CHAPTER 15: LETTING HER GO

2799 Words
KAI'S POV Usually 6:00 am palang ay gising na ako para magluto ng breakfast at asikasuhin si Blaze bago pumasok sa learning center pero dahil hindi ako nakatulog ng maayos kagabi, 7:00 am na ako nagising ngayon kaya naman nagmadali na akong bumaba. Hindi na nga muna ako nakapag ayos ng sarili ko sa sobrang pagmamadali dahil inaalala ko yung dalawa, baka umalis nanaman na hindi nagbibreakfast. "Good morning, mommy Kai!" Bati ni Blaze nang makita niya ako. Nakasuot na siya ng school uniform niya. "Good morning, Blaze! Kain ka breakfast bago umalis ha. Bawal ulit magskip. Magluluto lang si mommy saglit lang." 7:30 am pa naman kasi ang pasok niya. Kaya ko pa siya paglutuan. "No need na ikaw magluto, mommy. Actually nagstart na po ako kumain may kinuha lang ako saglit sa room ko. Pabalik na po ako sa dining." Andito na nga pala si Kate. Baka siya na ang nagluto. "Ang paps mo nagbreakfast ba bago umalis?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papuntang dining. "Ayan pa po pala si paps oh. Hindi pa nakakaalis." Turo ni Blaze kay Alec pagkarating namin sa bungad ng dining. "Pasensya ka na hindi pa ako marunong magluto pero magpapaturo ako kay Kai para sa susunod yung luto ko na ang kakainin ninyo ni Blaze." Sabi ni Kate habang nilalagyan ng pagkain si Alec sa plato nito na dati ako ang gumagawa. "Sige tuturuan kita." Willing naman akong turuan siya, hindi naman ako madamot. "Sinubukan ko magluto pero nasunog. Mabuti nalang may nag-abot dito ng pagkain. Driver daw iyon ni Blaze." Hindi pa yata nasasabi ni Alec ang tungkol sa pagiging Mafia niya kaya hindi pa kilala ni Kate ang mga tauhan niya. "Kahit dati ba hindi siya marunong magluto, Alec?" Curious kong tanong kasi baka marunong naman siya pero nakalimutan na niya rin. "She can't cook." Sagot naman ni Alec habang hinihiwa ang steak. Understandable naman dahil mukha namang laki sa yaman si Kate. Ako nga naturuan lang rin ako ni nanay. Hindi naman din talaga ako marunong magluto dati kaya gusto ko rin turuan si Kate. "Mommy Kate, favorite ko po yung mga luto ni mommy Kai, especially the sinigang na baboy and adobo." Sabi ni Blaze pagkatapos niyang ngumuya. Hindi na siya nagsasalita kapag puno ang bibig niya. Napakamasunuring bata. "Lagi niya yan nirerequest na lutuin ko." Pagkukwento ko kay Kate. "I gotta go." Paalam ni Alec habang pinupunasan ang bibig niya ng table napkin. Palabas na si Alec sa dining pero pinigilan siya ni Kate. "Sandali lang." Pigil ni Kate kay Alec sabay inaayos niya ang kwelyo na suot nito dahil nakatupi. Napatingin si Alec sa direksyon ko kaya inalis ko ang tingin ko sa kanilang dalawa sabay nagumpisa na ring kumain. "Bakit sad nanaman ang eyes mo, mommy Kai? Namimiss mo na ulit si tita Lily?" Usisa ni Blaze habang tinititigan akong kumakain. "Palagi ko naman namimiss ang tita Lily mo pero napuyat lang ako kagabi kaya tired lang ang eyes ni mommy hindi sad." Paliwanag ko kay Blaze. "Is that so, mommy? Ganyan din kasi ang eyes mo before nung namiss mo si tita Lily. Sleep ka ulit, mommy." Sweet naman talaga ng batang 'to. "Boss A, susunduin ko na si Blaze, baka malate na siya." Paalam ni Gino na kakapasok lang dito. Agad kong tinulungan si Blaze na isuot ang bag niya tapos ay lumabas na rin sila kasama na si Alec. Pagtingin ko sa upuan nakita ko doon ang leather handbag na laging dala ni Alec kapag pumapasok siya sa Castellano Corp kaya naman naisipan ko itong ihabol pero sabay kami ni Kate ang kumuha nito sa upuan at magkabilaan ang hawak namin dito. "Ako na ang magbibigay." Nakangiting sabi ko kay Kate habang mahigpit ang pagkakahawak sa handbag. Hindi ko alam pero parang ayaw ko siyang pagbigyan ngayon katulad nung ginawa ko nang sabay rin namin alokin si Blaze na basahan ng story. Nang bitawan niya ang handbag agad ko itong itinakbo papuntang parking area. Pinaandar na ni Alec ang sasakyan niya pero hinarang ko siya. Hininto niya ang sasakyan nang makita ako at pagkatapos ay lumabas siya mula rito. "Thank you." Pasasalamat niya pagkatapos kong iabot ang handbag niya. "You're welcome." Nakangiti kong sagot sa kanya. "By the way forget about our agreement." Casual niyang sabi sa'kin kaya nakaramdam ako ng lungkot. Dapat masaya ako sa narinig ko dahil ito naman talaga ang gusto ko pero wala akong maramdamang saya ngayon. Dati kasi halos parang ayaw niya ako paalisin pero ngayon parang ang dali nalang sa kanya na sabihin yan. "Sinisisanti mo na ba ako? Kung yan ang desisyon mo lubos puso kong tinatanggap. Mas mabuti na rin yan para hindi ako makagulo sa inyo ni Kate." Malungkot kong sabi pero tinawanan niya lang ako ng bahagya. "No. Not that. What I mean is, if you don't want to work with me anymore, you're free to go any time. This is what you really want, isn't it? You want to have your own family at hindi mo nga naman magagawa yun kung nakatali ka sa amin ni Blaze." Naalala pa niya pala yung mga sinabi ko. Naalala ko rin kung gaano siya ka willing na pakasalan ako para lang maging isang pamilya kaming tatlo pero ngayon parang okay na sa kanya na magkaroon ako ng sariling pamilya na hindi sila. "Akala ko pinapaalis mo na ako porque andyan na si Kate. Alam mo naman kung gaano ka importante ang trabahong 'to ngayon sa'kin dahil kakasimula palang ng bagong treatment ni Lily." Prangka kong sabi sa kanya. Sa totoo niyan bukod sa kailangan ko ang trabaho na 'to ay hindi pa ako handa na umalis sa buhay nila. "I know at alam ko rin na ayaw mong pumayag kahit alokin kita na ako na ang sasagot sa medical bills ng kapatid mo so you can stay here as long as you want." Buti naman alam niya. "Ibig sabihin ba nito hindi ko na kailangan magbayad ng penalty kapag gusto ko na umalis?" Naalala ko tuloy ang mga sinabi niyang penalty sa kagustuhan niyang manatili ako rito. "Yes. Forget about everything you signed in the contract." Mabuti naman kung ganun. "You're also free to visit your sister any time you want. Kung ayaw mo magpasama sa blue aces tuwing pupunta ka sa hospital, if you notice something suspicious don't hesitate to call me or the three idiots." Dati sa tuwing napaguusapan namin ang pag dalaw ko sa hospital lagi niyang binabanggit si William tapos magagalit. Ngayon parang wala nalang sa kanya na magkikita kami doon ni William. Tama nga ako ng sinasabi na hindi niya talaga ako gusto bilang ako. Gusto niya lang ako dati dahil kay Kate. Bakit ko nga ba binabalikan ang mga bagay na 'to? Hindi ko naman gusto si Alec romantically, remember? Bakit ba ako affected? "Pasok na ako. Umpisahan ko na ngayon turuan si Kate magluto." Para naman kapag umalis na ako dito hindi na ako magaalala na baka nagpapalipas sila ng gutom. Nabanggit kasi sa'kin ni Gino na sabi niya noong hindi pa ako nakatira dito palaging nalilipasan ng gutom ang dalawa dahil minsan bukod sa busy ang blue aces dahil may mission, late rin sila nadadalhan ng pagkain kasi hindi naman alam ng blue aces na hindi pa sila nakakakain. Kapag nagpapadeliver naman daw ang dalawa ng pagkain ay late rin bago dumating. Pagtalikod ko sa kanya ay hinawakan ako nito sa kaliwa kong kamay sabay hinila niya ako ng bahagya kaya naman napaharap ulit ako sa kanya. "I have a favor to ask." Hindi niya binatawan ang kamay ko kaya hinayaan ko nalang. "Ano yun?" Importante siguro ang hihilingin niya sa akin dahil seryosong-seryoso ang mukha nito habang tinititigan ako. "Don't tell Kate about my true identity." Magkatitigan kami kaya kitang-kita ko na biglang lumungkot ang mga mata niya. "Bakit? Hindi ba dapat hindi ka naglilihim sa kanya?" Sa pagkakakilala ko kay Alec siya yung tipo ng tao na hindi maglilihim sa partner niya kaya gusto kong malaman kung ano ang pinanghuhugotan niya kung bakit ayaw niyang sabihin kay Kate ang pagiging Mafia niya. "I told her before and that's exactly the reason why we broke up. Ayokong lumayo ulit siya sa akin kapag nalaman niya." Kaya pala ayaw niyang ipaalam ulit. Kung ako rin si Kate, kahit mahal na mahal ko si Alec makikipagbreak rin talaga ako kapag nalaman kong kriminal ang boyfriend ko. At hindi lang basta kriminal si Alec, Boss pa ng mga kriminal. Nagalit nga ako noong una ko rin nalaman na Mafia Boss pala siya kahit magtatrabaho lang naman ako sa kanya si Kate pa kaya na boyfriend siya? Malamang sobra siguro ang galit ni Kate sa kanya kaya nagdesisyong itong makipaghiwalay. Pero ngayong nakilala ko na ng lubusan si Alec at nalaman ko na ang mga dahilan kung bakit siya napunta at nanatili sa mundo ng mga kriminal, unti-onti ko na siya naiintindihan. Lalong-lalo na noong niligtas niya ako sa mga nagtangkang mang rape saakin na habang buhay na trauma ko sanang dadalhin. Pakiramdam ko normal na sa'kin yung pagiging Mafia niya. Sa tuwing umuuwi nga siya rito sa bahay na duguan hindi ko na magawang magalit sa kanya kahit alam kong nakagawa nanaman siya ng kasalanan. "Paano kung bumalik na lahat ng memorya niya?" Tanong ko kay Alec. "The important is now. I may sound selfish pero habang hindi pa niya naaalala I want her to stay by our side." Mahal na mahal niya talaga si Kate dahil kaya niyang magsinungaling sa kanya wag lang 'tong lumayo sa kanya. "Sige, makakaasa ka. Hindi naman din ako chismosa kaya safe ang sikreto niyo sa akin." Paninigurado ko sa kanya. Gusto ko siyang yakapin dahil ramdam ko siya, naiintindihan ko siya pero hindi pwede kasi baka makita ni Kate at bigyan pa 'to ng malisya. Matapang na tao si Alec pero kapag si Kate na ang pinaguusapan nagiiba ang aura nito. Hindi siya yung Alec na nakakatakot lapitan. Hindi siya yung Alec na nakakasanayan ko. Ibang-iba siya. Nawawala ang devil side niya. Pagdating kay Kate nagiging vulnerable siya na parang gusto ko siyang protektahan. Halatang-halata na kahinaan niya si Kate. Masasabi ko na maswerte si Kate at meron siyang Alec. Sana all nalang talaga. "Alec!!!" Sigaw ni Kate habang tumatakbo ito papalapit sa amin kaya naman binitawan na ni Alec ang kamay ko na hindi niya yata napansing kanina pa niya hawak. "Coat mo." Sabi niya sabay ipinasuot ito kay Alec. Magkaharap parin kami ni Alec kaya ngitian ko na lang siya. "Naiwan mo sa sala buti napansin ko. Hindi pa bumabalik si Kai kaya naisip ko nandito ka pa." Dagdag pa niya nang matapos niyang ipasuot kay Alec ang coat. "Mauuna na ako sa loob." Paalam ko sa kanila dahil baka magmomoment pa sila. Ayokong maawkward lalo kaya aalis nalang ako. Bukod sa kagandahan nitong taglay, mabait at mukhang maalaga na babae si Kate kaya no wonder mahal na mahal siya ni Alec. Nang makabalik na ako sa loob ay hinanda ko na agad ang mga ingredients ng sinigang at adobo. Ito muna ang una kong ituturo sa kanya dahil ito ang mga paborito ni Blaze. "Ngayon mo na ba ako tuturuan, Kai?" Tanong ni Kate nang makita ang mga ingredients na pinatong ko sa lababo. "Oo. Sinigang at adobo muna ang ituturo ko sayo tapos bukas ibang putahe naman." Sabi ko habang sinusuotan ko siya ng apron. Bago palang kami magkakilala pero komportable na kami sa isa't-isa. Sa bait ba naman ni Kate, hindi na ako nahihiyang makipagclose sa kanya. "Matagal ka na rito?" Tanong ni Kate habang hinihintay niya akong matapos na itali ang buhok ko. "Months pa lang." Sagot ko sa kanya habang inuumpisahan nang hiwain ang mga gulay. "Alam mo noong nasa black house pa ako ang gusto ko lang ay magkapamilya. Siguro nga kung hindi ko pa nakilala sina Alec kung sino na lang ang aalok sa akin na maging kasintahan ako papayag na ako." Palakwento siguro 'to si Kate dahil basta-basta nalang siya ngakukwento kahit hindi ko naman tinatanong. "Talaga? Kahit sino? Paano kung masama siyang tao?" Natatawa kong tanong sa kanya dahil napakainosente niya. "Ayos lang basta wag niya akong saktan." Ayos lang naman pala sa kanya baka mali ang iniisip ni Alec na baka iwan siya ulit ni Kate. "Paano kung masama siyang tao tapos pangit pa ang mukha?" Natatawa kong tanong ulit sa kanya. Hindi ko siya pinagtitripan ha. Natutuwa lang talaga ako sa kainosentihan niya. "Hindi naman importante sa akin ang itsura basta wag niya akong saktan. Gusto kong malaman kung sino talaga ako kaya ayokong may mangyari sa akin hanggat hindi bumabalik ang memorya ko. Ang hirap ng walang maalala. Para kang ipinanganak ulit kaya gustong-gusto kong bumalik ang memorya ko." Ang lungkot siguro mawalan ng memorya. "Diba may health check ka? Pumayag ba si Alec na bumalik ka sa black house?" Usisa ko sa kanya dahil malamang hindi yun payag na bumalik dun si Kate lalo na't alam niyang hindi pala nakakalabas dun dati si Kate. Sigurado ako baka nga iniimbestigahan na yan ngayon nila Alec ang black house. "Sabi niya kukuha siya ng doctor para sa akin pero nagpumilit akong babalik nalang doon dahil yan ang usapan namin ni Xian. Gusto ko tuparin ang usapan namin para manlang maibalik ko ang kabutihan niya dahil kung hindi niya ako tinulungan hindi ko nakilala sina Alec. Saka mababait ang mga doctor dun. Mas komportable ako kung sila ang magchecheck sa akin." Hindi na siguro nakapalag si Alec sa gusto ni Kate. "Kapag malambot na ang baboy pwede mo na ilagay ang sinigang mix. Mas masarap sana kung tunay na sampalok ang ilagay kaso lang naubos ko nang gamitin. Tapos konting kulo lang pwede mo na ilagay ang mga gulay. Unahin mo yung matitigas na gulay katulad ng gabi, sitaw, at okra. Ihuli mo ang kangkong." Pag-iinstruct ko sa kanya. "Ikaw, Kai, may pamilya ka?" Tanong niya habang nilalagay ang mga gulay sa pressure cooker. Hindi ko alam kung sinong pamilya ko ang tinutukoy niya. Kung ang pamilya ba na kinalakihan ko o ang sarili kong pamilya kaya sasagotin ko nalang pareho. "May nanay, tatay, at kapatid ako. Sila ang pamilya ko pero wala pa akong sariling pamilya katulad ng sayo na may Alec ka at Blaze." Ni hindi pa nga ako nagkaka boyfriend. "Medyo matagal ka nang naninirahan dito, hindi ka ba nagkainteres kay Alec?" Nabigla ako sa tanong niya kaya naman matagal akong nanahimik. "Naisipan ko lang itanong pero hindi mo kailangan sumagot dahil ako nga ay nagkainteres kaagad sa kanya kahit hindi ko siya maalala." Kung hindi ko siya sasagotin malamang iisipin niyang meron. "Noong una ayaw na ayaw ko dyan kay Alec pero nang makilala ko na siya ng lubusan naiintindihan ko ang mga kababaihan na nagkakandarapa sa kanya dahil bukod sa gwapo siya, kahit papano ay may kabaitan din itong taglay kahit hindi halata sa mukha niya dahil bihira mo siyang makitang ngumiti at higit sa lahat nakakatakot ang presensya niya. Pero wag kang magalala hindi ako isa sa mga kababaihan na yun." Paliwanag ko kay Kate. "Mabuti nalang wala kang interes sa kanya. Alam mo noong una kong makilala si Alec at Blaze, nagustuhan ko kaagad sila kaya kahit gustong-gusto kong tumira sa probinsya pakiramdam ko ayaw ko na bumalik doon kaya nakiusap ako kay Alec na dito na muna ako tumira." Siya pala ang nagsuggest kay Alec na tumira dito akala ko pinilit siya ni Alec. "Pakiramdam ko sila na ang pinaka importanteng tao sa buhay ko kaya ayaw ko na rin sila mawala sa akin. Kung gaano ko kagusto na bumalik ang memorya ko ganun ko rin sila kagusto kaya pakiramdam ko kaya kong gawin ang lahat wag lang sila makuha sa akin." Napalunok naman ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko pinariringgan niya ako. Totoo yata ang sinasabi nila na makakalimot man ang utak pero hindi ang puso kaya ganyan nalang ang nararamdaman ni Kate nang makita niya ulit ang mag-ama niya. "Sana nga bumalik na ang alala mo para maikwento mo sa'kin ang lovestory niyong dalawa ni Alec." Sincere kong sabi sa kanya. "At sana kung ano man ang maaalala mo, sana ay manatili ka pa rin sa tabi nila. Sana wag magbago ang tingin mo kay Alec." Dagdag ko pa. Alam ko kasi kung gaano masasaktan si Alec kapag iiwan siya ulit ni Kate dahil kitang ko yun sa mga mata niya. Sa tuwing nakikita ko ang lungkot sa mga mata ni Alec, lumalambot ang puso ko para sa kanya. Parang ako ang nasasaktan para sa kanya. Mas lalo ko lang napapatunayan na walang kahit na sino man ang makakapantay kay Kate sa puso ni Alec, kahit ako. Kaya niya nga ako siguro madaling pakawalan ngayon dahil bumalik na ang babaeng tunay na ninanais ng puso nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD