KABANATA 32 — — "Nandito na pala ang gago." Bungad ni Tyler nang makarating ako sa table kung saan sila nakapwesto. Nandito kami ngayon sa isang bar dahil nagkayayaan na naman. "Tangina! Dahil lang sa babae iniwan mo kami kagabi. Anong klase kaibigan ka, Owen? Buti na lang na usog ako sa iniwan mong pagkain mo kagabi." Sambit naman ni Bryan na ikinatawa ko habang umiiling-iling. "Gago! Kahit pa papiliin ako ng diyos kung sino ang pipiliin ko sa inyo, iyon pa ring kasama ko kagabi ang pipiliin ko dahil malaki ang utang na loob ko doon mga sira! Kung hindi dahil sa kaniya hindi ko kayo makikilala." Tumatawang sambit ko at umupo sa tabi ni Tip na siyang tumatawa rin habang umiinom ng alak. "Sus! Kaano-ano mo ba 'yon? Noong nakaraan nakita ko kayong nagde-date sa may Café tapos kahapon

