"Raven, umuwi ka rin agad ha? Huwag kang papaabot ng alas onse sa bar na pupuntahan mo." Paalala ni Ate Sabrina habang ikinakabit ang wig kong madalas kong gamitin upang hindi makita ng iba ang pagiging kalbo ko dahil sa isinasagawa kong therapy. Nandito kami ngayon sa room ko sa Hospital at siya ngayon ang nagbabantay sa akin dahil busy si Mommy. Si Kuya Kit naman ay busy sa sarili niyang pamilya. "Yes, Ate Letty." "Good! But it's better kung makakauwi ka agad nang mas maaga pa sa alas onse. Masama sa'yo ang nakakaamoy ng mga usok ng sigarilyo. Iwasan mo rin ang pag-inom ng alak. Hays! Kapag nalaman ni Mommy na nagpupunta ka sa bar para lang kay Owen ay siguradong pagagalitan ka no'n at patifigilin ka na sa ginagawa mo." Aniya na ikinangiti ko ng tipid saka umiling. "No, Ate. I don't

