"Ngi? Bakit hindi mo trip? Oh, si Owen! Gwapo si Owen! Hindi mo man lang ba naging crush si Owen? o kaya naisipang jowain man lang si Owen?" Biglang nakangising tanong ni Bryan na siyang kanina ay tahimik lamang na nakikinig. Para bang may ipinapahiwatig ito na kung ano. Isa pa, naaalala ko na, namumukhaan ko ang isang ito. Siya 'yung lalaking madalas na nagpupunta rin noon sa bar na pinupuntahan namin ni Owen. Iyong bar kung saan nagtatrabaho si Ylea. Ngumisi naman ako at tiningnan siya. Akmang magsasalita na sana ako nang marinig namin ang boses ni Owen. "Raven, here's your drink." Liningon ko naman ito at nakita ko itong nakangiti sa akin kaya kinuha ko naman ang juice na hawak niya. "Thank you, Owen!" Nakangiti kong pasasalamat. Muli naman itong umupo sa gilid ko at nakita ko

