives in the province and you're a taxi driver here in Manila. How come na naisakay mo siya sa taxi mo?" Good listener talaga 'tong si Boss A. Ngayon ko lang napagtanto ang sinabi ng matanda dahil sa tanong ni Boss A. "Nabanggit niya rin na may pinuntahan siya dito sa maynila kaya siya nandito noong araw na yun. Ang galing nga dahil nagkataon pang saakin siya sumakay." Natutuwang sabi ng matanda na para bang namangha ito sa nangyari. Sandali kaming nanahimik bago ako senyasan ni Boss A na palabasin na sa interrogation room ang matanda. Congrats sa kanya, siya ang unang makakalabas dito ng buhay. KAI'S POV Naglalakad ako sa hallway papunta sa kwarto ni Blaze nang madaanan ko ang kwarto na parang columbarium na bukas ang pinto kaya naman pumasok ako para icheck kung nandito si Blaze. Palagi kasi nun binibisita at kinakausap ang mommy, mga lolo't, mga lola niya. "Blaze, nandito kaba? Bakit hindi mo binubuksan ang ilaw? Hindi ka ba natatakot?" Sunod-sunod kong tanong ko habang naglalakad papasok sa kwarto. Pagbukas ko ng ilaw napatalon ako sa gulat dahil may babaeng nakaputi at mahaba ang buhok ang nakatalikod at nakatayo sa harapan ng abo ni Kate. "Excuse me, sino ka? Paano ka nakapasok dito?" Hindi ito sumagot bagkus humarap lamang ito sa akin na walang reaksyon. "Waahhh...multooooooo!!!!" Sigaw ko sa takot habang tumatakbo pababa papuntang sala. "Sabi ko na e, totoo ang multo, may multo dito sa bahay ni Alec. Una palang nakaramdam na ako ng hindi maganda sa bahay na 'to." Sambit ko sa sarili ko habang nanginginig ang tuhod sa takot. Nagumpisa na rin magsitayuan ang mga balahibo ko. Sigurado akong multo siya ni Kate dahil ganun ang mukha niya sa litrato na nandoon sa columbarium. Wala naman akong ginagawa, bakit niya ako minumulto? Mas nadagdagan pa ang takot ko nang makita ko na papalapit na sa akin ang multo ni Kate. "Wag kang lalapit." Sabi ko sa multo ni Kate habang hinaharangan ko siya ng cross na gawa sa kaliwa at kanang index finger ko. Mabuti at masunurin ang multo ni Kate dahil hindi nga ito lumapit kahit konti nalang ang distansya namin sa isa't isa. "Please, umalis kana...wala naman akong ginagawang masama sa mag-ama mo. Kung gusto mo magparamdam, wag saakin. Kay Alec ka magparamdam dahil matapang yun hindi katulad ko." Pakiusap ko sa multo ni Kate. Hindi ako OA. Takot talaga ako sa multo. "Wag kang magalala, aalagaan at babantayan ko sila lalong-lalo na si Blaze kaya pwede kanang mag rest in peace." Pakiramdam ko grabe na ang pamumutla ko. "Sumama kana sa ilaw...wag mo na pahirapan yung taga-sundo mo, pleaseee...multo ni Kate." Pagmamakaawa ko na sa kanya dahil parang mahihimatay na ako sa takot. "WHAHAHAHA ang cute mo pala matakot, Kai." Tawang-tawa na sabi ni Boris na kakapasok lang dito kasama sina Alec, Draco, at Damon. "Alec, si K-Kate...may m-multo si Kate. Ayan siya oh, nakikita niyo rin ba?" Nauutal na ako sa takot dahil tinititigan ako ng multo ni Kate. "Hindi ako multo." Gulat akong napatakip ng bunganga nang magsalita ito kaya naman tawang-tawa sina Boris at Damon sa reaksyon ko. "Narinig niyo? Nagsalita pa siya..." Tanong ko sa kanila pero tinawanan lang nila ako lalo maliban kay Alec na seryoso at Draco na masama ang tingin sa dalawa habang hawak ang tyan sa kakatawa. "Pinaprank niyo ba ako? Kung ganun pangit ng trip niyo! Alam niyo namang takot ako sa multo!" Inis kong sabi sa kanila na hindi pa rin mapigil ang tawa. Mahihimatay na ako sa takot tapos tatawan lang nila ako! Grabe sila! "She's real. Kate is alive." Seryosong seryoso ang mukha ni Alec kaya naman nilapitan ko ang multo ni Kate para hawakan at kompirmahin na hindi nga ito multo. "Totoong tao nga. Sorry..." Paumanhin ko kay Kate. Mabuti naman at hindi multo kaya mabilis na nawala ang takot ko. "Hindi pa ba kayo nagmeet simula noong umuwi tayo galing sa beach? Andito na yun si Kate, naghihintay." Takang tanong ni Damon. "Hindi pa. Ngayon lang." Kay William kami nakisakay ni Lily nun pati pag-uwi kaya sa hospital kami dumiretso at hindi agad ako bumalik dito sa bahay ni Alec dahil may kinuha ako sa apartment namin. Tsaka ang laki nitong bahay kaya baka nagkakasalisi kami ni Kate at hindi nagkita. Kaya naman pala naunang umalis sina Alec kasama si Blaze noong araw na yun dahil hinihintay pala sila ni Kate. "Ang galing! Hindi nagbago ang mukha niya!" Manghang sambit ko habang tinititigan si Kate. Sobrang ganda niya. Hindi siya nagkaedad. Ano kaya ang skincare niya? "Magkakilala rin ba tayo?" Takang tanong ni Kate sa akin kaya naman hindi maipagkaila sa reaksyon ko na nagtataka rin. "May amnesia siya, Kai." Biglaang sabi ni Damon. Kaya naman pala parang mukha siyang walang muwang sa mundo. Ang inosente rin tingnan ng mukha niya. "Uhmmm...hindi tayo magkakilala personally pero naikwento ka saakin ng mag-ama mo." Sagot ko sa tanong ni Kate. "Ano lang pala ang naaalala mo? Meron ba o wala talaga?" Usisa ko kay Kate dahil ngayon lang ako nakaharap ng taong may amnesia. Yung tono ko ay parang magkaibigan kaming dalawa na matagal na hindi nagkita at mukhang magchichika sa mga ganap namin sa buhay. "Ang naaalala ko lang ay bago magkasunog may kausap akong babae sa hagdan na hindi ko maalala kung ano ang pangalan at hindi ko rin maalala kung ano ang pinag-uusapan namin. Nagsasalita kami pero wala akong marinig na boses na lumalabas sa bibig namin base sa naaalala kong memorya. Tapos tinanggal ko ang kwintas na suot ko at isinuot iyon sa babae." Habang nagkukwento si Kate ay titig na titig ako sa mukha niya. Hindi kasi siya nakakasawang titigan dahil sa kagandahan niya. "Nang nasusunog na ang bahay, habang naglalakad kami ng babae ay bigla itong nahulugan ng malaking apoy. Sinubukan ko siyang isalba pero sadyang mabilis kumalat ang apoy at tuluyan siyang nilamon nito. Tapos bigla nalang akong natumba. May lalaking sumalba saakin na hindi ko rin kilala kung ano ang pangalan niya. May bitbit itong baby tapos nagising nalang ako sa isang malaking bahay at tinatawag na nila ako sa pangalang 'Kate'. Marami kaming nakatira doon sa malaking bahay." Wala ni isa saamin ang nagsasalita kaya ipinagpapatuloy ni Kate ang kwento niya. "Ang sabi ng mga doctor na nag-aalaga saamin sa malaking bahay ay may amnesia ako kaya hindi pa detalyado ang mga naaalala ko. Doon na rin ako sa malaking bahay nanirahan ng matagal na panahon dahil doon na ako pinatira ng mga doctor para sa regular health exams and tests na gagawin saakin para daw mabilis bumalik ang memorya ko. Hinanap ko rin doon ang lalaking nagligtas saakin sa sunog na may sanggol na dala baka sakaling makatulong siya para maibalik ang memorya ko pero hindi ko siya nakita doon." Hindi ko talaga maalis ang tingin ko kay Kate habang siya ay nagsasalita. Konti nalang maiinsecure na ako. Nagulat ako sa pagsnap ni Boris sa daliri niya bago magsalita. Ang lakas kasi ng tunog. "Nabanggit mo ang kwintas. Malamang yun ang kwintas na binigay sayo nito ni Boss A. Pinasuot mo kako sa babae? So ibig sabihin ang sunog na bangkay ng babaeng niyakap-yakap ni Boss A ay hindi pala yun si Kate." Hindi ko alam kung ano ang tungkol sa kwintas na sinasabi ni Boris kaya makikinig nalang ako sa kanila. "Kate, nabanggit mo na nakatira ka sa malaking bahay dati, kaninong bahay yun at bakit hindi ka na dun nakatira ngayon?" Tanong ni Damon. "Hindi ko alam kung kaninong bahay yun pero tinatawag yun na 'Black House'. Lahat ng taong naninirahan doon ay katulad ko rin, dahil sa insidenteng nangyari kaya walang maalala. Simula noong tumira ako dun hindi ako nakalabas kahit isang beses dahil pinagbabawalan kami ng mga doctor sa kadahilanang medical purposes. Para kaming nakakulong pero komportable ang buhay namin doon kaya hindi ko rin ni minsan naisipang tumakas at dahil wala rin naman akong mapupuntahan." Baka shelter para sa mga may amnesia ang sinasabi ni Kate na malaking bahay na tinirhan niya dati. "Makakaalis lang kami sa bahay na yun kung may purchaser na kukuha saamin. Gustong-gusto kong malaman kung ano ang itsura ng labas, ng mundo, kaya nang may purchaser na kumuha saakin, agad akong pumayag na sumama sa kanya. Akala ko nga may gagawin siya saakin na masama pero kabaliktaran pala siya ng iniisip ko dahil para siyang hulog ng langit sa akin." Parang may umampon sa kanya kaya siya nakaalis doon sa malaking bahay na sinasabi niya. Hindi na talaga ako nakapagsalita pa at nakikisali sa usapan nila dahil interesado ako sa mga pinaguusapan nila kaya gusto ko nalang makinig. "Who's that sponsor?" Nagseselos siguro 'to si Alec. "Xian Ackers ang pangalan niya." Pagkasabi ni Kate ng pangalan, sakto namang tumingin ako kay Alec at nahuli ko siya na tiningnan si Draco. Nagtitinginan lang sila pero para silang naguusap. "Ako ang may hiling sa kanya na sa probinsya ako manirahan dahil simpleng buhay lang ang gusto ko. Ibinigay niya naman saakin ang gusto ko nang walang pagaalinlangan. Akala ko nga may hihilingin siyang kapalit o sasabihin niyang magsasama kami sa isang bahay pero wala dun sa nabanggit ko ang hiningi niyang kapalit bagkus may kasunduan lang kami na kailangan kong bumalik sa black house once a month para sa health check ko. Para saakin hindi naman yan kapalit dahil para pa rin yan sa kapakanan ko. Hinayaan niya akong mag-isa na manirahan doon sa probinsya at hindi ko pa siya ulit nakikita. Wala rin akong alam tungkol sa kanya bukod sa ibinigay niyang pangalan." Ang bait naman pala ng sponsor na kumuha kay Kate. Gusto niya lang siguro tulungan si Kate. "Where is that black house located?" Malamang may balak na gawin itong sina Alec sa black house kaya niya tinatanong. "Hindi ko alam. Binigyan lang ako ni Xian ng meeting place kung saan ako susunduin ng empleyado ng black house." Sagot naman ni Kate habang tinitingnan si Alec kaya naman nagkatitigan silang dalawa. Wala sa sariling inalis ko ang tingin ko sa kanila. "Sa totoo lang wala pang buwan simula nang manirahan ako sa probinsya nang may mga naka midnight blue na suit na lalaki na naghahanap sa akin. Hindi sila pamilyar sa akin pero tinawag nila akong 'Ms. Kate' kaya ang nasa isip ko kilala nila ako. Sabi nila may gusto raw kumausap saakin kaya pumayag agad ako at doon ko nakilala itong sina Boris at Damon." Ito yata ang sinabi ni Damon na surprise kay Alec na ikakatuwa raw ng puso nito. "Hindi kami aware na may amnesia siya kaya umasta kaming close na close sa kanya. Hindi rin kami nagpakilala kasi inassumed namin na kilala niya na kami pero nagtaka kami nito ni pandak dahil parang ang ilap niya sa amin. Mababasa sa mukha niya na meron itong pagtataka kaya humingi kami ng pasensya sa kanya baka kako napagkamalan lang namin siya. Dun niya na sinabi na sabi ng doctor may amnesia kaya wala siyang maalala. Yung naaalala niya lang ay yung sa nangyaring sunog." Dugtong ni Boris sa kwento ni Kate. "Nang sabihin nila na may kasintahan at anak ako na naghihintay sa akin at gusto akong makita, agad akong pumayag na sumama nang sabihin nila na may susundo sa akin para makilala ko ang kasintahan ko at anak ko." Pumayag agad siya? Hindi manlang siya nagdalawang isip? Paano kung may balak na masama sa kanya ang umalok? Ang inosente talaga niya. "Sa unang pagkakataon nakaramdam ako ng kakaibang emosyon na hindi ko naramdaman dati nang makita ko itong si Alec at si Blaze. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na may sarili pala akong pamilya na dati ay hinahangad ko lang." Ayan nanaman, titigan nanaman sila. Sobrang random ng titigan nila kaya ako ang naawkward para sa kanilang dalawa. Makaalis na nga dito. "Saan ka pupunta, Kai?" Tanong ni Damon nang tumayo ako sofang kinauupuan ko at naglakad. "Gigising ko lang si Blaze. Hindi pa kasi yun nagdidinner." Palusot ko dahil hindi naman kailangan tawagin ni Blaze para kumain dahil kusa naman iyon bumababa. "Gising na po ako, mommy Kai." Sabat naman ni Blaze habang pababa sa hagdan at kinukusot pa ang mata. "Mga uncles, nandito rin pala kayo. Thank you sa surprise niyo kay paps. Pati ako nasurprise kahit hindi ko birthday." Lumapit ito kay Kate at yumakap. Hindi ko alam kung bakit pero parang nasaktan ako. Nasanay lang siguro ako na sa akin niya yun ginagawa tapos ngayon dinaanan niya lang ako. "Kain ka na, Blaze. Late na. Ready na dinner mo nasa table." Lumapit ito saakin at niyakap rin ako. "Thank you, mommy Kai!!! Love ko po kayong dalawang mommy ko pero wag kang magagalit mommy Kate kasi mas love ko konti si mommy Kai. Nauna kasi siya namin nakasama ni paps." Magtatampo na sana ako. Buti nalang bumawi siya. Tumakbo na siya agad paupuntang dining. "Kayo, kumain na kayo? Marami akong nilutong ulam doon." Alok ko sa kanila. "Kumain na kami nila Boss A." Sagot naman ni Damon. Sina Alec, Damon, Boris, at Draco napapansin ko para silang buntot ng isa't isa. Kung nasa ang isa nandun silang lahat. "Ikaw pala ang nagluluto ng pagkain dito na kinakain ko rin? Akala ko si Alec dahil wala naman akong nakitang ibang tao dito maliban sa kanila ni Blaze." Hindi siguro ako nabanggit ni Alec sa kanya. "Akala ko nga rin kaming tatlo pa rin ang tao dito kaya pasensya kana talaga kung napagkamalan kitang multo." Nakakahiya yung ginawa ko at kung ano-ano pa ang sinabi ko. "Ikaw si Kai, diba? Sinabi mo kanina na aalagaan at babantayan mo sina Alec at Blaze tapos mommy rin ang tawag ni Blaze sayo. Nagtataka lang ako kung anong relasyon mo sa kanila?" Nailang ako sa tanong ni Kate kaya tiningnan ko si Alec para siya ang sumagot. "She resembles you so I asked her to be Blaze's instant mom. I thought you really died. I'm sorry if this makes you two uncomfortable. My bad." Hindi ko inexpect na magiging honest si Alec. Akala ko magsisinungaling siya, idedeny niya ako kaya naman natouch ako sa ginawa niya. Tinitigan ako ni Kate. Ano kaya ang iniisip niya? Iniisip ba niya na may relasyon kami ni Alec? Kailangan ko magpaliwanag sa kanya. Hindi ako pwedeng umalis dito hanggat hindi pa gumagaling si Lily. Marami akong bayarin at itong trabaho lang 'to ang makakatulong sa'kin. "Pero wag kang magalala, Kate. Walang namamagitan sa amin ni Alec. Nagtatrabaho lang ako sa kanya. Yun lang." Paliwanag ko baka kasi pagisipan niya kami ng masama at sisantihin ako. "Malaki nga ang pagkakahawig namin. Ngayon ko lang napansin. Mas matured lang ang mukha niya sa akin." Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil ang ganda niya tapos sasabihin niyang malaki ang hawig namin sa isa't-isa o maooffend dahil sinabi niyang mas matured ang mukha ko. "Salamat dahil inalagaan mo sila habang wala ako." Pasasalamat ni Kate sa'kin. "Wala yun. Sa totoo lang noong una trabaho lang talaga ang turing ko sa pagpasok sa buhay nilang dalawa pero unti-unti nasasanay na ako at nagugustuhan ko na yung ginagawa ko. Hindi na labag sa loob kaya hindi mo ako kailangan pasalamatan." Simula noong niligtas ako ni Alec sa mga taong nagtangkang mangrape saakin sa beach, doon ko lang una narealize na hindi na trabaho ang turing ko sa ginagawa ko. Inako ko na talaga sa sarili ko na ako ang nanay ni Blaze kaya mahihirapan ulit akong mag-adjust kapag umalis ako sa buhay nila. "By the way, saan ka nga pala natutulog?" Ang laki kasi nitong bahay para naman alam ko kung saan ko siya puntahan. "Sa guest room." Hala! nakakahiya. Siya itong totoong ilaw ng tahanan sa bahay na'to tapos nasa guest room siya at ako malapit kina Alec at Blaze? Kapal naman ng mukha ko. "Palit nalang tayo. Ako dun sa guest room tapos ikaw dun sa katabing kwarto ni Alec. Kaharap nun yung kwarto rin ni Blaze." Boluntaryo ko para lumipat siya dun. Baka kasi nahihiya lang si Alec na paalisin ako. Baka nga pinagawa talaga ni Alec ang kwartong yun para kay Kate dahil yun lang ang katabi ng kwarto ni Alec. At ang kwarto ni Blaze, ni Alec, at ang kwarto na tinutulugan ko ay yun lang ang magkakalapit na kwarto dito sa buong bahay tapos the rest malalayo na ang agwat ng bawat kwarto. "Are you sure?" Paninigurado ni Alec. "Oo naman. Nakakahiya kay Kate kung ako ang malapit sa inyo tapos siya nasa guest room. Ang kapal naman ng mukha ko kung hindi ako lilipat." Pagiinsist ko. "Tapos na po ako kumain. Sleep na po ako ulit. Goodnight, mommies, paps, and uncles!" Paalam ni Blaze saaming lahat. "Basahan kita ng bedtime story/Basahan kita ng bedtime story." Sabay naming sabi ni Kate kaya nasa amin ang atensyon ng lahat. "Sige, Kate, ikaw nalang. Palagi ko namana binabasahan si Blaze ng story kaya ikaw naman ngayon." Paubaya ko nalang dahil siya naman ang totoong nanay. Hindi na ako makikipagkompetensya. "Tara, Blaze." Sabi ni Kate sabay binuhat si Blaze at umakyat na sila ng hagdan. "Ano pang ginagawa niyo dito?" Tukoy ni Alec sa tatlo pero tinalikuran lang siya nina Damon at Boris sabay sakay sa elevator paakyat sa third floor. Kumaway-kaway pa nga ang mga ito kay Alec. Ang lakas talaga ng trip nilang magkakaibigan. "You, Rusco?" Naiwan kasi si Draco dito. "Dito na rin ako matutulog, Boss A. Gabing-gabi na tinatamad na ako magdrive pauwi." Sagot naman ni Draco kay Alec pero hindi pa 'to umaalis sa pwesto niya. Baka may pag-uusapan pa sila kaya magpapaalam na rin akong umakyat. "Matutulog na rin ako. Doon na ako sa third floor simula ngayong gabi. Pasabi nalang kay Kate." Paalam ko kay Alec. "Kai." Nahihiyang tawag ni Draco sa pangalan ko kaya huminto ako sa paglalakad. "Bakit, Draco? May sasabihin ka?" Mukhang may sasabihin siya. Nahihiya lang siya. "Hindi ako galit ha pero pasabi sa kapatid mo wag siya palaging tawag nang tawag sa akin. Naiistorbo kasi ako minsan kapag nasa trabaho dahil bigla-bigla siyang tumatawag. Ikaw nalang ang magsabi kasi baka maoffend ko siya kapag ako. Okay lang naman sa akin kahit tadtadin niya ako ng text pero kapag tawag kasi naiistorbo ako. Okay lang na tawagan niya ako kung gusto niya ng kausap dahil nakakaboryo naman talaga sa hospital pero pasabi sana minsan lang. Salamat." Ito na yata ang pinakamahabang salita na narinig ko mula kay Draco. "Pasensya ka na talaga, Draco. Binigyan mo ba siya ng number mo?" "Binigay ko for emergency purposes lang. In case na kailangan niya ako may kokontakin siya pero hindi ko akalain na may ikukulit pa pala siya." Natatawa niyang sabi. "Yan ang pagkakamali mo. Binigay mo yung number mo. Ganyan kasi siya magka crush, sobrang kulit. Mas maigi ikaw ang magpaliwanag sa kanya na naiistorbo ka niya para tumigil na siya. Makulit lang yung kapatid ko pero sumusunod naman yun kapag napagsasabihan. Hindi naman matigas ang ulo nun kaya maiintindihan niya. Wag kang magalala, hindi yun maooffend." Payo ko kay Draco. "Sige, ako na ang kakausap. Akyat na ako, Boss A." "Salamat sa pasensya sa kapatid ko. Kakausapin ko rin ang batang yun para hindi ka na niya kulitin. Sabay na ako sayo paakyat." Sumunod na ako kay Draco at sabay kaming sumakay ng elevator papuntang third floor na kung saan nandun ang guest rooms. "Rusco, pakituro nalang yung guest room na hindi pa nagagamit. The larger one." Pahabol na sigaw ni Alec. Okay lang naman sa'kin kahit saang guest room ako matutulog. Maarte lang talaga si Alec. Hindi siya ang matutulog dun, ako, ako naman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD