KAI'S POV
Masaya akong makita si Lily na unti-onti nang bumabalik sa dati niyang sigla. Ang katawan niya ay unti-onti na bumabalik sa dati, nagkakalaman na ulit. Maaliwalas na rin tingnan ang mukha niya. Hindi katulad nung dati ay sobrang putla.
Mukhang epektibo ang bago niyang treatment sa kanya at isa lang ang ibig sabihin nito, napapalapit na ang pag-alis ko sa buhay nina Alec dahil wala na akong nakikitang dahilan upang manatili pa.
"Okay ka lang? Tulala ka dyan." Pagbabalik ni Lily sa ulirat ko.
"Anong iniisip mo?" Binigyan ako nito ng may pagaalalang mukha.
"Wala." Pagsisinungaling ko sa kanya.
"Meron eh. Sige na, sabihin mo na." Pamimilit niya.
"Nasaan si Nicole?" Pag-iiba ko sa usapan.
"Nasa cafeteria kumakain. Pero wag mo ibahin ang topic, ate. Kilala kita, alam kong may iniisip ka." Hindi ako titigilan ni Lily hangga't hindi ko sa kanya sinasabi ang iniisip ko kaya naman wala na akong choice.
"Yung mommy ni Blaze buhay siya. Actually kasama na siya namin sa bahay." Never ko pa kasi nababanggit 'to kay Lily kahit lagi kami magkatawagan.
"May ginawa ba siya sayo? Kinakawawa ka ba niya?" Itong kapatid ko ang OA. Kakapanuod niya 'to ng drama e.
"Wag OA, gurl. Ang totoo nga niyan sobrang bait niya." Totoong mabait naman talaga na babae si Kate.
"So anong problema? Bakit ang lalim ng iniisip mo? Nagseselos ka 'no?" Binigyan ako nito ng may panunuksong tingin.
"Bakit ako magseselos? Hindi ko naman gusto si Alec. Wala namang kami." Natatawa kong sagot sa kanya pero sumeryoso ang mukha nito.
"Ate, maitatago mo sa lahat ang nararamdaman mo pero hindi sa'kin. Kilala kita mula ulo hanggang paa." Pagtataray pa nito.
"Matagal ka ng may gusto kay Mr. Castellano pero in denial ka lang." Pangrerealtalk ni Lily sa'kin.
Baka nga in denial lang talaga ako kaya noong niligtas ako ni Alec sa mga nagtangkang mang-rape sa'kin sa beach ay pakiramdam ko may kakaiba sa nararamdaman ko. Iniisip ko nga na baka thankful lang ako sa ginawa niya kaya naman nahulog ang loob ko at dahil dito ay hindi ko nalang pinansin ang nararamdaman ko.
Kung dati kaya kong tingnan si Alec sa mga mata niya habang sinasabi na hindi ko siya gusto sa tuwing tinatanong niya ako, ngayon pakiramdam ko hindi ko na kayang gawin yun.
"Natahimik ka 'no? Kasi totoo. In denial ka, ate. Hindi ko nga alam kung bakit ayaw mo aminin sa sarili mo na may gusto ka kay Mr. Castellano eh mukhang gusto ka naman niya kaya sigurado akong hindi ka naman marereject kapag inamin mo." Hindi naman ako takot mareject. Hindi lang ako sigurado sa nararamdaman ko para kay Alec.
"Maliban nalang kung masamang tao si Mr. Castellano kaya pinipigilan mo ang nararamdaman mo pero mukhang mabait na tao naman si Mr. Castellano at mabait din naman si Blaze. Tanggap ka nila at wala namang problema sa'kin kung may anak na si Mr. Castellano, tanggap ko siya para sayo kaya nagtataka talaga ako kung bakit ayaw mo umamin." Yung tono niya ay mukhang mas problemado pa siya sa'kin.
Hanggang ngayon hindi ko pinapaalam kay Lily ang tungkol sa pagiging Mafia ni Alec dahil wala naman ako sa posisyon para ipagsabi yan kaya nasasabi pa niyang mabait 'to. Pero hindi ko lang alam kung matatawag pa niyang mabait si Alec kapag nalaman niya.
Noong nalaman ko na isang Mafia Boss pala si Alec, hindi ko talaga nakikita ang sarili ko na magkakagusto sa kanya. Trabaho lang talaga ang nasa isip ko kaya siguro pinaninindigan ko nalang na wag akong magkagusto sa kanya, pero ngayon hindi ko narin alam.
Nagugulumihanan na ako sa nararamdaman ko at ngayon pa talaga nangyari 'to ha kung kailan bumalik na si Kate. Pangit ka-bonding ng nararamdaman ko, wala sa tamang timing.
"Naguguluhan ako ngayon sa totoo lang pero isa lang ang sigurado ako. Kung ano man 'tong nararamdaman ko hindi pwedeng malaman 'to ni Alec dahil ayokong makagulo at kahit malaman pa niya alam ko sa sarili ko na wala akong laban kay Kate pagdating sa puso ni Alec." Hindi ko napigilang mangilid ang luha sa mga mata ko kaya naman mabilis akong niyakap ni Lily.
"Kahit ayaw mong ipakita alam ko kung gaano ka nahihirapan at nasasaktan na makita si Mr. Castellano at si Kate sa araw-araw. Sorry, ate kasi dahil sa'kin tinitiis mo yun lahat." Ayan nanaman, sinisisi nanaman niya ang sarili niya kahit wala naman siyang kasalanan.
"Kaya naman nakikiusap ako sayo ngayon, ate. Please lang, umalis ka na doon. Wag mo na tuluyang saktan at pahirapan ang sarili mo." Naramdaman ko ang pagpatak ng luha niya sa balikat ko. Nauna pa siyang umiyak kaysa sa'kin. Kaya mahal na mahal ko 'tong kapatid ko e kasi kung ano yung nararamdaman ko, nararamdaman niya rin.
"Sabi ni William maayos ang respond ko sa treatment kaya naman hindi na rin magtatagal ay tuluyan na akong gagaling." Nakayakap parin siya sa'kin pero ramdam ko ang saya nito sa goodnews ni William sa kanya.
"Ang totoo niyan, ate, bago niya umpisahan ang bago kong treatment ay humingi muna ito ng permiso sa akin. Kinausap niya ako kung gusto kong maging volunteer bilang magiging test subject niya at ang kapalit nito ay wala na tayong babayaran na kahit na singkong duling sa hospital. Pumayag agad ako, ate para hindi ka na mag-alala sa bayarin." Pakiramdam ko ay umusok ang tenga ko sa narinig ko kaya naman mahigpit kong hinawakan sa magkabilang balikat si Lily sabay hinarap siya sa'kin.
"Lily naman! Bakit hindi mo sinabi agad sa'kin na gagawin kang test subject ni William?" Ramdam ko ang pagtataas ng tono ng boses ko sa kanya. Delikado yung desisyon na ginawa niya.
Ang sinabi lang kasi ni William sa'kin ay bago lang iyong TKIs treatment na yun at madali lang kaya hindi daw mahihirapan si Lily dahil unlike sa chemo through IV ang treatment pero yung TKI daw ay pills lang naman yun na iinomin ni Lily.
Hindi ako aware na nasa phase pa rin pala siya ng clinical trials at gagawin pa niyang isa sa mga test subjects niya ang kapatid ko. Walang ipinaliwanag na ganito sa'kin si William kahit naman nakaramdam ako ng konting galit sa kanya.
"Wag kana magalit, ate. Successful naman yung treatment. Tingnan mo nga oh, bumuti na ang lagay ko kumpara sa dati." Nakangiti pa 'to na parang hindi niya nilagay sa kapahamakan ang buhay niya.
"Salamat nalang talaga at successful pero paano kung nagfailed, ano nalang ang mangyayari sayo, aber?!" Si Lily nalang ang natitira kong pamilya kaya hindi ko kakayanin kung pati siya ay mawawala sa'kin.
"That's not gonna happen." Pakiramdam ko ay kusang nagkasariling buhay ang palad ko nang makita ko siya.
Uminit ang dugo ko nang makita ko si William kaya naman wala sa sariling nasampal ko siya.
"Ate..." Halata ko ang gulat sa boses ni Lily. Pati ako nagulat rin sa ginawa ko kaya humingi agad ako ng paumanhin kay William na mukhang hindi niya rin inaasahan na gagawin ko yun.
"Sorry, William. Hindi ko sinasadya. Nag-init lang talaga ang ulo ko nang marinig ko na ginawa mong test subject si Lily. Ako ang guardian dapat sa'kin mo muna pinaalam." Sinabihan niya si Lily na wala ng babayaran kapag pumayag kaya malamang hindi siya tatanggi kahit alam niyang delikado.
"Alam ko kasing hindi ka papayag. Confident naman akong magiging successful kaya hindi ko na ipinaalam sayo kasi wala ka namang dapat ipag-alala." Kapatid ako ng ginawa niyang test subject kaya hindi niya maialis sa'kin ang magalala.
"Kung confident ka naman pala dapat hindi mo nilihim sa'kin at kinumbinsi mo nalang sana ako ng maigi dahil malaki naman ang tiwala ko sayo na hindi mo ipapahamak ang kapatid ko." Salamat nalang talaga at maayos ang respond ni Lily sa treatment na 'yan dahil kung hindi baka mag-alsa balutan na kami paalis sa hospital ni William.
"I'm sorry. Hindi ko alam na malaki pala ang tiwala mo sa'kin. I thought hindi kita makukumbinsi. Gusto ko lang mapabilis ang pag galing ni Lily kaya naman nag-isip ako ng alternative treatment at ayokong magalala ka kaya hindi ko na sinabi." Sobrang laki ng tiwala ko kay William kung alam niya lang.
"Kaibigan kita kaya gusto kong malaman mo na malaki ang tiwala ko sayo, William." At hindi pa niya kahit minsan nagawang sirain ang tiwalang yun.
"Okay. For your peace of mind, let me tell you this. The drug alone or the pills, I carefully formulated it. I waited until the FDA approved the pills before I suggested trying the TKIs treatment for Lily. However, since it's a new treatment, I need to further study its side effects on her because that's been our problem in her chemo before, and she's my first patient that actually tried the TKIs treatment, so I also referred her as my test subject." Kung ganito sana ang ipinaliwanag niya sa'kin una palang hindi sana ako nagagalit ngayon sa kanya. Naguilty tuloy ako sa ginawa kong pagsampal.
"Luckily she's responding well. So far, she has never experienced any side effects. Kahit pagsusuka ay wala, na problema natin sa chemo treatment niya." Alam ko namang magaling na doctor si William pero the fact na nilihim nila sa'kin ay siyang pinuputok ng butchi ko.
"Hello, Miss Kai. Hindi ko alam na dadalaw ka pala." Bati ni Nicole nang makita niya ako kaya nginitian ko siya.
"Alis na ako. Napadaan lang ako saglit dahil nakita kita dito." Paalam ni William. Sa tingin ko ay iniiwasan niyang makita si Nicole.
"Sorry talaga, hindi ko sinasadya." Pigil ko sa kanya habang hinahawakan siya sa braso dahil mukhang dinamdam niya ang pagsampal ko sa kanya.
Tiningnan muna nito ang kamay ko na nasa braso niya sabay ipinatong niya ang kanang palad niya dito bago magsalita.
"No, you're right. Even though Lily is an adult and capable of making her own medical decision, dapat ay hiningi ko parin ang consent mo dahil guardian ka niya. I think I deserve that slap." Nakangiti niyang sabi kaya nakahinga ako ng maluwag dahil ang buong akala ko ay magtatampo siya.
"Mali rin ako na hindi ko ipinaliwanag sayo ang lahat. I'm sorry for making you worried." Dagdag pa niya.
"Hindi mo deserve yun dahil walang kahit na sinuman ang may deserve ng physical violence kahit nasa tama pa ako at nasa mali ka kaya sorry talaga." Nagalit ako sa kanya pero sa maling paraan ko naipahiwatig ang galit ko kaya may mali rin ako dahil kahit kailan hindi tama ang mamisikal.
"You're such an angel." Hinahaplos pa nito ang pisnge ko gamit ang hinlalaking daliri niya.
Ang romantic ng sinabi at ginagawa niya sa'kin pero hindi ko magawang kiligin kahit gustuhin ko pa.
Madami nang ginawa si William para sa'min ni Lily kaya sinusubukan kong tingnan siya higit pa sa kaibigan pero sa bawat subok ko naaalala ko lang ang pagmumukha ni Alec.
"Thank you rin kasi dahil sayo nasa maayos na lagay na si Lily. Hindi mo alam kung gaano kami natutuwang malaman na napapalapit na ang paggaling niya. Sa wakas ay hindi na mahihirapan ang kapatid ko dahil sa sakit niya." Taos puso kong pasasalamat sa kanya kasi dahil sa kanya ay mapapabilis na kaming makakabalik ni Lily sa normal naming pamumuhay.
"No problem, Kai. I will do anything for you." Sabi niya habang malalim ang mga titig niya sa'kin kaya iniiwasan ko ito.
Bago umalis si William ay pinasadahan pa muna niya ng matatalim na tingin si Nicole. Mabilis namang ibinaba ni Nicole ang tingin niya sa sahig para iwasan ang mga tinging 'yon ni William.
"Kumusta ka, Nicole? Hindi naman ba mahirap alagaan ang kapatid ko?" Tanong ko sa kanya nang tuluyan ng nakalabas si William dito sa kwarto.
"Ate naman kung makatanong akala mo pinapahirapan ko si ate Nicole!" Pagrereklamo ni Lily.
"Naninigurado lang. Masigla kana kaya alam kong may itotodo pa yang kulit mo at yakang-yaka mo na ulit mangtrip." Ako nga pinagtritripan niyan ni Lily dati, si Nicole pa kaya.
"Halos wala na nga akong ginagawa, Miss Kai. Kaya niya nang kumilos mag-isa kaya puro alalay nalang ang ginagawa ko sa kanya. Lumalabas na nga yan outdoor ng mag-isa tuwing umaga para mag walking exercise sa garden." Nakangiting pagkukwento niya.
"Odiba, ate. Mabait kaya ako." Pagmamalaki ni Lily sa kinuwento ni Nicole kaya naman natawa kaming tatlo.
"Alam mo akala ko nung una may nakaraan kayo ni William kasi mukhang galit siya sayo. Magkapatid pala kayo sa ama." Wala akong maisip na pag-uusapan namin kaya ito nalang.
"Hala! Magkapatid pala kayo ni William, ate Nicole? Hindi kayo magkamukha pero parehas maganda lahi niyo ha, infairnes! Papi siguro tatay niyo." Loka-loka talaga 'tong kapatid ko.
"Kinamumuhian niya kami ni mama dahil sinisisi niya kami sa pagkamatay ng mommy niya. Wala naman kaming kasalanan dahil hindi naman alam ni mama na kabit siya." Nakangiti siyang nagkukwento pero halatang mapait ang mga ngiting 'to.
"Matagal na kaming magkaibigan ni William at mabuti siyang tao dahil noong lugmok kami ni Lily siya lang ang bukod tanging nasandalan namin at ramdam ko naman na totoo lahat ng kabutihan na yun kaya sa tingin ko darating rin yung araw na magkakaayos kayong magkapatid. Kami nga ay hindi niya kaano-ano tinanggap at tinutulungan niya, ikaw pa kayang kapatid niya? Kaya sa tingin ko ay darating rin yung araw na mapapatawad niya kayo." Pagkocomfort ko sa kanya.
Wala akong pinapanigang side pero naiintindahan ko kung saan nanggagaling ang galit ni William pero mali na sina Nicole ang sinisisi niya sa kasalanang nagawa ng daddy niya.
"Mabuting tao? Sa tingin ko hindi darating ang araw na yun, Miss Kai. Kulang na nga lang isumpa niya kami wag lang magcross yung mga landas namin. Akala niya naman gusto namin siyang makita eh hindi rin naman. Kung galit siya mas may malalim kaming dahilan para magalit sa kanya-sa pamilya niya." Mutual pala ang feelings, pareho silang may galit sa isa't-isa. Akala ko si William lang ang may galit sa kanila pati pala si Nicole mukhang malaki rin ang galit kay William.
Matagal kaming nanahimik kasi hindi ko alam kung ano ang irerespond sa kanya dahil mukhang wala nang salita ang makakapag-ayos sa kanilang away pamilya at ayaw ko na rin makialam sa issue nila.
"Hindi ko alam kung bakit iba ang turing niya sa inyo pero mag-ingat kayo sa kanya, wag kayo masyadong magpadala sa kabaitan niya. Mahirap basahin ang taong yun. Lahat ng pinapakita niya sa inyo it's either totoo o meron siyang hidden agenda. Basta isa lang ang sigurado ako, hindi niyo siya dapat pagkatiwalaan." Hindi ko alam kung binabalaan ba niya kami o sinisiraan niya lang si William sa'min.
"Ate Nicole, sa tingin ko totoo naman ang lahat ng pinapakitang kabaitan samin ni William. Alam mo kasi ate Nicole si William, bukod sa kaibigan namin siya ay inlove rin siya kay ate Kai kaya ganyan nalang siya kabait sa amin. Saka matagal na po naming kilala si William, kung may balak siyang masama sa'min dapat matagal na niyang ginawa." Pagtatanggol ni Lily kay William.
Tumunog ang cellphone ni Nicole kaya nagpaalam itong lumabas.
"Si mama, sasagotin ko lang." Paalam niya sabay lumabas sa kwarto.
"Malaki yata ang galit ni ate Nicole kay William. Mukhang sisiraan pa niya si William sa'tin. Akala ko hindi ugali ni ate Nicole ang manira." Natatawang sabi ni Lily kaya alam kong nagbibiro lang siya.
"Ramdam ko naman na totoo ang kabaitan na pinapakita ni William sa'tin lalo na sa'kin. Kung may masamang balak si William sa'tin dapat matagal na niyang ginawa eh puro kabaitan naman ang pinapakita kahit alam ko naman ginagawa niya 'to para siguro magpa-impress sayo. Wala nga akong masamang tinapay na maipupukol sa kanya pero mas bagay sana kayo ni Mr. Castellano, ate kung wala lang ang mama ni Blaze." Komento ni Lily habang natatawa pa rin.
"Lily, may iba-iba tayo ng pagkilala at ng pagtingin sa tao. Kung ang tingin at pagkilala natin kay William ay mabait siyang tao kasi totoo naman talagang mabait siya sa'tin, hindi natin pwedeng ipilit yan kay Nicole dahil iba rin ang tingin at pagkilala niya sa pagkatao ni William. Nasa atin na yun kung magpapaapekto tayo sa sinabi ni Nicole tungkol kay William." Pangangaral ko kay Lily.
"Ako ate hindi ako naapektuhan kasi malaki ang tiwala ko kay William. Tsaka sa dami niyang ginawa para sa'kin, gumawa pa nga siya ng paraan para mapabilis ang paggaling ko, pagdududahan ko pa ba siya? Kung may balak siyang masama sa'kin edi sana hinayaan niya nalang akong matigok sa sakit ko pero hindi e, extra care pa nga ang ginagawa niya sakin at alam ko naman kung bakit niya ginagawa lahat 'to, yun ay dahil inlove siya sayo at nagpapalakas lang siya sa'kin kasi kapatid kita."
"Ikaw ba ate, magpapaapekto ka sa sinabi ni ate Nicole?"
"Wala naman akong makitang dahilan para pagdudahan siya. Wala rin akong nakikitang dahilan para gawan niya tayo ng masama. Uncomfortable lang ako sa fact na baka umaasa siyang magiging kami. Well, hindi naman malabo kasi boyfriend material naman si William pero sa tuwing kasi sinusubukan kong tingnan si William na higit pa sa kaibigan, lumulutang ang pagmumukha ni Alec sa isip ko."
"Sabi sayo inlove ka kay Mr. Castellano ate e. In denial ka lang talaga. Alam mo yang ganyan, sign yan ng pagiging inlove. Palibhasa ay NBSB ka kaya hindi mo alam yan." Pang-ookray niya sa'kin.
"Kung makapagsalita ka naman akala mo nagkaboyfriend ka na." Pang-ookray ko rin pabalik sa kanya.
"Hindi pa nga ate pero expert ako sa usapang pag-ibig." Natatawa niyang sabi.
Pumasok ulit si Nicole dito sa kwarto na mukhang galit na galit at parang iiyak.
"Anong nangyari, Nicole? May nangyari ba sa mama mo?" Nag-aalala kong tanong sa kanya.
"Pasensya ka na, Miss Kai. Kailangan kong umuwi sa'min. Emergency lang. Baka hindi ako makakabalik agad." Paalam niya habang isinusuot ang backpack niya.
"Ayos lang, take your time." Nakangiti kong sagot sa kanya. Hindi na ako nag-usisa pa kung anong nangyari dahil nagmamadali na siya.
Pagkaalis ni Nicole ay matagal pa kaming nagkwentuhan ni Lily tungkol sa mga bagay-bagay.
"Ate sa tingin ko kanina ko pa naririnig ang cellphone mo na tumutunog." Iritang sabi ni Lily kaya kinuha ko ang shoulder bag ko sa couch.
"Sorry naman, hindi ko narinig." Sabi ko sa kanya habang binubuksan ang cellphone ko.
Pagkatingin ko sa cellphone ko ay may 10 texts ito at 15 missed calls galing kay Alec. Binasa ko kaagad ang mga messages kasi baka may emergency.
《Messages from Alec》
Where are you?
You're still at the hospital?
Come home now.
Answer my call.
Answer my goddamn call, Kai!!!
Please text back! Are you okay?
Umuwi ka na.
Uwi na!
Kai...?!
Gino will fetch you.
~~~
"Akala ko naman emergency. Minamadali lang pala akong umuwi." Sabi ko kay Lily.
"Sino?" Takang tanong naman niya.
"Alec." Hindi ko alam kung bakit minamadali niya akong umuwi kahit sinabi niyang malaya naman akong makakadalaw kay Lily kahit kailan ko gusto.
"Baka miss ka na, yieeee!!!" Pang-aasar ni Lily.
"Ma'am Kai, pinapasundo na po kayo ni Boss A." Si Gino. Nasa pinto siya nakatayo.
"Nasa bahay na ba siya?" Usisa ko kay Gino.
"Nasa office pa, Ma'am Kai pero tinext niya akong sunduin na kita." Ano kayang problema ng lalaking yun? Ilang oras palang naman ako dito sa hospital.
"Alis na ako, Lils." Paalam ko kay Lily habang sinusuot ang shoulder bag ko.
"Kailan ka aalis sa bahay ni Mr. Castellano?" Nakatingin nitong tanong sa'kin.
"Maybe this week." Sagot ko nalang sa kanya pero sa totoo niyan hindi pa talaga ako nakakapagdesisyon.
"Alis ka na dun ha. Wag mo na torturein ang sarili mo. Ship ko kayo ni Mr. Castellano pero ayokong nasasaktan ka. Sana kahit ngayon lang sundin mo ako dahil ayoko lang talagang pahirapan mo ang sarili mo na makita ang taong gusto mo na kasama ang taong totoong mahal niya." Itong batang 'to minsan umaasta siyang parang siya ang ate sa aming dalawa.
"Opooo, ate Lily. Aalis ako dun pero hindi pa ako nakapagdecide kung kailan. Kailangan ko munang magpaalam ng maayos sa kanila." Pagsasabi ko ng totoo sa kanya.
"Osya, babye na." Niyakap ko muna siya sabay hinalikan sa pisnge bago ako umalis.
THIRD PERSON'S POV
"That b***h!" Pagmumura nito matapos niyang marinig ang usapan mula sa bugging device na sekreto niyang ininstall.
Tinanggal niya ang kanyang wireless earphone na palaging nakasalampak sa tenga niya. Pagkatapos ay kinuha niya ang cellphone na nakapatong sa lamesa sabay nagsimulang magdial.
"Kill him, now!" Utos nito sa kanyang tauhan nang sagotin nito ang tawag niya. Agad niya rin ibinaba ang tawag pagkatapos niyang sabihin iyon.
Galit nitong nilagok ang alak na nasa baso na nakapatong sa lamesa. Nang maubos ang laman nito ay inihagis nito ang baso sa pader dahilan para kumalat ang mga bubog nito sa buong silid.
Nilagay niya ulit ang wireless earphone sa tenga niya para ituloy ang illegal na pakikinig sa usapan sabay prenteng umupo ito sa office chair niya na ipinatong pa ang mga paa sa ibabaw ng lamesa.
Hindi pa man uminit ang pwet niya sa pag-upo ay may galit na galit na pumasok sa opisina niya. Hindi na ito nagulat dahil mukhang inaasahan niya ang pagsugod nito sa kanya.
"Walang hiya kang demonyo ka! Mana ka talaga sa tatay mong kampon ng demonyo! Pamilya talaga kayo ng demonyo!" Namamaos nitong sigaw habang nanginginig sa galit pero nginisihan lang siya nito ng nakakaloko. Hindi manlang ito naoffend sa sinabi nito.
"May usapan tayo hindi ba? Hindi ka marunong tumupad sa usapan. Mabuti nga't may awa pa ako kaya ang tatay-tatayan mo lang ang inuna ko." Nakangisi nitong sambit na parang wala lang sa kanya na may pinapatay siya.
"Paano mo nalamang may sinabi ako sa kanya?" Nagtataka nitong tanong niya pero hindi siya sinagot nito bagkus gamit ang daliri niya ay itinuro lang nito ang earphone niyang nakasalampak sa kanyang tenga.
"Demonyo ka talaga! Wala kang konsensya!" Sunod-sunod na luha ang pumatak mula sa kanyang mga mata pero imbes na kaawaan siya ay nilapitan pa siya nito at bigla nalang sinakal dahilan para mahirapan itong huminga.
"Yes, I'm a demon. Kaya kung ayaw mong isunod ko ang pinakamamahal mong kapatid, ang nanay mo, at ikaw, itikom mo yang bibig mo!" Nanlilisik ang mata nito habang pinapaalalahan niya ito.
Nang tanggalin niya ang pagkakasakal dito ay sunod-sunod na ubo ang binitawan nito habang habol ang hininga. Makikita sa mukha niya ang ginhawa dahil hindi siya tinuluyan nito.
"I see, you're scared to death. Don't worry, it's not your time to die yet, my little sister." Humalakhak ito na parang isang demonyo.